"Sige na iha, sumama ka na kay Raul?!"Parang inaanyayahang pilit ang dalaga hindi na nakahuma si Alona, naisip agad niya si Adonis, baka matanaw siya na sumama kay Raul para kumain sa labas.
Wala siyang nagawa, kundi sumunod sa kagustuhan ng kanyang ina. Umakyat si Alona at pumasok sa kanyang kuwarto, nag palit ng damit na akma sa dinner para sa mamahaling Restaurant na kakainan nila.
Nasa isang mamahaling Restaurant na sila, pero kahit anong sarap ng kanilang kinakain nila, gusto nang tapusin ni Alona ang kanilang kinakain para maka uwi agad sila
Ilang saglit pa, nag aya na rin ang dalaga, para umuwi puwede siyang magtagal sa Dinner at kumain pero hindi siya nag I enjoy, kasi Adonis ang laman ng isipan niya
Biglang bumukas ang dambuhalang gate, para sa pag pasok ng Mercedez Benz na minamaneho ni Raul. Pag dating sa harap ng pinto, agad na bumaba si Alona matabang na nag paalam kay Raul, nag panggap na pagod –pagod si Alona. Para hindi niya maaya sa loob ng kabahayan si Raul.
Walang inaksayang oras si Alona, hindi na niya nilingon ito, para mag tuloy-tuloy na umuwi si Raul sa kanilang mansyon sa kabilang ibayo.
Nang mga sandali na iyon, naka abang si Adonis sa di kalayuan sa gilid ng pool na madalas makikita sa tanawan nila sa bintana. Nang matanaw ni Alona si Adonis agad na bumaba at lumapit sa binata na naghihintay sa gilid ng pool.
"Kanina ka pa ba diyan?"Wika ni Alona
"Diba tayo na, bakit sumama ka pa sa kanya?!Halatang selos ang nararandaman ni Alona sa tinuran nito sa kanya.
ITUTULOY
BINABASA MO ANG
DAHIL IKAW PARIN ANG MAHAL
RomanceBata palang si Alona, lihim niyang minahal si Adones. Kahit sa kabila ng lahat maraming sagabal sa kanilang pag mamahalan. Hanggang sa matuklasan niya na ang kanyang minamahal ay kanya palang kapatid. Umiwas si Adones sa ini...