Sa malaking mansyon, hindi inaasahan ni Alona at Adonis na naghihintay si Donya Marga.
"Ano'ng oras na Alona, at kasama mo pala,'Yang patay gutom na iyan?!" Galit at mataray na boses habang nasa baywang ang dalawang kamay
"Magandang gabi po, Donya Marga!" Si Adonis yumukod pa ito bago nag bigay galang sa ina ni Alona
"Ano ang ginanda ng gabi?!" Sabi ni Donya Marga
"Hoy,Lalaki taga pastol ng baka sa aking tubigan, Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo, na amoy lupa, amoy pusali, para idikit ang katawan mo sa katawan ng anak ko. Hindi mo ba naisip na masyadong malayo ang agwat mo sa kanya. Isa kalang putik kung ikukumpara sa langit na kinalalagyan ni Alona?!" Matatalim ang pangungusap ni Donya Marga kay Adonis.
Sandaling hinarap ni Donya Marga si Adonis
"Mula sa mga oras na ito, Kailangan bago tumilak ang manok kailangan wala na kayo sa loob ng aking bakuran. Dalhin mo lahat pati ang mga basura n'yo!" Pag mamando ni Donya Marga
Nang mga sandali na iyon, Walang imik si Alona. Hinarap ni Donya Marga si Alona. Mag asawang matutunog na sampal ang pinatikim ng ina ni Alona- halos mahilo ang dalaga.
"Pakk!"
"Huh?!" Nabigla at labis na nasaktan mula sa sampal ng ina, Gusto sanang tulungan ni Adonis si Alona pero hindi na niya ito naagapan para tulungan ang dalaga
"Pasok sa loob?!" Sigaw ni Donya Marga kay Alona.
"Alonaaa!" Si Adonis.
ITUTULOY
BINABASA MO ANG
DAHIL IKAW PARIN ANG MAHAL
RomanceBata palang si Alona, lihim niyang minahal si Adones. Kahit sa kabila ng lahat maraming sagabal sa kanilang pag mamahalan. Hanggang sa matuklasan niya na ang kanyang minamahal ay kanya palang kapatid. Umiwas si Adones sa ini...