Mula sa pool nakatingin sa kanya si Adonis, nakita ni Alona ang mga ngiti ni Adonis, na siyang nag pakaba sa kanya. sinuklian niya rin nang matamis na ngiti , at saka tuluyang sinarado ang bintana.
Kinabukasan,maagang nag almusal si Alona, Ininum niya ang pinahanda na gatas ng kalabaw. Nang matapos iyon, sa kuwadra siya nag tungo para sumama sa pag papastol ng baka gamit ang kabayo na alaga ni Tiyo Pablo nakahanda na ang kabayo para kay Alona.
Inalalayan ni Adonis, pasakay sa kabyo ang dalaga nang pareho na silang nakasakay sa kabayo, mabilis na humarorot ang dalawa patungo sa kulungan ng mga baka.
Mabilis nilang pinalabas ang mga baka sa kulungan at nagtakbuhan palayo sa ilog.
Habang naglalakad ang dalawang kabayo na sakay silang pareho, personal na nag tanong si Adonis kay Alona.
"Bakit parang mainit ang ulo mo nang sinundo kita sa Airport, kahapon'?!"
"Matagal ka bang nag hintay sa akin?!"...pasensiya ka na matagal kang nag hintay sa akin?!" Untag ni Adonis
"Hindi naman, kaya lang may iniiwasan ako sa Amerika, kaya napadali ang balik ko dito sa Pilipinas...Sagot ni Alona
"Personal ba, kung personal ok lang na hindi mo sagutin, maiitindihan ko!!" Si Adonis.
Pero hindi nag atubili na hindi sagutin ni Alona ang tanong ni Adonis
"Si Raul,....wika ni Alona, nang biglang tumakbo ang kabayo, kaya habol si Adonis, sa bilis ng takbo ng kabayo, nawalan ng control si Alona, kaya mabilis na nahulog ito mula sa kabayo.
BINABASA MO ANG
DAHIL IKAW PARIN ANG MAHAL
RomanceBata palang si Alona, lihim niyang minahal si Adones. Kahit sa kabila ng lahat maraming sagabal sa kanilang pag mamahalan. Hanggang sa matuklasan niya na ang kanyang minamahal ay kanya palang kapatid. Umiwas si Adones sa ini...