Ang Papel | Michael and Jake : Part 4

4 0 0
                                    

Sa Room ni Morlyn.

"Tol, Jerome Tignan mo. Yun upuan mo dito. May nakasulat parin na I LOVE YOU. Sinu kaya nagsulat nito?" tanong ni Jake.

"Sa totoo lang... Ako nagsulat nyan.. hehe " sabi ni Morlyn.

"Ano?" nagulat na tanong namin.

"Ano naman naisipan mo sa paglagay nito?" sumunod na tanong ni Jake.

"Wala lang :)" sagot ni Morlyn.

Biglang sumilip ng bintana si Robert.

"Tignan niyo si Michael. Di parin maka-shoot kahit anung gawin." nagtatakang pagkasabi ni Robert.

"Para palang si Jake. hahaha." biro ni Juke.

"Ako na naman nakita mo." sabi ni Jake.

Kung di marunong si Jake maglaro ng basketball? At si Michael din ganun.

Hindi kaya magkamag-anak itong dalawang ito?

"Ano bang apelido ni Michael?" tanong ko.

"Michael Nuila apelido nya." sabi ni Morlyn.

"Teka lang magbibihis lang ako. Dyan lang kayo." dugtong nya.

Habang hinihintay namin si Morlyn.

"Galaw galaw baka maging bato kayo dyan." sabi ni Juke.

"Alam ko nasa isip niyo. Grabe kayo panu nyo naiisip ang ganung bagay." sabi ko.

"Huwag ganun Pre. Kitang hanggang isip lang namin ang ganun pangarap." sabi ni Juke.

"Ano ba yung pangarap na yun? hehe " sabi ni Robert.

"Jack, di mo ba kamag-anak si Michael?" tanong ko. "Nuila din kasi sya tulad mo." dugtong ko.

"Aba malay ko. Bat ako tinatanong mo." sabi ni Jack.

Matapos magbihis ni Morlyn. Natulog na kami... Natulog... hehehe

Kinabukasan ng madaling araw. Mga 4:00am yun. Nagising ako. Nakita ko si Robert na pinagmamasdan parin si Michael.

Hinawakan ko sya sa balikat at sinabi "Pre, baka mainlove ka na dyan sa tinitignan mo."

"Gago, tignan mo. Kung gano sya kadertominado manalo habang si Jake dito tulog." sabi ni Robert.

Paglingon namin. Wala si Jake

"Asan si Jake?" tanong ko.

Agad kaming lumingon sa Bintana.

"Ayun si Jake, papapunta kay Michael." sabi ni Robert.

Nakita namin na kinakausap ni Jake si Michael.

Makalipas ang ilang minuto. Umakyat na sila.

At Agad naman namin sila sinalubong sa pinto ng room.

"Bawal pumasok." sabi ni Robert.

"Anu na naman pakulo yan?" tanong ni Jack.

Mukang badtrip si Jack yung mga oras na yun...

"Anong meron?" tanong ni Robert.

"Wala.." galit na pagkasabi ni Jack.

Matapos magising ang lahat.

"Sige uwi na ko." sabi ni Morlyn.

"Pero.." sabi ko.

"Kaya ko na." sabi ni Morlyn.

"Hindi ba nasa ba-" nag-alalang sabi ko.

(Hindi ba nasa bahay ang tatay mo?)

"Huwag kayong mag-alala, wala sya ngayon dun. Mukang nasa Bar na naman ang tatay ko.." sabi ni Morlyn.

"Kayo? Saan kayo pupunta?" tanong ni Morlyn.

"Kami? " tanong ni Robert.

Saan nga ba kami tutuloy?

"May luma kami bahay dito dyan malapit sa school. Diba Juke?" sabi ko.

"Ah Oo." pilit na pagkasabi ni Juke.

"Haha, Bakit kaya ang mga lalaki anhilig magsinungaling." sabi ni Morlyn.

"Sumama nalang kayo kay Michael. Doon muna kayo makituloy sa kanya..." sabi ni Morlyn.

Hindi ko maintindihan si Morlyn. Bakit ganun sya? Bakit nagagawa parin nyang tumawa kahit puno na nang sugat ang buo nya katawan? Kung pwede ko lang sabihin na "Morlyn , okay ka lang."

o "Morlyn, pwede ba kitang protektahan?"...

Umalis si Morlyn ng di ko man lang nasabi ang gusto ko sabihin sa kanya.

"Pre, ok na ba yung sugat mo?" tanong ni Jake sabay sundot sa tyan kung saan may sugat dahil sa tama ng baril.

"ARAY!!" sigaw ko.

"Michael, kaw daw bahala samin. San gala?" sabi ni Robert.

"Sa bahay nalang." sabi ni Michael.

<< TO BE CONTINUED >>

Ang PapelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon