First Day

267 22 13
                                    

6 years before...

"Hay nako pasukan nanaman. Nakakatamad pumasok" sabi ko sa sarili habang naglalakad papuntang classroom na tinatamad. Bitin kasi ang bakasyon. Kung pwede nalang laging bakasyon.

Nasa may hallway na ako ngayon naglalakad at malapit na rin sa classroom nang may biglang tumawag sakin.

"Gie! Gie hintay" pasigaw nyang sabi. Paglingon ko nakita ko si Ana.

Si Analee Peña (Ana) nga pala ang pinaka close kong classmate sa school noon nasa grade one pa ako. Siya kasi ang katabi ko lagi sa pila pag flag ceremony at sa iba pang gawain noong grade one kami.lagi nya kasi akong kinukulit noon. Na naging nakasanayan ko na.

Nasa grade five na kami ngayon at magkaklase ulit kami ni Ana. Masaya ako kasi di ako magiging loner sa classroom  Wala kasi akong gaanong friends dahil mahiyain ako at hindi masyadong nakikipag-usap sa iba, liban nalang pag importante talaga ang sasabihin ko.

Classroom

Umupo kami ni Ana sa may harap bandang gitna para mas madali naming marinig ang teacher.

"Ok class. Good morning! I'm Ms. Lala Roque ang magiging class adviser niyo. Makakasama niyo ako sa buong taon kaya magpakabait kayo." pakilala nya habang nakangiti. Mukang mabait si ma'am at maganda pa.

Bago nagsimula ang class ay nag attendance na. Di na raw kami magpapakilala sa harap kasi wala nang time dahil may sitting arrangement pa raw. Shemas naman. Sa lahat ng ayoko e sa likod uupo. dahil matangkad ako kaya madalas sa likod ako pinapaupo. Pero sorry may sitting arrangement na susundin at dapat magkatabi ang girls at boys. Meaning sa isang upuan  na pang dalawahan ang girl sa right at boy sa left. Dahil pareho kaming matangkad ni Ana e sa bandang likod kami. Ano pa ba ang magagawa ko, expected na yan na mangyayari. Palagi naman e.hmmp! Bale nasa harap ko si Ana at ako sa likuran nya nakaupo. Buti nalang di parin kami pinaglayo :)

Breaktime

"Hay buti break na. Kanina pa ako nagugutom" ani ni Ana habang naglalakad kami papuntang canteen.

"Ano ang kakainin mo?" Tanong ko kay Ana

"Siguro ham sandwich lang at orange juice. Ikaw?" Ani nya

"Siguro ganon narin ung akin." Sabi ko na tinatamad pa din.

Habang naglalakad papuntang canteen nabangga ko ang isang babae sa sa harap ko. Nakayuko kasi ako habang naglalakad kaya di ko napansin ang nasa harap ko. Haharang harang kasi.

"Ano ba?" Pasigaw nyang sabi sakin

"Sorry! Di ko sinasadya. Di kasi kita napansin na nandyan" paumanhing sabi ko.

"Di ka kasi tumitingin sa di nadadaanan mo. Bulag ka ba?" Galit na pagkakasabi nya sabay irap sakin.

Ang sungit naman nito. Sino ba siya? Kung maka asta kala mo kung sino. Buti ayokong mapasok sa gulo. Kaya kahit gusto kong bangasin ang mukha nya e di ko gagawin kasi first day na first day. Ayokong magkaroon ng magulong buhay.

"Sorry talaga di ko talaga sinasadya. Pasensya na" mahinahon kong sabi na nagtitimpi sa asal na pinakita nya sa akin

Tinalikuran nya lang ako at umalis na papuntang canteen

"Ang sungit naman nun kala mo kung sino. Kilala mo ba un?" Tanong ni Ana

"Hindi e! Pero parang nakita ko na sya last year sa side ng mga grade four noon. Baka kabatch din natin sya pero sa ibang section."sabi ko

Nasa five sections kasi every batch at nasa thirty students sa bawat klase. Nasa section 2 ako grade 5 ngayon. Di ko gaano kilala ang nasa ibang klase kasi di nga ako palakaibigan, pati mga classmates ko di ko gaano kabisado ang mga names, may mga ilan akong kilala pero kilala lang sa pangalan pero di ko kilala personal. Random ang pagbigay nila sa mga students ng class section kaya di mo malalaman kung saang class ka mapupunta kaagad. makikita mo nalang sa list sa bulletin board sa labas ng school ang name at section mo one week bago magpasukan. Monte San Pietro Academy pala ang name ng school namin.

Gaya ng DatiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon