"Naglalaro ako ng bahay-bahayan...Ako ang mama at itong si baby Doll ko ang anak!"Hawak ni Alona ang kanyang manika at nasa loob siya ng isang barong-barong na pinagtagpi-tagpi ng mga karton at mga dayami na kinuha sa paligid ng bahay.
"Gusto mo ako na lang ang tatay, para Masaya ang pamilya natin?!" Si Adonis.
"Eh, gusto ni Raul siya ang tatay, pero ayaw ko naman sa kanya Nakanguso pa ito, habang nagkukuwento si Alona.
"Lagi akong niyayakap, salbahe siya ayaw ko sa kanya!"Inis na ikinuwento ni Alona ang kapilyuhan ni Raul kay Adonis.
"Nasaan na iyon?"Untag ni Adonis
"Hayun!"Ininguso ni Alona si Raul palayo sa kanila
"Natakot siya matapos na malaman na isusumbong ko siya sa iyo takot siya sa iyo, eh?!"Pagyayabang ni Alona. Napatingin din si Adonis sa direkyon ni Raul. Tingin palang alam na niyang namumuti ang paa sa bilis ng takbo nito dahil sa takot kay Adonis.
Kahit bata, tigas ang kanyang dibdib at halos iliyad niya ito nang marinig niya ang lahat ng sinabi ni Alona
"Ibig palang sabihin ako ang hero sa buhay ni Alona!" Nasabi ni Adonis sa sarili at nagkaroon ng kaunting yabang sa sarili nito.
Kaya lagi silang mag kasama sa lahat nilang mga laro at kahit sa pagkuha nila sa bungangkahoy sa gubat, si Adonis ang laging kasama ni Alona si Raul ay lagi lang nakatingin sa kanila. Kahit munting bata pa'y nakaramdam na ng selos si Raul kay Adonis pero wala siyang magawa kahit patpatin at sakitin si Adonis, malaking bulas ito at buo ang loob para ipagtanggol si Alona.
Madalas, laging kasama ni Tiyo Pablo si Adonis siya ang laging katulong sa pag-aararo sa bukid.
Sadyang pinag-uukulan ng pansin ni Alona si Adonis.
BINABASA MO ANG
DAHIL IKAW PARIN ANG MAHAL
RomanceBata palang si Alona, lihim niyang minahal si Adones. Kahit sa kabila ng lahat maraming sagabal sa kanilang pag mamahalan. Hanggang sa matuklasan niya na ang kanyang minamahal ay kanya palang kapatid. Umiwas si Adones sa ini...