HySE <3 18. You Belong with me!

416 3 0
                                    

HySE Eighteen

Pangalawang araw na namin ngayon dito sa Boracay, kaya sama-sama kami ngayong mamamasyal. Una naming destination ay sa Kwa-kwa Island. Nagtake lang kami ng mga pictures at bumili ng mga souvenir. After it ay sa Layason Montain resort naman kami. Nagmountain climbing lang kami at ng makarating sa tuktok ay nagslide naman patungo sa dagat. Nagtake rin kami ng mga pictures at bumili ulit ng mga souvenirs. Pagkatapos ay kumain kami sa Seafoods Eatery, puro sea foods lang ang nandirito. Ng matapos kaming kumain ay gumala na naman kami. Pumunta kami sa isang famous place dito sa Boracay at dito na muna nagstay hanggang gumabi. Pagkatapos nun ay nagkayayaan ng umuwi dahil sa gusto ng matulog.

*fast forward*

Pangatlong araw na naman namin ngayon at naisipan naming maghiwa-hiwalay na muna. Ang kasama ko ngayon ay sina TJ, DM, at Nel. Pumunta kaming apat sa isang malapit na park dito sa Bora.

"Tol, may gusto ka ba dun kay Kim?" biglang tanong ni TJ out of nowhere kay DM. Tiningnan lang namin siyang tatlo. Napapansin rin pala ni TJ na masyadong napapalapit si DM kay Ate Kim.

"Ha?. Pagkasama ko kasi siya nakakalimutan kong nabusted ako eh." nakangiting sagot ni DM at tumingin sa akin. Hindi ko kaya siya binasted, sila kaya ang sumuko. "Pero, hindi naman ibig sabihin na nakakalimutan kong nabusted ako nito...." sabay akbay niya sa akin. Napapagitnaan kasi ako ni Nel at Dm, tapos ni TJ ay nasa tapat lang namin. "Ay nakakalimutan ko na feelings ko. Siguro nga paghanga lang ang nararamdan ko kay Kim."

"Pinahaba mo pa explaination, oo rin naman pala yang sagot mo eh." sabat ko. Nagtawanan na naman kaming apat. Tinanggal na rin niya pagkakaakbay niya sa akin. "Eh, ikaw ba Nel, kumusta naman kayo ni Aria?"

"Okay lang. Masaya siyang kasama at nagkakasundo kami dahil parehas kaming mahilig sa musika, pero ala pa rin siyang laban sa iyo, Principessa." sagot naman ni Nel at nagkatinginan kami. Tinukso tuloy kami ni DM at TJ.

"Assuuss, si Jazztine may patukso-tukso pa." sabat na naman ni Nel, pero di pa rin sila natigil sa pagtukso sa amin. Tong si TJ, kung makaasta akala mo hindi niya ako girlfriend eh! Inakbayan na ako ni Nel. "Eh, kung agawin ko kaya ito sayo?" napahinto na si TJ sa pagtukso, kaya naman siya naman ang inasar ni DM at Nel, pinagtawanan ko na rin siya.

"Sige pa Princess, tawa pa." sabi niya sa akin at pumagitna na sa amin ni Nel. "Palit na nga tayo Arnel, dun ka na." lumipat na rin si Nel.

Ganun lang kaming apat, asaran, tawanan, tuksuhan, at kulitan the whole morning. Sa tanghali kami na lang ni TJ ang sabay na kumain. Gagala raw kasi si DM kasama si Ate Kim, at si Nel naman ay pupunta raw sila ni Aria sa isang parang recording studio sa mall. Pagkatapos naming kumain ni TJ ay pumunta kami sa isang photo studio. Nagpakuha kami ng maraming pictures. May solo at may kaming dalawa. May wacky at may seryoso.

Ng sumapit na ang hapon ay bumalik na kami sa bahay nila dahil sabay-sabay raw kaming kakain. Pagkatapos kumain ay nanood kami ng movie. Mga 10pm na rin kami natulog.

*fast forward*

Pang-apat na araw na namin ngayon dito. Maaga kaming lahat na nagising dahil sa may isang babae ang dumating. Gilfriend at ni Jacob, kasi babe ang tawag ni Jacob sa kanya. Maganda naman ang babae, naka suot siya ng maikling skirt, blouse na kulay pink, at nakasuot ng high heels. Straight yung buhok niya na halatang pinasalon at kung makapag make-up itong babae to, WAGAS!!!

"Ay, by the way babe, si Jazztine nga pala kuya ni Beanca, si Althea girlfriend niya, si Darwin, Marlon, Ryan, Cheska, at si Jazzper kapatid ni Jazztine." pagpapakilala ni Jacob sa amin. "Si Lexi nga pala, girlfriend ko."

"Hello!" sabay naming bati sa kanya. Siya naman ay nagsmile lang sa amin. Si Beanca nakaupo lang sa tabi ni TJ.

"Let's go Jacob, may date pa tayo rember?" sabi ni Lexi at tumayo na, nagdiretso na lang siyang lumabas ng bahay. Hindi siguro naturuan ng magandang asal yung babaeng yun.

Happy yet Sad Ending [HySE &lt;3 KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon