Ang Papel | Bala at Baril : Part 2

30 0 0
                                    

Sa labas ng hospital.

"Ma, Pa. Una na kayo. May pupuntahan lang ako." sabi ko.

"Pero gabi na Anak. Baka mapano ka?" sabi ni mama.

"Babalik ako mamaya." sabi ko.

Di kalayuan sa hospital. Sinundan ako ni tatay.

"Anak!" sigaw ni tatay.

"Mukang may di ka sinasabi sakin." dugtong niya.

"Ewan ko ba tay. Litong lito na ko. Haist!" naiinis kong sabi.

"Sino ang babaeng yun?"

"Di ko alam. Nakita ko lang sya sa kwarto ko tapos nagtangka na sya magkamatay. Ngayon naman bigla syang nawala sa hospital." galit kong sabi kay tatay.

"Mukang apektado ka anak. Type mo yung babae noh?" biro ni tatay

"Hindi noh?" tanggi ko.

"Hahaha, ako pa ba tataguan mo. Kilala kita anak. Alam ko kung sino ang tipo mong babae." sabi ni tatay.

"Kulit mo tay. Dyan ka na nga." sabi ko.

"Pero nasan na pala ang babaeng yun?" sabi ni tatay.

Sa bahay ni Jake.

"Tol, bat mo ba sila pinapunta dito?" tanong ni Jake.

"Jake, Naala mo ba yung nangyari sakin sa gate ng school." tanong ko.

"Aw , yun ba yung para kang baliw na kala mo sinasagasagaan :D" sabi ni Jake.

"Never Mind, ikaw Juke. Naalala mo yung nakita nyo ko sa hagdaan." sabi ko.

"Yun ba yun tumulo laway mo. " biro ni Juke.

Nakakapikon ah.

"Ang gulo niyo. Uwi na ko." napikon kong sabi.

"Sige tuloy mo kwento mo." seryosong sabi ni Robert.

Sya si Robert. Kala mo seryoso. Nakainom lang naman ng alak.

Wala na talaga akong matinong tropa. Ako nalang yata matino sa kanila. HEHE.

"Jerome, anu yang papel sa bulsa mo?"

Nakita ko sa bulsa ko ang lumang papel na napulot na nakita ko sa school kanina. Paano magkakaruon ng papel dito? Nilagay ko ito sa bag ah.

Agad dinukot ni Robert ang papel.

"May Kiss Mark. Malamang Love Letter ito."

"Asan patingin. " sabi ni Jake.

"Meron nga. May Nakasulat. Jerome, sino nagsulat nito. GF mo?"

Girlfriend? Anung Sulat ?

"Gf? Pabasa nga!" sabi ko sabay agaw ng papel sa kanila.

Sorry Ma, di ko na kayang ang pangmamalupit ni papa sakin. Di ko kaya ang pagtrato nya sakin na parang isang hayop.Di ko talaga kaya..

-nakalagay sa papel.

"Pabasa kami TOL!" sabi nila sabay hawak bigla nila sa papel na hawak ko.

Unti-unting nagdilim ang paligid hanggang napunta kami sa isang bakanteng lote.

"Anong ginagawa natin dito?" sabi ni Robert.

"Ang weird. Parang Warp lang sa Final Fantasy. haha." sabi ni Jake.

Maya-maya may dumaan sa kalsada.

"May gana ka pa talaga ikaw pahiyain ako? may balak ka pang magpakamatay?" galit na sabi ng tatay niya habang pinipingot ang anak niya.

"Sorry tatay.Sorry tatay.Sorry tatay." nagmamakaawang sabi ng babae.

Siya yung babaeng nakita ko sa school.

"Tol, sya yung babaeng nakita ko sa school." sabi ko.

"Sigurado ka ba?" sabi ni Jake.

Biglang sumigaw tatay ng babae.

"HOOY! kayo Gusto niyo pagbabarilin ko kayo?" sabi ng tatay ng babae sabay paputok ng baril.

"TAKBO! sigaw ni Robert.

Dahil sa pagtakbo namin. Hinabol kami ng tatay niya.

"Tama na tay. tama na tay." sabi ng babae.

Buti nakakita kami ng Bakod. Dali-dali kaming umakyat doon para makapunta sa kabilang side.

At doon nakakita kami ng Taxi at sumakay.

Sa loob ng taxi.

"Wala ka bang napapansin pre. tignan niyo yung Lugar na ito. Walang kabahay-bahay." tanong ni Robert.

"Bakit anong meron? Baka di pa napatayuan." tanong ni Jake.

"Akin na ang papel!" sabi ni Robert sabay kuha nitong papel sakin.

"Saan kayo bababa?" tanong ng driver.

"Sa Lakeside" sabi ni Juke.

"Saan yun. Taga saan ba kayu?" tanong ng driver.

"Sa San Antonio, Cavite. kami bakit may mali ba?" sabi ni Juke.

"Parang ngayon ko lang narinig ang lugar na yan. Baba lang kayo dito mga tol. Paubos na din kasi itong gasulina ko." sabi ng driver.

Pagkababa ko. nagring ang phone ko. Si Papa tumatawag.

Phone Conversation:

Tatay: Anak, asan ka?

Ako: Nandito lang ako sa bahay ng kaklase ko. Huwag niyo na akong hintayin Bye.

Tatay: Ok

Agad kong binaba ang phone.

"Manong, saan dito ang pinakamalapit na hospital." sabi ko.

"Sa Gen Felipe." sagot ng driver.

"Gen Felipe? Padala nga kami doon." sabi ko.

Sa loob ng Gen Felipe.

"Kamuka nito ang Hun Flik hospital. Tignan niyo yun calendaryo. nakatutok sa February 13, 1993. Diba February 13, 2057 ngayon?" sabi ni Robert.

"Ou nga noh?" sabi namin.

Maya-maya. nakita namin ang babaeng estudyante papunta sa hospital. Humihingal...

"Kuya. tulungan mo naman ako.." sabi niya sabay hawak niya sa kamay ko.

First the time. Nahawakan ko ang kamay niya. Pero puno ito ng pasa labis na bugbog.

"Tol, sya ba sinasabi mong babae?" tanong ni Jake.

"Oo, tol." sagot ko.

Dumating na naman ang tatay ng babaeng estudyante.

"Bitawan mo sya!" sabi tatay niya sabay tutok ng baril samin.

<< TO BE CONTINUED>>

Ang PapelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon