HySE <3 23. Away?

447 2 2
                                    

HySE Twenty three

"Althea's POV"

Limang buwan na ang nakalipas matapos yung nangyari kay Beanca at Jacob. Naging malapit na rin si Jacob at TJ sa isa't-isa, ako naman at si Beanca. Madalas kaming nagkikita dito sa university, at madalas magkakasabay kaming umuwi o gumala. Huling linggo na rin ngayon ng klase dahil Semestral break na, tapos na rin last week mga exams namin dahil Friday na, si TJ na lang ang may exam ngayon.

Ngayon ay magkakasama kami dito sa ground ng school, si Kuya Ry, Jacob, Beanca, Tian, Tine, at ako. Nakaharap kami sa laptop ko habang nakaconnect sa wifi at kausap ang barkada namin sa Davao.

"Kumusta na kayo diyan?" bati ni PJ. Magkakasama sila nina ate Che, DM, at Nel sa restaurant ko.

"Okay lang naman, busy sa studies. Eh, kayo kumusta na?" bati naman ni Tian sa kanila.

"Ito, mga gwapo pa rin." at nagtawanan sila doon sa sagot ni DM.

"Ang kapal mo talaga kuya Darwin." sita ni Tine sa kanya. Ngumiti lang sila.

"Salty, I miss you." sigaw ni Kuya Ry.

"I miss you na rin, Bitter." sabat na rin ni Ate Che.

"Ang corny niyo talagang dalawa eh noh?" sabat naman ni Nel kaya nabatukan siya ni Ate Che. "Bianx, ikumusta mo ako kay Aria ha?"

"Isa ka pa pala Arnel eh noh?" sabat naman ni Jacob. "Tol, balita ko pupunta sina Aria at yung ate niya diyan sa Davao next week, ang ganda nung ate niya pwamiz."

"Ang landi mo talaga kahit kelan Jacob!!" sabat naman ni Beanca sabay taas ng kilay niya kay Jacob. Ganito lang talaga silang dalawa, nag-aasaran. "Ay, ate Thea hindi raw makakapunta si Kuya ngayon dito pupunta raw sila nina Ate Dianne sa mall."

"Bahala siya!" kung kakamustahin kami ni TJ, eto LQ!! Nainis kasi ako sa kanya kaninang umaga dahil sinabi niyang susunduin niya ako pero pinaghintay niya ako sa wal. Okay lang naman sa akin talaga sana eh, kung hindi siya nangako na susunduin niya ako, kaya dahil sa paghihintay ko sa kanya na late ako. Nakakainis, di man lang siya nagsorry!!!!

"LQ kayo noh?" tanong sa akin ni DM. Tumango na lang ako. "Ano dahilan? First time ata."

"Hindi niya ako sinundo kanina, at pinaghintay niya ako. Nalate tuloy ako!!" sagot ko naman sa kanila.

"Ayusin niyo yan, asan ba siya?" sabat naman ni PJ. Sinabi na naman ni Beanca kanina diba?

"Kasama ng mga kaibigan nila ni Ate Dianne." sagot naman ni Beanca.

"Sinong Dianne? Karibal mo couz?" sabat ni Ate Che.

"Hindi niya yun karibal, kaibigan lang yun ni Papa Jazz." sagot naman ni Tian.

"Asus, friend is the beginning of love kaya." sabat na naman ni Ate Che.

"Shut up, ate Cheska. Di kayang ipagpalit ni Papa Jazz si ate kay Ate Dianne noh!" sagot naman ni Tine. As you can observe, pinagtatanggol nila ang kanilang Papa Jazz. Sino ba talaga ang kapatid ng dalawang toh??

"Maganda ba?" tanong na naman ni DM. Ang hilig niya talaga sa maganda.

"Sobra!!" nakangiting sagot ni Jacob, siniko siya ni Beanca, napasmile na lang ako. "Mas maganda si Thea."

"Change topic na nga tayo." sabat ko. "Uuwi kami diyan next week ha, tapos bonding tayo."

"Fine."

Nagpatuloy lang kami sa pag-uusap hanggang nag 4:00 na.

"Sige guys, out na tayo." sabi ko at nagpaalam na kami sa isa't-isa. Pinatay na rin namin agad ang laptop ko at naglakad na patungo sa gate ng university.

Happy yet Sad Ending [HySE &lt;3 KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon