Ang Papel | Buwan ng Linggo ng Gabi : Part 6

43 0 0
                                    

Ang Nakaraan : Pumunta kami sa bahay ni Michael para makituloy hindi para ibalik kami sa panahon namin. At ngayon nawala na ang papel.Kahit papano nag-enjoy naman ang lahat. Kahit alam ko sa sarili na di parin ako nakokontento dahil wala si Morlyn yun araw na yun. Anong bang meron sa babaeng yun at di ko sya magawang makalitan... Hanggang dumating ang oras na nabigyan ako ng pag-asa nakabalik sa panahon ni Morlyn.

"Mam Shiela, pwede ko bang makita ang papel sa bag mo?" pakiusap ko.

"Ah eto. Kinuha ko ito nakina sa ilalim ng lamesa mo sa school yun kailangan ko ng pagsusulatan. Pasensya na. Di ko napagpaalam sayo." sabi ni mam Shiela,

"Okay lang. Pwede ba akin nalang yan. Kung gusto mo bilhan nalang kita ng bago kung kailangan mo ng papel." sabi ko habang tumutulo ang pawis ko.

Di ko maintindihan ang nararamdaman ko. Pinagpapawisan ako. Ito ba ang pawis sa kaba na naramdaman ko sa pakikipag-usap kay mam Shiela. O pawis na pananabik makabalik ulit sa panahon ni ni Morlyn.

"Ano ka ba? Sayo kaya yan. Sige kunin mo na." sabi ni mam Shiela sabay abot ng papel.

"Sige , alis na ko. " dugtong ni mam Shiela.

Pagkaalis ni Jake, Elisa, at ni Mam Shiela

Pumunta kami nila Robert, Juke, at Michael sa bahay ko para maglaro ng video games.

Pagpunta namin sa bahay ko nakita ako si mama at papa na nag-aabang sa pinto.

"Anak, san ka galing? bat di ka nagtext man lang." sabi ni mama.

Text? Teka san ang phone ko?

"Tol, may nakapansin ba sa inyo ng cellphone ko?' tanong ko.

"San mo ba nilagay?" tanong ni Juke.

"Nasa bulsa ko lang yun ng yun ng pantalon eh. Paki-ring nga. " sbi ko.

"Anak, mag-usap tayo sa loob." sabi ni tatay.

Agad naman akong pumasok sa loob.

Sa loob ng bahay namin.

"Nakita mo na ba ang babae?" tanong ng tatay ko.

"Oo. Nakita ko na siya. At di ko akalain na hindi pala naging maganda ang buhay niya." sabi ko.

"Ano nangyari dyan sa sugat mo??" tanong ng tatay ko.

"Paano mo-" putol na sabi ko.

(Paano mo nalaman?)

"Syempre ako nagpalaki sayo. At alam ko ang kilos mo" sagot ni tatay.

Agad naman ni tatay tinignan ang sugat ko.

"Sinung gumamot niyan?" tanong ni tatay.

"Mga tropa ko." sagot ko.

"Sige, lumabas ka na." sabi ni tatay.

Paglabas ko ,pumasok na si nanay sa loob.

"Ano? Natawagan nyo na?" tanong ko.

"Eto kakapaload palang ng phone ni Juke." sabi ni Robert.

"Nagriring na." sabi ni Juke.

At may sumagot dito.

Niloudspeaker na ni Juke ang phone nya para marinig namin ang usapan.

Phone Conversation:

Girl: Hello??

Alam ko ang boses na yan. Morlyn?

Jerome: Morlyn? Ikaw ba yan?

Morlyn: Jerome?

Ang PapelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon