Prac-tiis

139 17 0
                                    

"GINIE ANNE PEREZ. Sa hindi natawag better luck next year. Ok next batch.." announce ng isang teacher.

"OMG! Pasok ako. Yes oh yes!" Tuwang tuwang sabi ko sabay nagsasayaw sa harap ng running man. Nang nahimasmasan ako hindi ko naisip na mukha na kong tanga sa harap buti bata ako at wala lang sa iba ung ginawa kong pagsasayaw dahil sa tuwa. Pagbaba namin ng stage ni Ana ay nagtatatalon kami sa tuwa habang magkahawak kami ng kamay.

After a week nag simula na ang practice. 

*******

"Ok kids magsisimula na tayo. bago ang lahat find your height at bumuo ng tigdalawang straight line for girls and for boys, dito sa right side ung mga girls tapos sundan ng next line ng boys sa left. Ung sunod na linya ganong. Maliwanag?" Sabi ng instructor namin ng sayaw na teacher ng grade five section one. Medyo nagkagulo gulo kasi marami sa amin e naglalaro. kaya ilan sa mga teachers e nag assist na samin para mabilis magumpisa.

After sabihin ni teacher 'yon ay nagsimula na kaming magsipuntahan sa linya nang magulat ako sa nakita ko. Si Cris at Jason magkasama papasok ng room kung saan kami nagpapractice.

"Oh ba't ngayon lang kayo? Sige sumunod na din kayo sa pila" sabi ni teacher.

"What? Tama ba ang rinig ko. Susunod sila sa pila? Ibig sabihin kasali sila? Bakit? Eh ang pagkakaalam ko di sila kasali. Ni hindi ko sila nakitang nagaudition noon. At bakit sila magkasama? Baka nagkasabay lang sila sa pagpasok." tanong ko sa sarili.

Hindi ko alam kung bakit ako ganito, pero kasi hindi ko naman sila nakitang nag audition lalo na si Jason for sure naman ayaw din nyang sumali sa ganito. naalala ko pa nung nasa classroom kami na nakasimangot pa ito nung ina-announce ni techer ung about dito sa carinosa.

Wait! ano bang pake ko sa kanya kung sakali na kasali sila? Oo nga pala friend ko na si Cris. pero di nya nasabi na kasali sya. Andaya! pero ok lang atleast andito sya.

Papunta na sa pila sina Cris at  Jason. nakita kong papalapit si Cris sa pila ng boys at humilera sakin. nginitian nya ako. at sabing "Hi Ginie!"

binati ko din sya ng "hello"

CRIS' POV

naglalakad na ako paalis ng classroom ng makita ko si Jason na paalis na din. Tinawag ko sya.

"Jason! Pupunta ka ba sa practise?"tanong ko dito.

"Ano ba sa tingin mo? May choice ba ako? Pagagalitan lang naman ako nila daddy kung di ako pupunta." Sabi nitong inis.

Isa kasi sa mga parents namin ang board member ng school. Ang daddy ni Jason at ang Mommy ko. Magkapatid sila kaya ko naging pinsan si Jason. Dahil doon kailangan naming magpabibo sa school para hindi daw nakakahiya. Pag may mga event sa school or may play automatic na kasali kami palagi kasi hindi papayag ang mga parents namin na hindi kami kasali.

Madalas si Jason ang umaayaw sa mga ganitong mga activities. Pumupunta sya sa mga practise paminsan minsan pero sa performance day di na sya sumisipot kaya laging napapagalitan ng daddy nya. Hindi ko alam kung san nagmana si Jason kasi pareho namang mabait ang parents nya , ung nga lang madalas syang pinagsasabihan dahil sa reklamo sa school.

Hindi man masyadong maingay ang pangalan namin sa school na ayaw ko din na mangyari ay di inaasahan na minsan napaguusapan ng iba ang pangalan namin na aking ikinaiilang. ayoko kasing trinatrato akong iba dahil lang kay mommy.

balik tayo sa paguusap namin ni jason

"Ganon pala e. Sige sabay na tayo pumunta sa practice room. Pupunta din ako dun e." Sabi ko sa kanya na pilit kahit na naiinis.

Gaya ng DatiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon