chapter 16

443 14 0
                                    


Azura POV

"San tayo pupunta? "- I ask them. Kanina pa kasi kami paikot ikot habang nakasakay sa sasakyan ni kuya Ivan.

"Ang totoo niyan di ko din alam"- kamot batok na sabi ni kuya Ivan.
-_- what? Hindi niya alam

"Kayo nagaya dapat alam niyo kung san tayo pupunta. Nako naman oh! "- sabi ko sa kanila.

"Heheh.. Sorry bes "- naka peace sign na sabi ni Carla sa akin. I rolled my eyes on them

"San niyo ba gusto? "- tanong ni kuya ivan

Natahimik naman making lahat at tila nagiisip.

Hmmm.. Why not pumunta kaya kami sa Baguio

"Baguio nalang tayo. Sa resthouse niyo kuya Ivan"- sabi ko sa kanila.

"Huh!  Pero ang layo aabutin tayo ng 5 oras sa byahe palang"- sagot niya sa akin.

"Ok lang yan. Maaga pa naman"- sabi ko.

"Ok"- sabi ni kuya Ivan at nag drive na ulit.

Wahhh..  Excited na ako.

After 5 hours.

"Malayo pa ba ang rest house niyo? "- tanong ni Jonathan.

"Nope. Actually nandito na tayo"- sabi ni kuya Ivan at pinark niya na ang kotse niya.

Nauna na akong bumaba at nilanghao ang sariwang hangin dito sa Baguio.

"Wahh ngayon ko pang to ulit na ramdaman"- nakangiti kong sabi .at tinanaw ang mga pananim sa ibaba.

Nasa bundok kasi ang resthouse nila kuya Ivan. Kitang kita dito ang mga magsasaka na nagtatanim ng mga strawberrys at ibang klase ng mga gulay.

Naramdaman ko naman na may tumabi sa akin.

"Mukhang ang saya saya mo ah? "- tanong niya sa akin. Nginitian ko naman si kenneth

"Oo naman. Akala ko kasi hindi na ako makakabalik dito"- sabi ko

"Bakit? "- siya

"Mahirap ipaliwanag"- sagot ko sa kanya

"KENNETH!  AZURA HALI NA KAYO! "- dinig naming sigaw ni jonathan. Nasa harapan na pala sila ng gate.

"OO NA!! panira talaga tong isang to"-sabi ni kenneth pero hindi ko narinig ang huli niyang sinabi.

"Anong sinasabi mo? "- tanong ko sa kanya.

"Huh?  W-ala.. Tara na"- siya at hinila na ako.

Pumasok kami sa loob at dumiretso ako sa veranda sa taas.

Umupo ako sa upuan na nakalaan doon at pinikit ang mga mata ko. Ngayon ramdam na ramdam ko ang lamig ng hangin.

-------------------------------------------------------------

Carla POV

Pagkapasok ko palang sa rest house. Wala paring pinagbago. Pumunta ako sa kusina at tinignan ang ref.

-_- ano nga naman ang aasahan ko. Walang laman ang ref. Ano kakainin namin?

"Coz. Walang laman ang ref! "- sigaw ko kay coz.

"Ay!  Oo nga pala. Hehehe... "- kamot batok na sabi niya.

"Bibili nalang ako"- presenta ni jonathan. Tinaasan ko naman siya ng kilay

"Alam mo kung saan ang bilihan? "- I ask him

"Hehehe... Hindi"- siya.

Tsk!

"Samahan nalang kita. Coz. Pera? "- sabi ko kay coz at nilahad ang palad ko.

"😑seryoso coz... Tsk.. Oh"- siya at nilahad sa palad ko ang isang libo.

Nginitian ko naman siya.
"Thank you coz... Tara na jonathan"- sabi ko at hinila na siya.

"Ako nalang may dadrive"- sabi ko sa kanya.

Tumango nalang siya sa akin. At pumasok na kami sa loob ng kotse ni coz.

Pagkapasok ko. Napatampal nalang ako sa noo ko

"COZ!  YUNG SUSI! "- Sigaw ko. Lumabas sa bahay si coz at pinipigilang matawa.

"Oh!  Hahahaha... "- siya at inambot sa akin ang susi.

"Tsk. Ge Alis na kami"- paalam ko sa kanya at umalis na ng tuluyan.

Napadaan kami sa isang purok. At nakita ko si manong caloy

"Manong! "- sigaw ko. Napatingin siya sa amin at nagulat pa ng makilala ako.

"Mam Carla. Ikaw nga.. Kamusta na po? "- tanong niya sa akin ng makalapit siya.
"Hahaha ok naman po. "- sabi ko

"Buti po napadalaw kayo dito. Matagal na din kayong hindi nalabakasyon dito"- sabi niya sa akin

"Hahaha oo nga po. I think mga 8 years old pako non"- sabi ko sa kanya

"Oo nga po. Huling kita ko sa inyo batang bata pa po kayo.. Pero ngayon tignan niyo nga po oh.. Dalagang dalaga na maganda pa"- sabi niya sa akin. Nahiya naman ako

"Si manong talaga"- sabi ko. Napatingin ako sa mga strawberry na mukhang bagong pitas lang.

"Mukhang sariwang sariwa ah"- sabi ko.

"Ah.. Opo.. Gusto niyo pong bumili mam? "- tanong niya sa akin

"Segi po"- ako at bumaba ako sa kotse. Sumunod naman sa akin si jonathan.

Nag twinkle talaga mga mata ko ng makita ko ang nga strawberry

"Patikim po"- ako at kumuha ng isa at kinain yun

"Hmmm.. Ang sarap. Pabili po isang kilo"- sabi ko kah manong

"Bwena mano po ah"- sabi niya. Natawa naman ako

Pagkatapos naming bumili ng atraberry sinabihan niya ako na pumunta daw kami mamayang hapon sa covergym nila dahil may liga daw don ng bryg nila.

Pumayag naman ako.

Ngayon papunta na kami sa bayan.

Bumili lang kami ni jonathan ng maari naming lutuin para ngayong gabi at bukas ng umaga. Uuwi din kasi kami bukas.

Ngayon pabalik na kami sa rest house.

"Mukhang dito talaga kayo nagbabakasyon. Basi na din sa mga kilala kayo nang mga Tao dito? "- sabi ni Jonathan sa akin.

"Yup. Dito nga. Noon kada bakasyon kami pumupunta dito. Pero simula nang may mangyaring masama. Hindi na namin nagawang magbakasyon dahil hindi na pinapayagan si bes ng mga magulang niya"- sabi ko

Nakita kong nagtataka siya sa sinasabi ko.

"What happened to azura? "- tanong niya. Umiling naman ako

"She diagnose on heart disease "- sabi ko nakapagpatigil sa kanya.

"Heart disease? "- tanong niya.

"Yup. May cardiomyopathies siya. And unfortunately may tanin na ang buhay niya"- malungkot na sabi ko.

"A-lam ba to ni Kenneth? "- he ask.

Umiling naman ako

"Yan ang wag na wag mong gagawin. Ang sabihin kay kenneth ang tungkol sa kalagayan ni azura. Hindi alam ng mga Tao na nakapaligid sa kanya sa school na may pinagdadaanan siya. Tinago niya ang lahat. Kami lang nila kuya Ivan at nang family namin ang nakakalam tungkol sa sakit niya.  Ayaw niyang kinaawaan siya "- sabi ko.

"Promise me that na wala kang pagsasabihan tungkol dito? "- I ask him

"Promise"- siya at tinaas pa ang kamay niya na parang nanunumpa.

"Aasahan ko yan"- sabi ko sa kanya. Hindi nagtagal nakarating din kami sa reathouse at pinasok na namin ang mga pinamili namin.

-------------------------------------------------------------

2 Years, 5 Months, 17 Days LeftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon