Ang Papel | Ang Nawawalang Prinsessa : Part 1

40 0 0
                                    

For Complete Parts  : Visit  http://rockikula.blogspot.com/

Umaga na naman. Abala na na naman ako sa paghahanda ng gamit at pagpasok ng school.

Teka, 7:25 na pala. Baka malate na naman ako.

Habang tumatakbo ako papasok ng school, isang babae ang nabunggo ko at muntik ko na daganan kanina.

Dalidali akong tumayo.

"Sorry miss. Ok ka lang?" sabi ko sabay hawak ng kamay nya para makatayo.

"Ah ok lang. Sige alis na ko."

Napansin ko na nakasuot din sya ng uniform.

"Miss, saang school ka nag-aaral?" tanong ko.

"Ako? Taga Muntaky Highschool ako ikaw?" sabi niya

Tumingala ako para makapag-isip ng sagot.

"Ako?.. Sa Geryemo National Highschool." sabi ko.

Pero paglingon ko, wala na sya sa harapan ko.

Ang bilis naman nya nawala?

Yumuko ako saglit. at isang papel ang nakita ko...

... isang lumang papel.

Sa Room:

"Klass? Nakagawa na ba kayo ng assignment niyo?" sabi ni teacher Shiela.

si teacher Shiela ang pinakasexing at pinakamagandang teacher sa buong Geryemo. Pero wag na tayong mag-usap tungkol dun. Private Topic sya. hehe

TUUuuugzz

Biglang umulan...

"Mam, magkaklase pa ba?" sabi ko.

"Tinatanong mo ko kung magkaklase?" nakapamewang na tanong sakin ni mam.

"Klass, mukang di ako makakapagklase sa lakas ng ulan. Sige gawin niyo ang dapat niyong gawin." dugtong niya.

Nakakapagtaka naman. Bat kaya umulan.

Ayon kasi sa paniniwala namin. isang beses lang daw dapat umulan sa isang buwan pero ngayon bakit naging pangatlo na?

Bakit parang may masamang kutok ako sa panahong ngayon.

"Waaag." sigaw ng isang dalagang babae.

"S*#*T! ,parang sa yung babae yun kanina!" sabi ko.

Dahil nasa klase pa ko yung mga panahong yun. Narinig ito nang buong klase.

SAVING THE PRINCESS - Fail!

Sa Guidance Office.

"Gusto mo bang bigyan ng kahihiyan ang buong campus dahil dyan sa pagsabi mo nang stupidong salita." sabi sakin ng principal.

"Mam, sorry ho. Pero may narinig lang akong babaeng humihingi ng tulong kanina. Sumigaw pa nga sya. Di niyo ba napansin?"

"Anong narinig? Wala naman babaeng sumisigaw o kahit ano." sabi niya.

Im bored. Wala na kong ganang kausapin siya.

Matapos ang usapan ay nakalabas na din ako. Woooh. Matapos ang kalbaryo. 2 hours din yun.

Akyat ulit ako sa taas para bisitahin ang room.

Pagakyat ko. Nakita ko na naman ang babae. Pagod na pagod na humihingal sa taas nang hagdanan.

"Miss, ok ka lang?" tanong ko.

Umakyat ako at pagpunta ko sa taas agad syang nawala. May kumalabit sakin.

Ang PapelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon