Sa Mall
Text ni Shar: "jai! nasaan ka na? nandito na ako sa mall. dalian mo ha!"
Text ni Jai: "tumingin ka sa likod mo =)"
pagtingin ni Shar sa kanyang likuran, bigla siyang napangiti at sumigaw na "JAI!", nilapitan agad siya ni Jai at di niya naiwasang mapangiti din pagkakita niya kay Shar.
Shar: Ano ba naman ung huling text mo? Natakot tuloy ako. Parang nasa horror movie lang. Hay naku! gumagana naman yang mga jokes mong di nakakatawa..
Jai: hahaha! di naman un joke ah! nagkataon lang na nasa likuran mo lang talaga ako, nung pagtext mo sa akin na nasaan na ako?.. oh, san na po tau ngaun mahal kong prinsesa?
Shar: maypatawag tawag kapang prinsesa, gusto mo lang talagang magpalibre, anuh?..
Jai: Wow! (pumalakpak siya) ang galing mo talagang manghula..tayo na?! hehe ^__^ Pero teka! tayo lang bang dalawa ang kakain ngayon?
Shar: Ou, kasi busy raw si ate miles sa kaniyang taping, si nash at kobi naman ang mag kasama ngayon, si alexa ay nag-aaral para sa special exam niya bukas at si mika naman ay lumabas kasama ang kanyang ate, si ate nikki rin ay di makakapunta...kaya tayo lang dalawa! ok lang ba sa iyo?
Jai: Ahmmm (nahihiya ng kaunti si jai dahil sila lang ni shar ang magkasama ngayong kakain, parang isang 'date' ng magnobyo..pero may halong tuwa ang kanyang nararamdaman) Ou naman okay lang sa akin...choosy pa ba ako? Ikaw naman tong manglilibre sa akin eh... hehe..
Shar: Mabuti naman kung ganun.. Tayo na! =) Halika! Pumunta tayo dun...Kakain tayo ng taho.. ^__^
(sumunod din si jai sa patutunguhan ni Shar)
Shar: Pumili ka kung anong flavor ang gusto mo?
Jai: Ikaw? Anong flavor sa iyo? Kung ano sa iyo, yun lang din ang akin...
Shar: Sigurado ka? o cge na nga, dalawang chocolate taho po..
(binigay ng tindera ang kanilang taho pati ang sukli sa perang binayaran ni Shar at umupo sila ni jai sa may fountain)
Jai: Wow! ngayong ko lang nalaman na may iba't-ibang flavor pala ang taho.... nung bata pa kasi ako, iisang flavor lang ang natitikman ko.. masarap pala tong chocolate flavor pero mukha lamang siyang putik.. sensya na ah! baka mawalan ka ng ganang kumain..
Shar: okay lang yun, nung unang kain ko nito, ganun din ang sinabi ko kay mama.. hehe...kaya wag kang mag-alala... ^^,
(sumubo ng dalwang beses si Shar at tumingin siya kay Jai na tahimik pero masayang kumakain ng taho..napangiti si Shar..tumingin si Jai sa kanya, nagtatakang bakit siya'y tumatawa ng mag-isa)
Jai: anong nakakatawa? may dumi ba sa mukha ko?
Shar: haha.. wala =) natuwa lang akong tinitingnan kang kumakain, tila nasasarapan ka tlaga sa kinakain mo kahit sinabi mong parang putik ang tahong yan...
Jai: ah! ganun ba... hehe.. ngayon lang kasi ako nakakain nito eh...uhmmm..may dumi ka sa pisngi mo.. (itinuro ni jai ang kanyang pisngi kung saan direksyon ang dumi sa mukha ni Shar)
Shar: huh? meron ba? (sabay hawak sa kanyang pisngi) ...teka, san na yung panyo ko? sandali lang ah! Parang nawala ata...
Jai: etong panyo ko oh! (inabot ni jai ang panyo niya)
Shar: wag na, madudumihan lang yan..
