Chapter Two

8 2 7
                                    

Naglalakad na ako patungo sa silid ko ng may biglang tumatakbo papunta sa akin.

"RED! Ohmigash I am so happy to see you again!" Sigaw niya sa akin.

"Caesar!" Tawag ko sa kanya nang bigla niya akong bibigyab ng isang bear hug. Gago parin pala ito ah.

Dahil sa impact, we both fell to the floor, causing the other students to look at us in either curiosity o ano pa diyan.

"Baliw!" Mayroong sumigaw sa likod ni Caesar sabay paghablot niya sa kwelyo neto."'Wag mo ngang ganyanin yung prinsesa natin! Moko ka talaga 'tol!" Agad niya akong tiningnan ng may pag-aalala sa kanyang mga mata."Okay ka lang ba, Red?"

Tumango ako."Mhmm, salamat nga pala Cab."

"Wala yun." Sagot niya dala ng kanyang pinakasikat na boyish grin. Tiningnan niya ng masama si Caesar."'Wag mo ngang gawin yun!"

Agad ding inalis ni Caesar ang pagkakahawak sa kanya ni Cab."Namiss ko siya eh! Kaya huwag ako sisihin mo!"

"At sino pa ba, aber?!"

Iyan yung dalawang kaibigan ko; si Cristome Alejandrino Bartolome, mas kilala sa nickname Cab at si Caesar Erik De La Rosa, ang dalawang pinakasikat na mister #1 dito sa campus ng Xhastesse Academy.

"Tama na nga yan." Awat ko sa kanila."Diyos ko tara na nga sa classroom natin."

I suddenly grabbed their arms and ran towards our classroom, causing them to stumble a bit.

Pagkadating na namin sa classroom, silang dalawa ay hinahabol na yung hininga.

"O? An raming energy ninyo doon? Anyare nun?" Pabiro kong tanong sa kanila.

"Am... bilis... mo kasing... tumakbo eh..." Sagot ni Caesar habang naghahabol sa kanyang hininga.

Wow, napapagod pala siya no?

I just shrugged and walked into our classroom na parang wala akong ginawa sa kanila, tutal gets na nila trip ko eh, ba't hindi sila umiwas?

Pumunta ako sa aking silya at agad kong inilapag sa sahig ang bag ko. Maya-maya ay may lumapit sa'kin na isang babaeng may bun hair-style at naka-salamin.

"Eto Rosa," Mayroon din siyang pinakita sa akin sa isang tablet na graph."ayon sa graph ay mataas pa rin ang sales ng Xhastesse Academy sa kanilang merchandise, plus, parang marami ring nagtransfer dito after ang semestrial break."

Nginitian ko siya."Salamat, Dia."

Siya nga pala si Diamond La Trinidad, ang pinakamahusay sa Matematika dito sa buong campus na isa rin sa mga kaibigan ko.

"Pero..." Sinimulan ko habang nakatingin sa kanyang mga salamin."Mas maganda pa ata kung mag-kocontact lens ka na lamang, ganda kasi ng mga mata mo. Malay mo, baka may mahimatay."

"Kapag ginawa niya yun, maybe there will be World War III, te." May biglaang nagsabi.

"Tama si ate, Ate Rosaliya."

Pagtalikod ko ay nakita ko ang kambal na top performers sa campus. Sina Luna at Luca Avery.

"Luca, Luna, tama na nga yan." Awat ni Dia."Alam niyo na man na ayaw kong magsuot nun kasi nawiweirduhan ako, di ba?"

Natawa lamang ako. Sila ang mga kaibigan ko sa Xhastesse Academy.

Ay! Nakalimutan ko palang sabihin ang pangalan ko. Ako nga pala ay si Rosaliya Edelphin Damillies, isa sa top dito sa klase. Commonly known as Red.

"Ano sabi mo?!"

"Totoo naman eh!"

"Eh hampasin ko kaya ulo mo?!"

"Subukan mo!"

I heard Caesar and Cab arguing over something again. Normal na sa amin yun, pero ibang usapan na kapag malapit lang si Dia.

Nakita kong nag-clench ang fists ni Dia habang papunta sa kanila.

"Patay na sila, patay na sila." Sabay sabi nina Luca at Luna, na naging sanhi kung bakit ako napatawa.

"Both of you!" Narinig namin si Dia sa pintuan.

"Aray!"

"Anong-?!"

Sa tingin ko, parang narinig na sa buong campus yung hiyaw nila sa sakit.

"That's what you get kapag nag-aaway lamang kayo!" She lectured them."Sa susunod, hindi ko na talaga kayo papapasukin dito sa classroom!"

"Y-yes Ma'am!"

Nakita ko yung dalawang dali-dali ang pagpasok sa classroom at si Dia na papunta sa amin.

"I swear, baka mapatay ko sila hindi pa nakakarating ang fourth grading."

"Calm down, sis." Sabi ni Luna sabay paglagay sa kanyang kamay sa balikat ni Dia."Hindi natin gustong magkaroon ng massacre dito sa Xhastesse, di ba?"

"Oo nga, ate," Sumama na rin si Luca."Lalong-lalo na sa Special Class."

Nakalimutan ko ngang ipaalam, kami po ang bumubuo sa so-called famous Special Class. Kapag sa normal na seksyon dito ay may 40 students, kami ay anim lang; Sina Luca at Luna na tinatawag nilang Master Exhibitionists, si Dia na tinatawag nilang Lead Mathematician, sina Cab at Caesar na tinatawag nilang Princes of Heaven, at ako na tinatawag nilang Empress.

Bakit ako tinatawag na Empress? Malalaman ninyo din yun.


AwakeningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon