Isang dambuhalang Eroplano ang lumapag sa Ninoy Aquino International Airpot na nag mula sa America. Isa si Alona sa mga sumakay at bumaba sa paliparan. Ilang oras rin ang lumipas bago siya nakalabas at nakarating sa lobby ang dalaga.
Palibhasa'y anak mayaman at solo sa pamilya, sunod ang layaw nito. Hindi siya sanay mag hintay nang matagal, kaya nag-init kaagad ang ulo nang hindi natanaw ang kanyang sundo na galing pa sa Batangas.
Ilang minuto pa, paulit-ulit ang tingin nito sa kanyang relong pambisig, saktong tatawag na sana ng taxi, nang biglang bumisina ang kanilang driver na si Adones.
"Ma'am nandito napo ako!" Aniya at halos nagmamadaling bumaba sa kotse para sunduin ang kanyang amo na noo'y natanaw natanaw na niya na tumatawag ng pampublikong sasakyan. Agad napalingon si Alona nang maulinigan niya ang tinig nito.
"Bakit late ka nang sundo sa akin, nasaan si Mang Pablo na siyang dapat sumundo sa akin?!" At si Aling Luding siya ang kausap ko noong nag-Long distance call ako?!" Pahasik ang tono nito. Hindi nakaimik si Adones sa sunod-sunod na tanong nito sa kanya.
"Pasensiya na po kayo, nakalimutan ni Tiya Luding na sabihin sa akin at kanina lang umaga niya na bangggit . Sis Tiyo Pablo na namay may sakit at nasa bukid nag papahinga nga kaya ako na po ang sumundo sa inyo!" Casual sagot ni Adones.
ITUTULOY
1
BINABASA MO ANG
DAHIL IKAW PARIN ANG MAHAL
RomanceBata palang si Alona, lihim niyang minahal si Adones. Kahit sa kabila ng lahat maraming sagabal sa kanilang pag mamahalan. Hanggang sa matuklasan niya na ang kanyang minamahal ay kanya palang kapatid. Umiwas si Adones sa ini...