Stock

76 8 3
                                    

Jason's POV

Excited ako sa program mamaya kaya maaga palang ay sinabi ko na kaagad kay mommy na ipaprepare ung gagamitin ko. Kinulit kulit ko pa siya para makapunta kami agad sa place kung saan gaganapin ung program.

Habang nasa kotse. Malapit na kami sa location ng event. Sabi ni mommy na ibababa nalang daw nila muna ako doon. Kasi may dadaanan pa muna sila. Pupuntahan nalang daw nila ako mamaya. Maaga pa naman daw kasi kaya un. Baka malate pa daw kasi ako kung sasama pa ako sa kanila. Ok lang naman sakin kaya nagpababa na ako sa may isang kanto malapit sa location para hindi na sila liliko.

Habang nasa daan na ako naglalakad may nakasalibong akong apat na bata ding lalaki. Sa itsura nila parang halos kaedad ko lang din. Hindi ko sila kilala, mukhang galing sila sa ibang school.

"Hoy ikaw! Ang angas mo makatingin a!" Sabi nung isa nang makalapit sakin habang dumuduro

"Ako? Hfft..! Maangas?" Takang nakakaloko din tanong ko sabay turo sa sarili.

"Oo ikaw!"

"Tsst!" Natawa nalang ako. Alam ko yang ganyan. Gusto lang naman nila ng away.

"Anong nakakatawa? Ginagago mo ba kami huh?" 

"Paano kung oo? Anong gagawin niyo" panghahamon ko.

Lumapit sakin ang nasa gitna na mukhang leader nila.

"Aba't loko 'to ah" ka niya tapos nag tiklop na ng kamao na mukhang gustong makipagsuntukan.

"Wag ngayon Drei. Mahuhuli na tayo" pagpigil ng nasa kanan ng sinasabi niyang Drei

Kinalas lang nung Drei ung paghawak nung kasama niya sa braso niya at saka nag ayos ng sarili.

Humarap muli ung Drei sa akin at nag banta ng "Wag kang makampante, hindi pa tayo tapos. Babalikan kita" dinuduro pa ako. As if natatakot ako.

After ng engkwentro ay nagtuloy tuloy na ako sa paglalakad papuntang location ng program.

Maaga pa nga. Wala kasing gaanong tao. Mga utilities at mga nagpeprepare palang ng event ang naroon. Wala pa akong nakikitang taga school.

Minabuti ko nalang munang maglaro ng psp ko sa may labas habang nakasandal sa pader. Maghihintay nalang muna ako hanggang may makita akong kakilala.

After ata ng one and half hour akong naghihintay ay nakita ko sina Ginie at Anna pero hindi nila ako napansin. 

Kaya sinundan ko sila..

Papunta sila backstage.

Sa aking paglalakad ay biglang may tumaklob ng mata ko at humila sakin.

Wala akong makita. Parang sako ang ginamit sakin pang saklob.

"Sino kayo? Anong gagawin niyo sakin?" Pagwawala ko. Pero walang sumasagot. May mga ilan akong nararamdamang humahawak sakin. Pinipihilan nila akong kumawala.

"Sino kayo? Mga gago kayo! Kung makakawala ako dito..." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi may biglang sumuntok sa may tiyan ko.

Biglang nawalan ako ng hininga sa pagkakasuntok sa tiyan ko. Sinabayan pa nito ng pagkakatuhod ng ako ay napayuko.

Dahil sa nangyari ay hindi ko na alam. Bigla nalang akong nahilo at nawalan ng malay.

**********

Hindi ko alam pero nagising nalang akong nakaupo sa isang utility room tapos nakatakip ng duck tape ang bibig at nakatali ang mga kamay at paa ko sa pagkakaupo

Hindi ko alam kung ilang oras na akong ganito o narito.

Kinabahan ako kasi ung event nagsisimula na.

Kailangan kong makaalis dito. Kumakawag kawag ako pero mahigpit talaga ang pagkakatali nila sakin.

Hindi maaring hindi ako makalabas dito. Hinihintay ako ni Ginie.

Nasa bulsa ko ang phone ko pero hindi ko maabot.

Ilang ulit kong kumakawala pero wala talaga. Nararamdaman ko na rin ang sakit ng tali sa pagkakataki sa kamay ko.

Naririnig ko na nagsisimula ng tumugtog sa may labas. Hudyat na iyon na nagsisimula na ang programa.

Kailangan ko na talagang makaalis dito pero paano?

Isang paraan nalang para makaalis ako. Ang pagdating nalang ng utilities ang nagiisang paraan para masagip ako.

Pero paano kung walang dumating? Hindi ako pwedeng maghintay lamang

Hindi pwedeng wala akong gawin.

Tinalon talong ko ang upuan para makalapit sa pinto. Kailangan ko talagang makaalis. Ayokong madismaya si Ginie sakin.

Ilang talon nalang malapit na. Malapit na ako sa pinto. Onti nalang!

Nang biglang may bumukas ng pinto. Sa wakas.

"Oh anong ginagawa mo dito?" Tanong ng utility. Ano bang tanong un. Hindi ba niya nakikita na kinulong ako sa itsura ko?

"Sinong may gawa sayo niyan?" Kuya nakaduck tape ang bibig ko. Kainis.

Tinanggal ni kuya ang tali sa paa at kamay ko. Agad ko tinanggal ang duck tape sa bibig ko.

"Salamat kuya" sabi ko at nag mamadaling lumabas.

"Sandali lang..." Hindi ko na pinansin si kuya kasi nagmamadali na akong punta sa kinaroroonan ng programa.

Nagsisimula ng sumayaw ang mga kaiskwela ko. Lumingon lingon ako pero wala si Ginie.

Hinanap ko siya. Pero hindi ko siya nakita.

Nagpunta ako backstage at nakita ko siya doon na umiiyak.

Gusto ko siyang puntahan at magsorry pero nanghina ako

Parang hindi tamang puntahan siya. Paano ko ieexplain na nastock ako. Maniniwala kaya siya? For sure hindi.

Nakita ko din na pinuntahan siya  ng mga magulang niya, kaya nagtago nalang ako sa may gilid.

Ano ba itong ginagawa ko?

Isa nanamang disappointment.

Wala nalang akong nagawang maayos.

Paano na yan. Ano na gagawin ko?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 30, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Gaya ng DatiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon