chapter 14

442 16 0
                                    


Azura POV

Nandito kami ngayon sa cafeteria at katabi ko sa kanan si kuya Ivan at sa kaliwa ang pinakatahimik sa amin. Sino pa ba si Kenneth lang naman.

"Hahahaha... "- tawang tawa talaga si kuya Ivan

Ewan hindi ko naman alam ang tinatawanan niya. Kung may tinatawanan ba siya

"May nakakatawa ba ?"- tanong ko sa kanya

"Hahahaha.. Wala naman... Hahahaha "- sabi niya

"Nako bes hayaan mo na siya naguusap sila ni heart diyan "- sabi ni carla

"Oo nandito si heart sa tabi ko. Diba azura? "- sabi sa akin ni kuya ivan

"Eh"- ako at napangiwi sa sinabi niya

Boggggshh

Napatahimik naman kami pati nadin ang mga estudiyante na nandito sa cafeteria.

Napatingin kami Kay Kenneth dahil bigla niya nalang hinampas ang lamesa at padabog na lumabas sa caf.

"Anong nangyare don? '- tanong ko sa kanila

"Prrrfftt... Seriously bes. Hindi mo alam? '- tanong sa akin ni Carla. Napailing naman ako

"Hahahaha hindi ko alam ganon pala siya kaapektado'- sabi ni kuya ivan

"Something jelly "- sabi din ni Jonathan at nagtawanan silang tatlo

Ako naman parang may lumitaw na question mark sa ulo ko. Hindi ko sila maintindihan promise

-------------------------------------------------------------

Ivan POV

Napatawa naman ako. Hahahaha... Ang galing ko talaga.

Grabe pala magselos ang fiance ni azura hahahaha... Nakakatawa sila.

Napatingin naman ako Kay azura na hindi parin alam ang nangyayari sa paligid niya.

I wonder matalino nga to. Hindi naman matalino sa usapang pag-ibig.

Hindi pa kasi aminin ni Kenneth na may gusto na siya Kay azura. Kilala ko na siya.

Ang manhid naman kasi ni azura.

"Ano ba kasi yang pinagtatawanan niyo. Clueless na ako dito"- sabi ni azura at nag puot hahahaha... Pinisil ko naman ang pisngi niya

"Awww... Mashakit"- siya"hahahaha..... Ang cute mo kasi"- gigil na sabi ko sa kanya.

"Kung ako sayo bes sundan mo na yung isa na nag walkout lagot ka don pag nakauwi na kayo sa bahay niyo. Ikaw din"- sabi ni coz Kay azura.

"Ano naman ngayon. Bakit may gagawin ba siyang masama? "- matapang na sabi ni azura. Nagkibit balikat nalang si coz sa kanya at pinagpatuloy ang pagkain.

Tinignan naman kami ni azura nag Patay malisya nalang ako na hindi ko alam at kumain nalang din.

------------------------------------------------------------

Azura POV

Nang wala akong makuhang sagot mula sa tatlo napabuntong hininga nalang ako.

Sapilitan akong tumayo at naglakad palabas sa cafeteria. Hahanapin ko lang ang isang may dalaw na yun. San naman siya nagsusuot dito sa campus?

May pa walk out walkout pang nalalaman.

Napadaan ako sa field at naagaw nang pansin ko ang isang lalaki na mag isang nag fofootball.

Umupo ako sa bench at tinignan lang siya.

"Magaling pala siya mag football"- nasabi ko nalang sa sarili ko.

Nang matapos na siyang maglaro sa gitna ng field. Naisipan kong lumapit sa kanya. Napatingin siya sa akin ng tumigil ako sa harapan niya.

"What are you doing here? "- he ask. Hindi ko siya sinagot at tumabi sa tabi niya at umupo din.

"Hinahanap ka"- sagot ko sa kanya.

"Why? "- siya. Nginitian ko nalang siya.

"Magaling ka palang mag football akala ko basketball ka lang magaling? "- sabi ko sa kanya.

"Tsk. "- siya.

Napasimangot naman ako. Gandang sagot niya ah.

"You know what. Wag ka kayang magsungit daig mo pa ang menopausal na babae "- sabi ko sa kanya. Tinignan niya ako ng matalim. Nag peace sign naman ako sa kanya.

Bigla namang tumunog ang school bell. That's mean maguumpisa na ang klase.

Tumayo na ako at tinigna siya.
"Tara na. Baka malate pa tayo"- ako at nilahad ko sa kanya ang kamay ko.

Nagiwas siya ng tingin at tumayo. OK kinuha ko nalang ang kamay ko at nagpagpag.

Nagsimula na kaming maglakad pabalik sa room.

Habang pabalik kami hindi ko nakita ang isang babae at nagbanggaan kami. Natamaan ako sa dibdib kaya nakaramdam ako ng pangingirot doon.

Shit!

"Oh!my god.. I'm sorry Pres. "- hinging tawad niya sa akin.

"N-o i-ts OK. "- sabi ko sa kanya. Nagpaalam na siya na aalis na siya. Pinikit ko naman ang mata ko at huminga ng malalim.

"You OK? "- napamulat ako bigla ng magtanong sa akin si Kenneth. Tinanguan ko naman siya at ngumiti. Nagsimula na kaming maglakad ulit.

Pagkarating namin sa room nandon na ang teacher namin. Buti nalang hindi kami pinagalitan dahil na late kami sa klase niya.

Pagkaupo ko sa upuan ko. Sumandal ako bigla. Dahil ramdam kong kailangan ng likod ko ng sandalan.

Nag vibrate naman ang phone ko kaya tinignan ko Ito

"You OK?  Masakit na naman ba ang dibdib mo. Namumutla ka kasi"-

Napatingin ako Kay kuya Ivan dahil sa text niya. Nginitian ko nalang siya and I mouthed him na I'm OK.

Tumango nalang siya.

Namumutla na pala ako Hindi ko man lang nahalata.

Umubob nalang ako sa desk ko. I think matutulog nalang ako muna. Seguro hindi naman ako makikita ng teacher namin. Nasa likuran naman ang upuan ko

------------------------------------------------------------

Kenneth POV

Napatingin ako Kay azura na nakaubob ngayon sa desk niya. May masakit ba sa kanya kasi namumutla siya kanina habang papunta kami sa room.

Hindi din nagtagal natapos na ang klase that's means uwian na. Nakalabas na lahat ng kaklase namin pero hindi parin nagigising si azura.

"Buhatin mo nalang siya Kenneth. Wag mo nang gisingin"- biglang sabi sa akin ni Ivan.

"Mauna na kami. Alagaan mo yan Kenneth"- sabi ni Carla at umalis na silang tatlo ni Jonathan.

Napabuntong hininga nalang ako at sinimulan nang buhatin si azura. Sinukbit ko muna ang bag niya sa likuran ko ganon din ang bag ko. At binuhat na siya ng pa bridal style.

Ang gaan naman ng babaeng to. Hindi ba siya kumakain?

Nagsimula na akong mag lakad palabas. Nakita ko naman na napapatingin sa amin ang ibang mga estudiyante na natira dito sa campus.

Hindi ko nalang sila pinansin at pumunta na sa parking lot at sinakay siya sa kotse. Nilagyan ko din siya ng seat belt. At pumasok na din ako sa driver seat at nag drive na pauwi.

-------------------------------------------------------------

2 Years, 5 Months, 17 Days LeftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon