Ang Papel | Muntaki National Highschool : Part 3

50 0 0
                                    

Yung mga panahon yun...

...Wala na ko nagawa kundi lapitan ang tatay niya.

"Pwede naman natin itong pag-usapan." sabi ko sa tatay niya.

"PAG-USAPAN.!" sigaw ng tatay niya sabay paputok ng baril sa akin.

"Jerome!" sigaw ng mga tropa ko.

"Kilala mo ba ang babaeng ito? Sya lang naman ang anak ng asawa ko sa ibang babae." galit na sabi ng tatay niya.

Bakit ganun?

Walang tumutulong samin...

Walang pakialam ang mga tao sa nangyayari sa pamilyang ito...

...hindi ko na kaya.

56 minuto nakalipas.

Nakamalay na ko.

Nagising ako na nakasakay kami sa isang kotse.

"Saan tayo?" tanong ko.

"Papunta tayo sa Muntaki National Highschool." sabi ni Jake.

Muntaki National Highschool. Totoo talaga ang school na yun? Ayos!

"Talaga?" tanong ko.

Yung mga panahong yun. Naintindihan na namin na ang lugar na ito ay ang dati naming lugar.

Lugar kung saan hindi pa kami isinilang.

Kwento sakin. Bugbog sarado ang tatay ng babae kay Robert.

Hindi tumutulong ang mga tao dito dahil sa utos nadin ng nanay ng babaeng estudyante.

Hindi ko lang maintindihan kung bakit di ko siya mahanap sa internet na kanina.

Teka nga. Time Check: 11:59pm.

"Mag aalas dose na pala." sabi ko.

"Wala bang multo doon?" tanong ni Jake.

"Wala ano ka ba? Kalalaking mong tao. Duwag ka naman." sabi ni Robert.

Bakit kaya di naimik ang babae ito.

"Miss, anong pangalan mo? Ang ganda mo pala. " sabi ni Juke habang tulala sa babae.

"Morlyn, Morlyn Aveztruz ang pangalan ko." sabi ni babae.

"Morlyn, kay gandang pangalan. Ako nga pala si Roberto. Pwede bang mangli.." sabi ni roberto sabay tabon ni Juke sa bunganga ni Robert.

"Morlyn, Juke at your serv." sabi ni Juke sabay tabon naman ni Jake sa bibig ni Juke.

"Handa kong kundi ang bwan para sa minamahal kong binibini." sabi ni Jake habang may mataas taas pa ng kamay.

"HAHAHAHHA" tawa ni Morlyn.

Doon ko sya nakitang unang tumawa.

Ang sarap niya pala makitang tumatawa...

"Nandito na tayo." sabi ko.

Sa labas ng Muntaki highschool School.

Kung hindi lang binago ang kulay at nalagyan lang dito ng bubong ang court, play groud at canteen. kamuka na nya ang school namin.

Napansin namin na may tao sa court. Nakaupo sya

at may hawak na bola.

"Oi, Michael. Anung ginagawa mo dyan? " sabi ni Morlyn.

"Morlyn, anung ginagawa mo dito? AT sino yang kasama mo?" sagot ni Morlyn.

"Sila? Sila ang tumulong sakin para makaalis sa tatay ko."

"Kung ganun. Sila ang bagong papatayin ng tatay mo." sabi ni Michael.

"PAPATAYIN?!" sabi namin ng tropa ko.

"Huwag kayo mag-alala. Safe itong lugar na to sa inyo." sabi ni Morlyn.

"Bakit di ba alam ng tatay mo ang lugar na ito?" tanong ko.

"Alam niya,.. PERO... di naman niya alam na nandito kayo. hehe" biro nya.

<<TO BE CONTINUED>>

Ang PapelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon