Chapter Six

2 0 0
                                    

Nasa loob na kami ng magandang building at parang isang palasyo yung nasa loob.

Grabe, parang mas mahal pa yata ang pagpapatayo nito kaysa sa pagpapatayo doon sa palasyo ni Queen Elizabeth.

Ang problema lamang ay.......

Bakit lahat sila nakatitig sa'kin ng masama? Na para bang may sala ako sa kanila?

"Oy Rosa!" Tawag sa'kin ni Rylia na parang normal lamang sa kanya ang mga ganitong bagay. "Ba't ba ang bagal mo?"

Ikaw kaya tingnan ng ganyan!

"E.... kase....."

She just rolled her eyes at me."Tara na nga lamang, Rosa! Ano ka ba!"

I sighed in defeat. Hindi ko naman matatalo si  Rylia sa pagka-hyper, di ba? At saka siya din naman talaga mas tumagal dito kaysa sa'kin.

I nearly jumped out of my skin ng biglang tumunog yung bell ng malakas.

"Hala! Nagsisimula na yung mga klase! Dalidalidali!"

Agad-agad niyang hinawakan ang braso ko at tumakbo ng mabilis, walang takot madapa.

"Oy! Can't you slow down for a bit?!"

"Nope! Hahahhahahahahhaha!"

Nagpatuloy kami sa pagtakbo hanggang narating namin ang isang magandang pintuan na kulay asul at silver.

Na binalewalang sinipa ni Rylia upang buksan.

"Hoy! Gaga! Baka mamahalin yun!"

Tumawa lamang siya habang pumasok sa malawak na kwarto, na kung saan nakaupo ang isang chinitong may pulang buhok at grey na mga mata.

"Ah!" Exclaimed he with a wave."Hello!" Tiningnan niya si Rylia."Salamat nga pala, Charm."

Kumunot ang noo ni Rylia, na para bang ayaw na tawagin na Charm. "Meron na akong pangalan, sir Balakirev." Agad namang sagot ni Rylia."Rylia na po ang pangalan ko ngayon."

Sir ano?! Balakirev?!

Ano yun? Russian? Belarussian? Ukrainian?

He gave a light smile and gestured to a seat in front of his desk, na para bang nag-o-offer siya na umupo kaming dalawa ni Rylia.

Umupo ako sa isa at nagulat sa pagka-fluffy ng upuan. Like, ang unfair naman! Ganda nito, parang ayaw mo nang tumayo pa ulit.

Sir Balakirev smiled again.

"Hello Ms. Rosaliya. It is a pleasure to meet you!"

" A pleasure to meet you also, Mr...." Huminto ako, takot na baka hindi ako papayagan na tawagin siya sa kanyang pangalan.

"Call me Regine."

"Okay," Huminga ako ng malalim." Mr. Regine."

" Soooo.... alam mo ba kung bakit ka dinala dito ni..... Rylia?"

I shook my head.

She just literally dragged me here.

"No idea at all? Kahit isang ingkling lamang? Wala talaga?" Push pa niya. Eh sabi na nga na wala akong alam eh!

I slammed my palms on top of his table, na klarong-klaro na gawa sa mahogany."I told you I have no idea what you are talking about! At kung meron man, sinabi ko na nga sana sa inyo!"

......

"Pffffft..."

Tinakpan ni Sir Regine ang kanyang bibig at nagpupumilit na hindi tumawa, pero hindi carry. He doubled over while laughing, na may mga luha sa kanyang mga mata.

"Aahhahahahhahahahhahaha!" Tawa niya na para bang sobrang amusing ito.

Pero kung sa bagay, hindi naman masama boses niya o, ganda kaya.

"Haaaa.... aaa......" He coughed into his palm."Sorry ah, nagka-deja vu lamang ako." Agad naman niyang inilipat ang kanyang tingin kay Rylia, na tinitingnan ako ng may halong lungkot at confusion."Alala mo pa siya, Rylia? Energetic pa nga niya eh. Matapang, maganda, may pagka-baliw, at sweet and caring..."

Nag-sigh ako."Sino po, Sir Regine?"

"Ayaw." He said childishly.

Tiningnan ko siya na para bang siya ay isang baliw. "Ayaw?"

"Ayoko nga, sayang memories ko if I just shared it with anyone." Tapos niya na para bang yun ang pinaka-reasonable explanation sa buong daigdig.

Agad akong tumayo at naglakad ng papadali patungo sa pintuan na bukas pa rin nang biglaan itong isinara ng hangin.

O hangin ba kaya yun?

I turned to see Sir Regine looking serious and Rylia looking slightly panicked.

"Did..." Simula ni Sir Regine."I say you are now allowed to go out?"

Nakita kong nag-sweatdrop si Rylia, tuhod nanginginig. Akala mo na hindi siya matatakot ng dali-dali sa kanyang personalihiya, takot pala siya sa taong to?

"Did I?" Ulit ni Sir Regine.

Rule Number One: Huwag na huwag mong ilalagay ang iyong trust sa isang taong hindi mo pa masyadong kilala.

I shook my head. Dayum, katakot naman. Parang nagka-one-eighty na turn yung personalihiya niya ah. Ano to? Bipolar?

"Good!" Bumalik yung ngiti sa kanyang mukha at para bang nawala lahat ng tensyon sa kwarto.

Rylia sighed in relief, pero hindi mo ito masyado makikita kapag hindi mo talaga tinitignan nang maayos.

Si Sir Regine ay gumawa ng isang gesture na parang nagsasabi na 'upo'. At sumunod ako.

Si Rylia naman ay parang may malalim na iniisip.

"Ms. Damillies?"

Malapit sana akong kumuha ng matigas na bagay at ihampas sa ulo niya, pasalamat na namalayan kong nasa opisina pa kami.

"Ano po yun, Sir Regine?"

"I asked: Ano ang iyong Palette?"l

"Palette? Ano-"

Sa hindi inaasahang oras, biglang may nagbukas ng pinto nang malakas.

At ang taong pumasok ay talagang hindi ko inaasahang makita...

~♤~♤~♤~♤~♤~♤~♤~♤~♤~

AN: Tapos! Yes! *Victory dance*

As usual, reviews are deeply appreciated!

Also, can you guess kung sino tong bisita na to?

AwakeningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon