maroon 5
Cienne: osige, let's talk.
Napatingin lahat ng LS nun kay cienne. Sinenyasan ni aby yung girls na pumasok muna sa mga kwarto nila. Isa isa namang umakyat ang mga to. Sina jeron, umalis na din.. Naiwan sina kim at cienne sa sala. Nakaupo si kim sa sofa at nakayuko. Si cienne nakatayo padin sa may pintuan at tinititigan lang si kim..
Cienne: anong gusto mong sabihin ko? Para itigil mo na to?
Kim: bakit ang bilis? Ganun na lang yun cienne?
Cienne: mabilis? Nabibilisan ka? Kim.. Pagkatapos ng lahat ng nangyari, nabibilisan ka?
Kim: nagkamali ako cienne. Mali ako. Nasaktan kita. Nasaktan ko si mela. Aminado naman ako. Pero bakit napakahirap sayo na bigyan pa ko ng isa pang chance? :'( ganun na lang yun? Wala na? Wala na lahat? :'(
Cienne: i think i gave you too many chances na kim. Sobra na. Hindi mo alam kung gano kasakit. Lahat ng nangyari? Wala kang idea. Walang may idea sa inyong lahat. Kasi never ko naman pinakita eh. Never ko pinaramdam sayo kung gano kasakit yung mga simpleng pagsama nya sa mga team dinner. Yung pagpunta nya dito at harap harapan kayong naglalambingan.
Kim: cienne..
Cienne: hindi. Hayaan mo kong magsalita. Para maintindihan mo. Ilang buwan akong nagtiis na niloloko mo ko. Naghiwalay tayo. Parang kumurap lang ako, kayo na agad.
Kim: mali ako. Mali talaga ko. Nasaktan kita. Nasaktan ko sya. Pinipilit kong ayusin pero
Cienne: ayusin? Tingin mo magiging maayos ang lahat pag naging tayo ulit ha kim?
Kim:.....
Cienne: yan ba solusyon mo sa lahat ng to? Pag naging tayo ulit ano? Masasaktan sya. Tas magaaway tayo. Tas maghihiwalay. Tas sya ulit. Paikot ikot lang tayong tatlo. Pagod na ko kim. Nakakapagod.
Kim:...
Cienne: give us a break. Maawa ka naman samin pareho. :'( bigyan mo naman kami ng chance para maging masaya kim. Hindi yung laging kami nagbibigay sayo nun..
Kim:... Im sorry.. Im sorry cienne.. :(
Cienne: ititigil mo na ba to? May sasabihin ka pa ba kim? Pwede na ba kong umakyat?
Kim: (yumuko lang)
Umakyat na si cienne at pumasok sa kwarto nila ni camille. Si kim, umakyat din sa kwarto nila ni carol. As usual, tulala lang si kim.. Minabuti na ni carol na wag na muna tong kausapin.
BINABASA MO ANG
The Art of Letting Go (SMFMHE's book2)
FanfictionEverything was perfect. Until the day they feared the most, the reason why they broke up in the first place, happened. Will they be strong enough to hold on? Will they be strong enough to forgive?or will this be the ending to a perfect love story of...