DAHIL IKAW PARIN ANG MAHAL Part 13

17 1 0
                                    

Habang naka sakay sa likod ng kabayo ang dalawa, May plano silang kakain sa labas ngayon gabi.

Pero hindi nila alam kung ano ang dapat gawin para makalabas na hindi mala laman ni Donya Marga, Dahil mula pa sa pagkabata, Ayaw ng ina ni Alona si Adonis na mag kasama sila. Kahit sa pag lalaro, kaya kahit hanggang sa pagda dalaga sila na mismo ang nag iiwasan, kapag wala sa paningin nila si Donya Marga.

Hindi na ginamit ni Alona ang kotse niya. Palihim silang aalis gamit ang personal na motor Adonis

Maingat nilang sinarado ang dambuhalang gate, at saka sumakay sa likod nito basi sa napagkasunduan nila ni Alona.

Masaya ang dalawa pakirandam nila walang katapusan ang kaligayahan na tina tamasa nila ngayon, Masaya nilang pinasok ang pinto na papasok sa Restaurant sa isang sulok sila naupo para hindi sila mapansin ng mga taong nakakakilala sa kanila

Matapos silang kumain , Agad nilang tinungo ang isang pinakamalaking parko sa kanilang lugar sa Batangas.

Magkahawak kamay ang dalawa na may binubulong si Adonis kay Alona

"Gaano mo ako kamahal?!"Tanong ni Adonis sa dalaga

"Kailangan mo pa bang itanong sa akin iyan?!"Sagot ni Alona

"Iba pag alam kong nangagaling sa puso mo ang lahat ng iyong sasabihin, Na mahal mo, nakakalimutan ko na masyadong malayo ang agwat natin dalawa sa buhay!"Maramdamin na sinabi ni Adonis kay Alona

"Ang lahat ng aking kayaman sampu ng aking karanyan, kaya kong talikuran huwag ka lang mawala sa akin, ganyan kita kamahal!"Halos pabulong na boses ni Alona. Na puno ng sinsiridad at katotohanan.

Masayang-masaya si Adonis sa narinig niya mula sa katipan . Niyakap niya ito ng mahigpit at hinalikan sa labi ng puno ng pag mamahal.

ITUTULOY

DAHIL IKAW PARIN ANG MAHALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon