Patalikod na si Aling Luding nang biglang siyang magtanong dito
"Si Adonis pa ba ang nagpapagatas sa mga kalabaw natin Aling Luding"
"Oo!"...Si Aling Luding
"Puwede bang bukas ng umaga , Si Adonis ang maghatid ng gatas dito sa bahay?!"...pakiusap ni Alona kay Aling Luding.
"Masusunod Signorina Alona!"....Si Aling Luding sabay paibis sa kuwarto ng dalaga. Nang mga sandali na iyon hindi alintana ni Alona ang pagod ng kanyang biyahe, mula sa America hanggang sa Pilipinas.
Mula sa kama tumayo ito para sumilip sa bintana ,hindi niya inaasahang makita si Adonis na noon ay naglilinis ng swimming pool. Kahit madilim na ang paligid lumapit si Alona sa pool para makita ng malapitan si Adonis na sa mga sandaling iyon ay naka short lang at walang t-shirt na pang itaas pero hindi na pinansin iyon ni Alona.
"Bakit hindi ka pa nag papahinga?!"...tanong ni Alona sa binata
"Hindi ka ba napagod sa layo ng biyahe natin, mula Manila hanggang dito sa Batangas!"Dagdag ng dalaga na ang boses ay may halong pag- alala
"Maalinsangan,kaya lumabas ako,nilinis ko na tuloy ang pool dahil ito ang toka kong linisin bukas,eh!" Si Adonis habang patuloy nitong nililinis ang paligid ng pool gamit ang lambat para panala sa mga dumi nito.
"Hindi ako makatulog ,eh!"...Kaya lumabas muna ako para mag pahangin. Iba kasi ang hangin dito kesa America. Doon kung hindi malamig mainit laging pabago- bago ang panahon doon. Hindi kagaya dito sariwa ang simoy ng hangin?!"
Bahagyang tumango si Adonis bukod sa pinakikingan niya ang sinasabi ni Alona.
ITUTULOY
BINABASA MO ANG
DAHIL IKAW PARIN ANG MAHAL
RomantizmBata palang si Alona, lihim niyang minahal si Adones. Kahit sa kabila ng lahat maraming sagabal sa kanilang pag mamahalan. Hanggang sa matuklasan niya na ang kanyang minamahal ay kanya palang kapatid. Umiwas si Adones sa ini...