Jai: cge na, gamitin mo na...oh! (inabot pa lalo ni jai ang panyo niya)
Shar: o cge na...salamat ah! (pinahid ni shar ang dumi sa mukha nya gamit ang panyo ni jai)....
ako nang maglalaba nito... kung okay lang sa iyo, sa akin muna tong panyo mo...lalabhan ko muna at ibabalik ko lang rin sa iyo pagkatapos)
Jai: ikaw bahala =)
Shar: naku! 6:45 na...kailangan ko ng umuwi Jai, malayo pa naman din ang sa amin dito eh..
Jai: huh? ah! o cge, ihahatid na kita sa inyo..
Shar: huh? wag na!! mag.gagabi na din eh at malayo yung amin..
Jai: okay lang, may kotse naman ako eh.. magkokomyut ka lang..alam mo naman, delikado ang panahon ngayon..
Shar: ahmmmmmmmm.... cge na nga! pero ngayon lang ah..sa susunod, wag na..
Jai: okay, ikaw bahala =)
(nang papalakad si Jai at si Shar papunta sa exit ng mall... Nakita ni Jai si C Evora at CJ...at dali dali niyang hinila si Shar papalayo sa kanila )
Shar: huie teka! ano bang problema mo? para kang may tinataguan...
Jai: meron nga, yung mga tol ko...pag nalaman nilang lumabas tayong dalawa at di ko sila sinamahan sa sana'y lakad namin...cguradong, tutuksuhin nila ako bukas
Shar: huh? bakit ka naman nila tutuksuhin?
Jai: eh kasi, ngayon lang ako sumama sa isang babae except sa mama ko at kapatid ko..pwera na lang kung kasama ko silang mga tol ko...
Shar: ah! ganun ba... (namumula bigla ang pisngi ni Shar sa mga sinabing iyon ni Jai)
Jai: wala na ba sila? (lumingo sa likuran si jai)
Shar: wala na...pwd na ba tayong dahan dahang maglakad?
Jai: huh? Ou!!! senxa na...
Shar: ok lang un, naiintindihan naman kita..parang makukulit din ung mga kaibigan mo, gaya mo..kaya matutukso ka tlaga nila pag nakita nila ako.. hehe
Jai: Teka, ano bang ibig sabihin mo? makulit ako?
Shar: ang magalit, tinamaan! bleh =P hehehe
Jai: sigh! (napangiti na lamang si jai habang nakatingin kay Shar)
Sa labas ng bahay ni Shar
bumaba na ng kotse ni Jai si Shar....
Shar: salamat jai ah at hinatid mo pa ako. Naabala kita tuloy.
Jai: okay lang yun =) sa susunod ulit ah!! ako na naman ang manglilibre ng taho sa iyo.. hehe..congrats pala sa game nyo kanina!! goodnyt!
Shar: goodnyt din!
umalis na ang sasakyan ni Jai
Clark (bunsong kapatid ni Shar): Ate? ginabi ka ata? at sino yung lalaking naghatid sa iyo? Boyfriend mo?
Shar: Hindi anoh!! kaibigan ko lang yun...
Clark: eh, bakit? ang sweet niya sa iyo?
Shar: ah basta... wag ka ng makialam.. nang-iintriga ka naman...daig mo po ang mga reporters... hehehe...
(at niyakap niya ng mahigpit si Clark)
---------------------
sorry ang bagal ng story...nilalasap ko kasi ang bawat moment ng jailene...hehehehe
BINABASA MO ANG
Side by Side ~a jailene fanfic
RomancePwd ba un? Yung maiinlove ka sa bestfriend mo? Pero bakit? Bakit sa kay tagal ng aming pagsasama ay magbabago ang tinginan namin sa isa't-isa dahil lang kailangan namin lumayo o may bago na siyang nagugustuhang babae? *sigh* pero....... itong bagong...