HySE <3 19. The Break up

457 1 1
                                    

HySE Nineteen

Huling araw na namin ngayon dito sa Boracay kaya susulitin na namin. Bukas na kasi ng umaga ang uwi namin sa Davao eh, pero si Beanca, Lolo Ramon, at Jacob ay magpapaiwan na raw muna. By partner na talaga kami ngayon. Si Ate Che at Kuya Ry raw ay magdedate na muna, si PJ naman at si Barbie dahil nandito rin sila sa Boracay ngayon, si DM rin ata at si Ate Kim, si Nel naman at si Aria, si Jacob inaya rin si Beanca na lumabas umuwi na kasi si Lexi eh, at ako naman at si TJ.

"Saan mo gusto pumunta?" tanong sa akin ni TJ. Nandito pa rin kasi kaming dalawa sa bahay nila eh. Kami na lang dalawa ang naiwan dahil maaga nagsialisan yung iba.

"Gusto ko ata bumisita sa simbahan nila dito. Okay lang ba kung samahan mo ako?" tanong ko sa kanya. Napansin ko na nag-abot yung mga kilay niya. "Pero kung ayaw mo naman okay lang."

"Bobo ka rin pala minsan noh?" tinaasan ko siya ng kilay sa sinabi niya. Kung pagsabihan ako na bobo kala niya hindi ko siya boyfriend? Hiwalayan ko kaya siya!!! "Syempre, sasamahan kita. Girlfriend kaya kita. Tara na." tumayo na siya at hinila na niya ako. Sumakay kami sa isang trycicle at nagpahatid sa simbahan.

"Alam mo ikaw, kung makaasta ka akala mo di kita pwede hiwalayan no?" inis na sabi ko sa kanya. Nakakainis kasi yung sasabihan ka ng bobo? Lam niyo yun??

"Eh, kung makapagtanong ka rin naman kasi, parang di mo ko boyfriend eh." sagot naman niya tapos inakbayan niya ako. Tama rin na pagkaakbay niya ay nasa tapat na kami ng simbahan kaya bumaba na kami, isa-isa kami ng bayad sa tricycle dahil mamaya na raw niya ako ililibre.

Pumasok na kaming dalawa sa simbahan, tyamba at swerte na rin siguro dahil tama rin ng pagdating namin ay magsisimula na ang misa. Syempre, tahimik kami ni TJ habang on going yung mass.

Ng matapos ang mass ay lumabas na kaming dalawa sa simbahan. Hindi kami naka hold hands dahil nakaakbay na naman siya sa akin.

"Gusto mo isaw tayo?" sabi niya sa akin ng makita namin ang tindahan ng mga isaw at kung ano-ano pang uri ng street foods. Tumango lang ako sa kanya. Bumili siya ng 20 na isaw at buko juice. "Oh, sorry sa pagtawag ko sayo ng bobo."

"Mabuti naman at marunong ka magsorry." sabi ko at tinanggap yung binigay niya. Tig 10 kami na isaw at tig-isa ng buko juice. Naglakad na kaming dalawa patungo sa isang bench. Ng marating namin ay umupo na kami. "By the way, kailan lipad mo patungong Manila?" tanong ko sa kanya dahil naalala ko na sa Manila nga pala siya mag-aaral.

"Siguro mga May pa, pag-enrollment na." sagot niya sa akin tapos kumain ng isaw. "Mahabang panahon rin pala tayo di magkikita noh?"

"Oo nga eh." kumagat na rin ako sa isaw ko at uminom ng juice. "Wag mo kakalimutan ha na may girlfriend kang iiwan sa Davao."

"Wag mo rin kakalimutang may boyfriend ka na nagpapakahirap sa pag-aaral para sa kinabukasan natin." after nung statement niya ay iba-iba na lang ang topic naming dalawa. Napag-usapan rin namin si Beanca at Jacob.

"Feeling ko may gusto si Jacob kay Beanca kaso di pa lang niya maintindihan sa ngayon." sabi ko sa kanya.

"Wala akong pakealam kung may gusto siya o wala sa kapatid ko, ang importante lang sa akin ay wag na wag niyang sasaktan si Beanca kundi ako ang makakalaban niya."

"Alam mo pwede na kitang bigyan ng promising brother award diyan sa statement mo." natatawa kong sabi sa kanya. Tinaasan lang niya ako ng kilay niya, antaray niya talaga ngayon. "Tara na nga, lipat na tayo ng lugar gusto ko magswimming." at hinila ko na siya. Naglakad lang kaming dalawa habang nakaakbay lang siya sa akin. Bumibili rin kami ng mga souvenir sa mga tindahang nadadaanan namin.

Gaya ng sinabi ko ay nagswimming nga kaming dalawa. Nagcontest kami ng pabilisan sa paglanggoy, patagalan sa pagkakakalubog sa tubig, at kung ano-ano pang pwede gawing contest. Naghabolan nga rin kaming dalawa eh. Madalas ako yung taya kasi ang bilis niyang lumangoy eh.

Happy yet Sad Ending [HySE &lt;3 KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon