Audition

168 19 1
                                    

"Ano bang problema nun? May topak talaga un. Kung di ako nakapag pigil baka nasabunutan at tinadyakan ko na sya" inis na sabi ni Ana.

"Isa ka pa e!" Sabay tulak ko sa may noon nya gamit ang hintuturo ko.

"Aray! Bat ka ba nananakit? Dapat si Jason ang ganyanin mo" apila nya sabay himas sa noon nya.

"Wag mo ng pansinin ung engot na un. Kulang lang siguro un sa pansin. Tulad mo. Haha!" Sabi ko habang naglalakad kami papuntang gate para puntahan ang sundo namin.

"Ah ngayon ikaw na nambubully? Nahawa ka na kay Jason?"tampong sabi nya.

"Hindi ka na mabiro." Sabi ko na nakangiti parin. Pikon naman itong si Ana.

******

After one week: Monday

Classroom

"Goodmorning class!" Ms. Roque

"Goodmorning Ms. Roque" class

"Malapit na ang festival dito sa atin at kasali ang school natin sa magpeperform sa festival. Magkakaroon ng audition sa friday after school. Nasa letter na hawak ko ang details para sa audition ng batch nyo. kaya ung interesadong sumali makinig kayo. Ngayon ibibigay ko ang mga letter sa inyo para mabasa at maibigay nyo rin sa mga parents nyo. Kailangan payag sina mommy at daddy bago kayo sumali. syempre di pwedeng sumali ang walang response letter na may approval nila. May +grade sa recitation ang at +5 sa exam sa prelims sa klase ko ang makakasali. Ano class, did u you understand? any question? kung di nyo nakuha."Announcement ni Ms. Roque.

"Teacher ano po ba ang ipeperform kung sakali?" Tanong ni Lara ang pinaka matalino sa klase at president ng class.

"Ah yes, I forgot to tell you class na folkdance ang sasayawin nyo. Carinosa." Dagdag ni teacher.

"Bale tatlo ang ipepresent ng elementary dep't. at dalawa sa HS dep't. Magkasama ang grade 1&2, 3&4, 5&6."dagdag ulit nito.

Note:(wala pang K-12 basic edication program dito kaya hanggang grade 6 lang)

Every year may ganitong event at laging kasali ang school namin sa festival. Almost lahat naman ng school sa lunsod namin ay kasali.

Tinapik ko si Ana at sinabing "sali tayo!" (^ᴗ^)

"Syempre, sayang din ung extra credits e."ngiting sabi nya, mukang excited din.

"For sure papayag sina mommy dito."sabi ko. Sa totoo lang di ako excited masyado sa activity, Mas naexcite ako sa dagdag grade na makukuha. sayang din kasi un.

Maingay na din sa klase dahil pinaguusapan nila ang announcement na sinabi ni teacher. Mukhang marami samin ang magaaudition ah. Tignan nalang natin sa friday.

Tumingin ako sa katabi ni Ana na si Cris at parang walang paki sa sinasabi ni teacher. Nagdadrawing lang siya sa notebook nya.

Tumingin ako sa katabi kong si Jason. Nakasimangot sya. Problema nito? mukha namang di sya interesado sa ganito. Nakakainis at dito ako itinabi ni teacher.

"anong tinitingin tingin mo dyan?" sabi nya ng napansin nya atang napatingin ako sa kanya. naman kasi ang saya saya ng mood ng lahat tapos sya nakabisungot.

"Problema mo?"

"Lakampake!" sabi nya

"hmmp!" kakainis talaga. dineretsyo ko nalang ang tingin kay teacher kasi alam ko wala akong mapapala dito sa katabi ko.

tapos biglang may bumato sakin na maliit na crumpled na papel. napatingin ako sa direksyon kung san galing.

Pusa alam nyo na kung saan. Galing kay Jason. wala talaga syang magawa. nakita ko sya nagbago na ung mood nya nakanina nakabisungot. ngayon mapang asar na ulit.

Gaya ng DatiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon