Chapter One

11 2 6
                                    

Pagkadilat ng mga mata ko, ang sumalubong sa akin ay ang liwanag ng kwarto.

"Magandang Umaga, Binibining Rosaliya. May pasok pa ho kayo ngayon." Sabi ng katulong ko habang inaayos niya yung kurtina."O gusto mo bang pumunta sa opisina ng iyong ama ngayon?"

"Hindi," Sinimulan ko."Papasok ako ngayon. Ihanda mo yung gamit ko at yung susuotin sa ngayon."

Tumango siya at umalis sa kwarto. Tumayo ako galing sa kama at pumunta sa banyo.

Pagkatapos kong maligo ay pumunta ako sa harap ng salamin at kinuha yung suklay at hairdryer upang patuyuin yung aking buhok. Maikli lamang ito at Platinum Blond ito sa kulay.

Pagkatapos ay kinuha ko yung uniporme na inilagay ng katulong sa kama, tapos maiplantsa na. Ito ay binuo ng isang puting long-sleeve polo na tinatakpan ng isang snow-white, long-sleeve vest na may blue outlines sa collar at mga cuffs ng sleeve at mayroon ding bulsa sa left side neto kagaya ng uniporme ng lalake na gawa sa cotton, yung pambaba ko naman ay isang puti na saya na taga tuhod at may blue outlines din, na sinasamahan pa ng hanggang tuhod na medyas at puting leather shoes, at sinabi ko ba na kailangan naming magsuot ng puti na gloves at kailangan din ng mga babaeng estudyante na magsuot ng blue na ribbon?

Kaya basically, puti lahat ang uniporme namin.

Kinuha ko yung bag ko at pumunta sa baba, at dumiretso sa dining room.

Umupo ako sa pinakamalapit na silya at agad-agad akong binigyan ng isang plato na may sliced bread na nilagyan ng itlog, keso, tamatis, at ham na may kasamang gatas.

Sinimulan ko nag kainin yung sa akin nang pumasok bigla yung kuya ko.

"Mornin'" Bati niya sa'kin. Tumango ako.

"Good Morning also"

Yung kuya ko ay si Alfred Damillies na nasa second-year senior high school at isang Valedictorian sa aming paaralan.

Agad-agad ding pumunta sa kanya ang isang maid at inilagay ang isang plato na may itlog at bacon. Sinalubong niya ang katulong ng isang matamis na ngiti na cause ng pagblush ng maid.

My brother is such a playboy sometimes...

I sighed at nagpatuloy sa pagkain. Grabe, siguro kailangan kong gawin yung gumawa neto na personal chef ko. PERSONAL, k?

Pagkatapos kong kumain ay pumunta na ako sa labas, dala yung bag ko at pumasok sa Limousine.

Sa loob nun ay may Flatscreen TV na cable at mayroon ding latest version ng Playstation at isang buong showcase ng games in case we get bored.

Ilang segundo ang lumipas ay pumasok na din si kuya sa limousine at pinalabas yung game controllers at iniabot niya sa akin yung isa.

"Laro tayo?" Anyaya niya. Tumango lamang ako.

"Game. But whoever loses doesn't get extra cream para sa dessert ngayong gabi." Sabi ko. Nag-smirk lamang siya at linabas yung tape para sa Tetris, gusto niya yung old-school games kasi eh.

Sinimulan namin yung game at pabilisan kami ng pataas ng score while being careful not to make the bricks reach the top of the screen.

Sobra kaming na-absorb sa paglalaro na hindi namin namalayan na pumasok na pala ang driver at sinimulan yung engine.

Because of the sudden movement of the limo, nagka-wrong move si kuya at nalagay ng bigla yung T-block.

"Bad luck AF!"Sigaw ni kuya habang ako ay tumatawa lamang sa insidente.

Naglaro pa kami ng ilang rounds bago kami nakarating sa school at si kuya yung talo. Sabi na nga eh, 'wag mong kalabanin yung Tetris Princess sa Fb.

Tinurn-off ni kuya yung console at kinuha yung bag niya. Dali-dali naman akong sumunod sa kanya palabas.

"O siya," Sinimulan niya."Uuna na ako, malas ko naman sayo." Sabay pagkurot ng pisngi ko, na agad ko namang inawat.

"Huwag nga." Angal ko."Baka naiinggit ka lang sa skills ko in Tetris."

Tumawa lang siya ng magaan."Charot naman itong kapatid ko oh, ganda mo pa naman. O mag-ingat ka sa mga moko ha? Ayokong may manakit sa prinsesa ko, gets?"

I felt my cheeks heat up."Kuya naman o! Gets ko naman e!"

Tumawa siya ulit at pumunta na sa building nya, habang ako naman ay papunta na rin sa aking building.

AwakeningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon