Chapter Five

5 0 0
                                    

"So, na-impake mo na ba ang lahat ng gamit mo?" Tanong ng kuwintas sa akin, na nasa kanyang human form.

"Oo, andito na sa'kin."

"Then that's great! Tara na, vamonos!" Sigaw niya sabay turo sa bintana.

Huwag ka ngang magpa-ala Dora diyan.

"Ah!" May naalala ako."Ano pala pangalan mo?"

Natigil siya sa paglalakad patungo sa bintana at tumahimik.

"Wala akong pangalan." She said, barely above a whisper.

Wala?

"Wala?"

She nodded.

Biglang sumakit yung dibdib ko para sa kanya.

"Paano kaya kung bigyan kita ng pangalan?" Suhestiyon ko. Bigla naman siyang lumiwanag.

"Ano?" Excited niyang tanong sa'kin. Parang meron ding mga glitter sa mata niya o.

"Ummmmm, ano nga ba ang bagay para sa'yo," Ngumiti ako ng na-alala ko yung isang pangalan na sabi ni kuya sa'kin.

"Rylia!"

"Ano?" Tingin sa akin ng kuwintas."Ano na nga ba ang pangalan ko?!"

"Sabi ko nga, Rylia, pangalan ng isang character sa isang game na nilalaro ni kuya. Ang bagay kaya para sa'yo." Sabi ko sa kanya."Okay ka lang ba doon?"

Hindi na lamang siya sumagot. Agad-agad niya akong sinugod at yumakap sa akin.

"Salamat! Salamat salamat salamat!" Paulit-ulit niyang sabi. Tumawa na lamang ako sa kanyang kasiyahan.

Baka masasanay rin ako nito.

Huh.

"Hoy," Tawag ko sa kanya as she continued to hug me."Stop that already, di ba mayroon pa tayong pupuntahan?"

"Ah, oo nga pala no!"

Wow, ganda ata nito o.

"Oo, kaya bitawan mo na nga ako, Rylia."

With a smile, she immediatly got off me and continued heading to the window.

"Welp, tayo na, at salamat talaga, Rosa." Ngiti niya sa'kin."Ah! Bagay rin tayo ng pangalan o! Rosa at Rylia!"

Tumawa na lamang ako sa kanyang pagka-masiyahin. Nakaka-infect naman 'tong pagka-smiling niya o.

Tumingin muli ako sa bintana at nagulat nalang na wala na si Rylia. Parang bula nga eh!

Agad akong tumakbo patungo sa bintana at tumingin pababa.

Kung saan parang lumulutang lamang siya habang naka-upo.

"Tara na, Rosa!" Invite nya sa akin habang ako ay parang tulala."Rosa?!"

Nag-sigh ako."Paano ako makakasigurado na hindi ako mamamatay kapag tumalon ako dito?!"

"Talon na, Rosa! Dali, dali!"

I sighed again. Ang hirap naman tumalon kapag parang may death wish ka.

Pero sige na lamang.

I took a few steps away from the window at tumakbo at tumalon, patungo sa labas.

"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhh!" Sigaw ko as naghanda ako para sa masakit na landing. Pero wala.

"Hoy," Rinig ko boses ni Rylia."Buksan mo na mata mo, Sleeping Beauty, o baka naman nahimatay to?"

Sa aking pagkalito, I slowly lifted my eyelids and saw that we were floating, and were already moving away from my home.

In the air.

Flying.

"Rylia? Anong nangyayari dito? Bakit tayo lumilipad? Saan ba talaga tayo pupunta at kailangan pa nating magpa-ala-invisible flying carpet?" Dali-dali kong tanong.

"Chill lang gal, hindi ako robot, so ask me questions one by one, 'kay?" Sabi niya sabay ng pagtaas ng kanyang mga kamay.

Tumahimik na lamang ako at hinintay na makarating sa destinasyon namin, habang ina-admire yung napakagandang view sa itaas ng city.

Napakaraming ilaw ang lumiliwanag sa mga kalsada at yung makikita mo lamang sa mga sasakyan ay ang kanilang ilaw na para bang dumadaan lamang, at sa taas na namin, para ng maliliit na langgam ang mga taong naglalakad sa gabi.

Bigla na lamang akong may naramdaman na kakaiba sa paligid, hindi ulap ah, pero parang ang... weird nito...

Para bang may black hole?

Teka....

Pagtingin ko kung saan si Rylia, nakita ko ang isang malaking bilog na itim.

"Hoy! Rylia!" Sigaw ko."Ano yang ginagawa mo?!"

Ang sagot na nakuha ko ay isang tawa lamang.

Papalapit na papalapit na kami talaga sa hole, dahilan upang manginig yung mga kamay ko sa sobrang takot.

Ano ba itong napasukan ko?!

"Hahhahahahhahahahahhah!" Tawa ni Rylia na para bang nasisiyahan sa kanyang ginagawa. Parang nababaliw na ata.

Biglaan na lamang nandilim yung paningin ko ng ilang minuto, pero rinig ko pa rin yung excited na tawa ni Rylia, na para bang isang bata na bibilhan ng ice cream? O laruan?

Nang nambalik na ang aking paningin, the place that I've seen took my breath away.

At parang understatement lamang yung beautiful o gorgeous, talagang walang makaka-describe sa lugar na ito. Malawakang mga gubat na pumapaligid sa isang magandang building na parang gawa sa diamante, at sa harap noon ay isang fountain na napaliligiran ng mga magagandang halaman.

Sa pagkamangha ko, hindi ko namalayan na unti-unti na pala kami bumababa hanggang tumigil kami a few inches above the roof.

Rylia jumped off the invisible flying carpet (wala na talagang ibang matawag para doon), at kumaway-way sa'kin, na para bang pinapatalon ako.

Knowing that I didn't have much of a choice, sinara oo ang mga mata ko at dali-daling tumalon.

Medyo masakit yung landing, pero yung si Rylia tumalon kanina parang wala.

"Arayrayrayrayrayrayray...." Mahina kong ulit habang pa-upo.

"Okay ka lang ba, Rosa?" Tanong ni Rylia sa'kin na para bang walang nangyari.

Pinatalon mo nga ako galing sa mataas na lugar eh!

"I'm fine." Sagot ko na lamang.

AwakeningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon