Ang Papel | Game Over : Part 8 (The Last Part)

6 0 0
                                    

Ang Nakaraan: Saving The Princess? Failed? O sarili kong kagustuhan na makuha sya. Dalawang tao nasa panganib ng dahil sa pagligtas ko sa babae. Hindi ko na alam ang gagawin.

"iwanan mo na ko. may taong mas kailangan ng tulong mo."

Sa kwarto ni Michael

"Tigilan mo na ang pagtatagol niyo sa babae yun. Di niyo alam ang gulong pinasok niyo." sabi ni Michael.

"Michael, kaanu-ano mo si Morlyn?" tanong ko.

"Ex-Girlfriend ko." sagot ni Michael.

"Ano??" react namin.

"Isa siyang baliw na tao na mahilig magsulat ng kwento ng kung anu-ano sa mahiwagang papel nya.

Ginamit ang papel na yun upang pakilusin ang nakaraan at kasalukuyan. At gumawa ng isang illusion na tinatawag ninyong bahay nyang parang isang kastilyo. Natural lang malaman mo yun Jerome dahil pareho ka'yo ng kinalalagyan bahay." sabi ni Michael.

"Bat ngayon mo lang sinabi?" sabi ni Jerome.

"Ngayon ko lang ako nagkaruon ng lakas ng loob para masabi ito. " sabi ni Michael.

"Jake, ito ba ang dahilan kung bakit mo ko pinapili?" tanong ko kay Jake.

"Tama ka... Yung una palang nagduda nako sa bagay na ito." sabi ni Jake.

"Anu nang gagawin natin." tanong ni mam Shiela.

"Di ko pa alam...." sabi ni Michael.

Napansin ko si Elisa na may tinatago sa likod nya.

"Ilabas mo na yan... Bago tayo mapunta mundo ito. May napulot akong papel at may nakasulat dito. Ito sya oh." sabi ni Elisa sabat abot ng papel na may sulat.

"Kung gusto mo ng katahimikan.Sirain mo ang nag-iingay. Kung hindi mo gagawin yun, hindi magkakaruon ng katahimikan."

nakalagay sa papel.

"Dapat mawala ang mga papel." sabi ko.

"Para san?" tanong ni Elisa.

"Para mawala ang sumpa." sagot.

"Sumpang alin?" tanong ni Juke.

"Daming tanong pumunta nalang tayo sa bahay ni Morlyn."

Sa labas ng bahay ni Morlyn.

Nakita ko si Juke na naghihintay.

"Tol, ayos ka lang." tanong ko.

"Pareho na kayo ni Jerome may sugat." biro ni Robert.

Biglang naglabas ng granada sa bulsa si Juke at dahan-dahan itong ikinalas.

"Tol Wag!" sigaw ko.

Hanggang.

*BBBBBBOOOOOOOOOOOOOOOMMMMMMMMM!

Panaginip lang pala.

Panaginip nga ba?

Umaga na naman. Abala na na naman ako sa paghahanda ng gamit at pagpasok ng school.

Teka, 7:25 na pala. Baka malate na naman ako.

Habang tumatakbo ako sa daan.

Naisip ko. May mabubunggo ba kong babae?

Pero wala naman.

Wala din ang magandang boses nya na nagsabing...

"Ah ok lang. Sige alis na ko."

Wala din akong nakitang papel na pwede nya kong dalhin sa panahon niya.

Haha, nangarap pa naman akong protektahan sya.

Sa Room:

"Klass? Nakagawa na ba kayo ng assigment niyo?" sabi ni teacher Shiela.

Teka pareho ito sa panaginip ko..

Di naman umulan yun araw na yun.

Pero kinahapuan, nakita ko ang lalaking nabaril ko. Nakaheadset sya.

Agad ko syang kinausap.

"Tol, anong nangyayari..." tanong ko.

At ito ang sagot niya "Next time, Wag ka na makikipaglaro sa Papel."

"Ano?" tanong ko sa kanya.

"Iwanan mo na ang iyong imahinasyon.." sagot nya sakin.

"Anong pangalan mo?" tanong ko.

"Ako? Mark Laugherth, Bakit?" tanong niya.

"Wala.mukang pamilyar ang pangalan mo sakin." sagot ko.

"Sige alis na ko. " sabi niya.

Tama na siguro na mabuhay na wala ang nakalipas at tanggapin ang katotohan ng buhay.

Siguro nga tama ang nakasulat sa papel na ""Kung gusto mo ng katahimikan.Sirain mo ang nag-iingay. Kung hindi mo gagawin yun, hindi magkakaruon ng katahimikan."

Lalabas na ko ng gate.

Walang babaeng lumapit sakit para mabunggo ako sa kanya.

Walang babaeng nangangailangan ng tulong ko.

At walang taong naaksidente dahil sa kagagawan ko.

Ito ang Buhay ko.

"Gym ulit!" sabi ko sa sarili.

Biglang dumating si Jake.

"Pre, Basketball tayo." sabi ni Jake.

"Sige.." sagot ko.

<< WAKAS.. >>

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 15, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang PapelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon