Chapter 3- Memories
Brietta:
Naglalaro kami ni Brixton ng lutu-lutuan. Alam ko naman na gusto niya talagang maglaro ng basketball ngayon, eh. Kaso ayaw niya man, siyempre mapipilitan siya. Kailangan niya raw magpaka-gentle man sabi ni mommy, eh. Hehe.. >v< No choice siya. At tiyaka, isa pa. Magbabasketball siya? Ang funny naman ng joke na 'yun. Masyado siyang maliit para mag-basketball.. HAHAHAHAHAHAHA!
Bigla ko naman napansin na hinihiwa niya na pala yung bread at niligay na sa kaldero..
"Huy!! Brixton! Ano ba! Mali naman ang ginagawa mo! Sa oven dapat ilalagay ang bread, eh! At tiyaka, isa pa!! Bakit mo hiniwa?!! Dapat gagawa tayo ng cake, eh!"
"Kinakalaro ka na nga, eh! Inaaway mo pa kalaro mo! Wala naman lasa 'yung cake! Ayaw na kitang kalaro!"
Halos mangiyak-ngiyak na ako ng dahil sa mga sinasabi sa akin ni kambal. Huhuhuuu!
"Ang bad, bad mo talaga!" Sigaw ko sa kaniya tapos natuluyan na akong umiyak.
Kasi naman, ayaw niya akong kalaro! Hindi niya ako love!
"What's going on here?" Dumating si ate Bria at nagtataka kung anong ganap.
"Si Brix kasi, ate! Hindi niya ako love! Ayaw niya akong kalaro! Huhuu!" Mas umiyak pa ako kasi nakakaiyak naman talaga na hindi ka mahal ng wombmate mo.
"Ate, nagsisinungaling siya!" Liar! Sinusubukan niya pang i-defend sarili niya, nagsisinungaling naman siya, "Siya ang hindi ako love! Inaaway niya ako! Mas love niya 'yung cake na wala namang lasa!"
"Ate, wala daw lasa 'yung cake!" Iyak ko pa.
"Ay, that's enough. Remember, hindi dapat nag-aaway? Magbati na kayo pleeeaaaseee."
Brixton and I looked at each other hesitantly... "Hmp!" sabi pa ni Brixton na naka-busangot ngayon.
"Magbati na kayo." Paglalambing pa ni ate para pagbigyan namin siya, "Embrace niyo na isa't isa." dagdag pa niya. "Embrace na." Nagkatinginan ulit kami ni Brixton. Masama pa rin ang tingin namin sa isa't isa. " Ayaw niyong mag-embrace? Sige. Shake hands na lang."
Muli kaming nagkatinginan ni Brixton and we hesitantly took each other's hands at nag-shake hands.
"Very good!" Natutuwang sabi ni ate. "Now, embrace." ginawa namin ni Brixton ang sinabi ni ate Bria at nagyakapan.
"Bati na kayo?" she asked us and we nodded with a smile. She smiled back at us and started speaking again. "Continue playing peacefully, okay? Walang mag-aaway. Gagawin ko lang 'yung homework ko."
"Okay, ate." Sabay naming sagot ni Brix habang nakangiti.
"Promise me you'll be nice to each other, okay?"
"Promise./Opo." Sabay ulit naming sagot ni Brix.
~*~
Ten years ago na nung nangyari 'yun.. I was four..
Sa pagkakaalam ko, gumagawa ng project nu'n si ate sa kwarto niya, eh. Tapos feeling ko pa talaga, nagluluto kami ni Brixton.
Kahit laruan lang 'yung mga 'yun, feeling ko, totoo. 'Yung kitchen model kasi na play set na binili para sa akin nila mommy at daddy, super ganda and realistic talaga.
BINABASA MO ANG
The Fangirl And The Gamer
RandomWelcome to the world of the Mortez Twins: Brietta and Brixton. In the public eye, they come from a rich family with certain standards, but that's not the kind of world they want to live in at all. They feel like they're so much more than the limit...