Chapter Four

5 0 0
                                    

I called my maids and told them that I wil be home early, pero hindi ko sinabi kung bakit. Pumayag naman sila.

Kaya heto ako ngayon, nakasakay sa Limousine mag-isa, nakatulala dahil hindi parin naka-get-over sa nangyari kanina.

'See you in death, Rosaliya'

UGH! Ano ba naman ito!

Ginulo ko yung buhok ko at nagpasalamat sa langit na hindi nakapansin si manong driver, kung nakapansin man siya, binalewala lamang niya ito.

Ngayong nandito na ako patungo sa bahay ay parang panaginip na lamang iyon, pero alam ko na hindi eh.

Kailangan pa pala akong magpasalamat kay Caesar no?

Haaaay, ang gulo naman ng araw na ito.
.
"Miss, nakarating na po tayo." Sabi ni manong sa'kin.

Agad-agad naman akong bumaba at nagpasalamat sa kanya, tapos ay tumakbo patungo sa mga pintuan.

Parang inaasahan na nila, binuksan nila ang pintuan at bumati ng 'Magandang Umaga po, Binibini.'

Ha, as if maganda ang umaga ko.

Nagmadali akong pumunta sa kwarto ko at dumiretso sa paghiga sa pinakamamahal kong kama.

Ah! Si Caesar!

Pumunta ako sa Computer ko at naglog-in sa Fb account ko, upang makita kung online ba sila ngayon.

Salamat, ngayon kailangan ko na lamang mag-message sa GC namin.

Crimson: Guys! Okay na ba kayo?

Hindi ko kailangan maghintay ng matagal upang may mag-reply, kasi merong isang tao na palaging online kahit na ano ang nangyari sa umaga.

CaesarGwapito: Okay lamang ako, Rosa! Kayo mga buds?

Crimson: Oy Caesar, hindi ka kasali sa mga tinatanong ko!

CaesarGwapito:Ouch, Your Highness! Ansakit mo naman makasalita ah!

CaesarGwapito:Hindi ka ba nag-aalala sa kawawang prinsipe na ito?

Ha! Kawawang prinsipe mukha mo!

Although I'm really worried about you.....

"Binibining Rosaliya? Nandyan ka po ba?" Narinig kong tawag ni Ate Lina.

"Opo! Bakit?"

"May maliit na package dito! Baka po para sa inyo!"

Ha? Package? Kanino galing?

"Pupunta na ako diyan!"

Crimson: Sorry, out muna ako! Babalik din mamaya!

Dali-dali akong pumunta pababa at nakita si Ate Lina na may hawak na maliit na kariton.

"Alam mo po ba kung sino nagpadala nito?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi po, Binibini, wala pong nakalagay na note eh, nandoon lamang po yun sa loob."

"Ah, okay, salamat po, Ate. Dadalhin ko nalang po to sa kwarto ko."

Agad naman siyang nag-bow at bumalik sa paglilinis ng bakuran, habang ako ay papunta pabalik sa kwarto ko, nagtataka kung ano ba talaga ang nasa loob ng maliit na kariton na ito.

Baka bomba?

I shook my head, hindi naman maaari yun, di ba?

Sana nga.

Sinara ko ang pinto nang aking kwarto at humiga sa kama.

Aaaaaaaaaaah........ Gusto kong buksan.........

AwakeningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon