Pagkadating sa bahay ni Michael.
Napansin ko na wala nga sya kasama sa bahay kundi ang Yaya at ang driver ng bahay.
"Pre, nasan magulang mo?" tanong ni Robert kay Michael.
"Nasa abroad nagtratrabaho? Bat mo natanong?" sabi ni Michael.
"Ang saya naman nun. Malaya kang gawin ang gusto mong gawin. Di tulad sa bahay namin lagi nalang nilang kinokontrol ang paglalaro ko ng video games." sabi ni Juke.
"Hindi rin. Ang boring nga eh.. " sabi ni Michael.
"Sabagay, nakakatamad nga naman mag-isa sa bahay." sabi ni Robert.
"Maiba nga ang usapan. Jerome, Nandyan ba yung papel." sabi ni Robert.
"Oo, bakit?" sabi ko sabay dukot ng papel sa bulsa ko.
"Kung ito ang nagdala satin dito? Ito din ang magdadala satin pabalik? Akin na yan." sabi ni Robert sabay agaw ng papel sakin.
"Ayoko nga. Hindi ka na ba nag-iisip? Kung babalik tayo sa lugar natin. Di na natin matutulungan si Morlyn." sabi ko.
Pero nakuha ni Jake ang papel sakin at binato ito kay Robert.
"Sige , magdesisyon ka na. Ano mas importante sayo. Buhay ni Morlyn o Makabalik sa mundo natin." sabi ni Juke.
Agad inabot sakin ni Robert ang papel pero bigla itong umilaw at unti-unti itong nawala...
Hanggang...
Napunta kami sa CR ng kwarto ni Elisa sa bahay ni Jake.
Paglabas namin ng CR. Nakita namin si Elisa.
"Padaan.. hehe" sabi ni Jake.
"Saan ka galing, kanina ka pa hinahanap nila mama. Pati pano ka nakapasok dito? Nakalock ang pinto. " sabi ni Elisa.
"Mahabang paliwanag.. Sige labas na kami." sabi ni Jake.
Dali-dali kaming lumabas ng kwarto at pumunta sa dagat sa likod ng bahay ni Jake.
"Ang sarap ng hangin.. Babae nalang kulang." sabi ni Robert nakatingalang sa langit ito sa himpapawid.
Paano na ito? Wala na ang Papel. Paano na si Morlyn? Paano kung patayin siya ng Gagong tatay niya? Paano na ang nanay niya? Bat ba ko Ganto. Natataranta sa taong minsan ko lang nakita sa buhay ko?
Napansin ni Jake na napakatahimik ko ng mga panahon yun?
"Mukang ang tahimik mo ah. Iniisip mo na naman ba si Morlyn?" sabi ni Jake.
"Oo eh... " sagot ko.
"Ayos din pala dito pala dito sa inyo... Ang laki ng pinagbago kumpara sa panahon namin. " sabi ni Michael.
"Michael, Sama ka?" sabi ni Jake.
"Saan?" tanong ni Michael.
"Basta." sagot ni Jake.
"Sige , sama ako." sabi ni Michael.
"Jake, saan kayo pupunta." tanong ni Jake.
"Dito nalang kayo.." sagot ni Jake.
35 na minuto na nakalipas matapos magkwentuhan.
"Antagal naman nila Jake." sabi ni Juke.
"Baka naghanap ng babae yun. Di man lang tayo niyaya." sabi ni Robert.
"Babae? Grabe yun ah. Mukang wala na pag-asa bumalik yun." sabi ko.
Biglang dumating si mam Shiela at ate ni Jake na si Elisa. Amp**** Ang sexy at ang ganda ni Mam. Ang ganda pa ng katawan ni Elisa. Bat di ko ito napansin kanina.
May dala silang wine ng mga panahon yun.
"Di niyo sinabi na nagdito kayo. :)" nakangiting sabi ni mam Shiela.
"A eh. Ma-mam. bat kayo nandito." natataranta kong sabi.
"Nakakatamad naman kasi sa bahay. Kalimutan muna natin ang school. Enjoyin nalang natin ang araw. :) " sabi ni mam Shiela.
"Asan pala si Jake at yun kasama yun lalaki?" tanong nI Elisa.
"May pinuntahan lang. Pwede ko bang makuha ang number mo?" sabi ni Robert kay Elisa.
"Sige? Bigay ko mamaya." naiilang na sabi ni Elisa.
Agad binuksan ni mam Shiela ang wine pagkatapos ay nag-aabot ng mga baso samin habang nilalagyan yun ng laman.
WEEEEEEEEW! Sarap sa pakiramdam ng sinerserbisyohan ka. HAHA.
"Cheers?" tanong ni Shiela?
"CHEERS!!" sigaw naming lima.
Habang nag-iinuman kami.
"Hoy Jerome, Saan kayo galing? Bat bigla kayong nawala sa bahay kahapon? " tanong ni Elisa.
"Oo nga, di niyo ba ang na grabe ang pag-aalala ni Elisa sa inyo." sabi ni mam Shiela.
Paano ko ba ito ipapaliwanag?
"Aw, kami?? saan pumunta?" sabi ko.
"May ang nangangailangan lang ng tulong namin. " sabi ni Robert.
"Sino naman yun?" tanong ni Elisa.
"Secret!" biro ni Robert.
Biglang nagring ang phone ni mam Shiela.
"Jerome, Pakuha nga ng shoulder bag ko." utos ni mam Shiela.
Pagkuha ko ng shoulder bag, nabunggo ako ni Juke. kaya nasubsob ako sa mga buhangin.
"Sorry Pre, Ayos ka lang ba?" sabi ni Juke.
Di ko kontrolado ang kilos ko yung mga panahong yun. Dahil sa pamamaga ng sugat ko.
Agad naman ako tinayo nila Robert.
"Okay lang ba yan si Jerome. Bat parang di siya makagalaw?" tanong ni Elisa.
Medyo nakakahalata na ang dalawa na may tama ako ng baril yun mga oras na yun.
"Ayos lang yan. Diba Jerome?" sabi ni Juke.
"Ah Oo ayos lang ako." sabi ko.
Kinagabihan, mga mag aalasa-is nun.
Dumating na sila Jake.
"Saan kayu galing?" tanong ni Juke.
"Sekret :D" sabi ni Jake.
"Sige, uwi na ko. Bye GUYS. " sabi ni mam Shiela.
"At ikaw Jake. Saan ka na naman galing?" tanong ni Elisa kay Jake.
"Halika mag-usap tayo sa loob." dugtong ni Elisa.
Bago umalis si mam Shiela. Napansin kong may lumang papel din siya sa shoulder bag niya. Tama, kamuka nya ang papel na napulot ko.
"Mam Shiela, pwede ko bang makita ang papel sa bag mo?" pakiusap ko.
<< TO BE CONTINUED >>
ABANGAN>> Part 6 | Ang Buwan ng Linggo ng Gabi.
Elisa, mam Shiela, Elisa , Mam Shiela. Wew. 2 babae na nasa bahay ko? Ano naman ginagawa nila doon?

BINABASA MO ANG
Ang Papel
Misteri / ThrillerWhen learning is hard to find. :) rockikula.blogspot.com is making an extraordinary stories kung saan ang isang tao ay nagkaruon ng pagmamahal sa isang estudyanteng katulad nya pero sa magkaibang panahon..