Pag-aalala

106 16 4
                                    

A/N: Dedicate ko ito kay @Teutonichazel kasi kahit na alam kong walang nagbabasa nitong gawa ko at kahit na walang kakwenta kwenta itong story e nagvote ka padin. mamats XD

Ginie POV

Naguusap kami nila Ana at Cris sa may classroom ngayon. Nakaupo kami sa kanya kanya naming upuan. May 15mins pa kasi bago mag time. Napapansin ko na tahimik lang itong si Jason. Bakit ganon? Madalas umpisa palang ng araw ay iniisin na nya ako. Mas lalo tuloy akong natatakot sa kanya baka may balak itong mas nakakainis na gagawin. Atleast prepared ako kung nagkataon. Hindi ko man sya tinitignan direkta pero nakikita ko sa may peripheral view ko. Hindi ko pinapahalata pero nakakapanibago. Ano kaya nakain nito't ganito?

 

After a days walang nagbago. maliban sa kinikilos ni Jason na di na nang aasar sa akin. Tahimik lang siya sa klase at nakikinig na din siya sa teacher. HIndi sa may paki alam ako sa kanya pero di lang siguro ako sana sa halos three weeks kong pagiging seatmate ito.

 

 

Friday

Breaktime

"Ana napansin mo ba si Jason?" Tanong ko kay Ana habang naglalakad papuntang canteen naiwan kasi si Cris sa classroom dahil may inutos si teacher sa kanya pero sabi nya susunod daw ito samin after.

 

"Bakit ano ba dapat kong mapansin na ugok na yun?" Pabalik na tanong ni Ana sakin.

 

"Wala lang para kasing ang labo" sabi ko na parang nagaalangan.

 

"Anong ang labo? Mas malabo ka e. Ano bang pinagsasabi mo?" Tanong ni Ana na parang naguguluhan sa mga pinagsasabi ko.

 

"Kasi kanina hindi sya nangaasar. Nakakapani bago" sabi ko. Dapat masaya ako pero parang dismayado pa muka ko. Hindi ko din alam siguro nasanay lang ako gaya kay Ana dati.

 

"Oh di mabuti. Napagod din sya sa pangungulit. Pero bakit parang dismayado ka pa ata. Hindi ka ba masaya na hindi na sya nangungulit?" Tanong nya sakin

 

"Ewan." Sabi ko

 

"Anong ewan? May crush ka na sa kanya nuh kaya ka nagkakaganyan? Ayyyiiieee!" Pangaasar nito sakin. Sabay sundot nya sakin sa may bewang.

 

"Ano ka ba? Hindi nuh! Never ako magkakacrush dun." Saad ko.

 

"Ok. Basta wag mo kakainin mga sinabi mo ah!" Sabi nito na parang may halong pangaasar.

 

"Talaga. Ewan ko sayo. Bilisan na nga natin baka mahaba na pila sa canteen baka hindi pa tayo makakain." Yaya ko sa kanya para hindi na nya ako asarin.

 

Nasa lamesa na kami pangalawa malapit sa pinto. Nagorder narin kami para kay Cris. Nagpabili kasi sya ng zesto na orange at lemon cheese cake. Sakin spaghetti at ice tea tapos ham sandwich at orange juice din kay Ana.

Sakto pagkakaupo namin ay dumating na si Cris. Kumaway kami sa kanya para sabihin saan kami.

 

"Natapos na yung pinapagawa ni teacher?" Tanong ni Ana kay Cris.

 

"Yup" sabi nyang nakangiti sabay butas ng tetra pack juice na hawak nya.

Gaya ng DatiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon