chapter 25

436 16 0
                                    


Azura POV

Nakangiti akong nakatingin nila kuya ivan at kenneth na kanina pa nagbabangayan kong anong kakainin namin. Nandito kami ngayon sa mang inasal.

Dito nalang kami kumain para masarap at pinoy na pinoy ang lasa.

"Ang mabuti pa si bes nalang ang pumili,  nakakaabala na kayo sa mga nakapila oh!  Humahaba na"- pagsingit ni carla sa kanilang dalawa
Natahimik naman sila at napatingin sa akin.

Napabuntong hininga nalang ako at tinignan ang mga klase ng pagkain sa taas. Ng makapili na ako sinabi ko na sa cashier,  sabi niya dadalhin lang nila sa amin ang order namin.

Naghanap na kami ng mauupuan, buti nalang may bakante pa sa gilid.

Katabi ko ngayon si kenneth, while sila carla nasa harapan namin.

"Ang tagal naman"- reklamo ni kuya ivan

Pagkasabi ni kuya ivan non. Dumating din ang order namin. Napailing nalang ako ng bigla nalang nilantakan ni kuya ivan at carla ang pagkain nila. Gutom gutom sila ah

"Hindi ba kayo kumain sa bahay niyo? "- tanong sa kanila ni kenneth

"Hindi e"- sabay na sabi ng dalawa

Kaya naman pala. Tsk

Kumain nalang din ako. Nagulat nalang ako ng biglang kunin ni kenneth ang manok ko at pinahimay niya ito.

"Ako na"- sabi ko sa kanya

"No ako na gagawa para di ka mahirapan"- sabi niya

😣 naramdaman kong namula ako. Napayuko nalang ako

"Say cheese "- napatingin kami kay carla ng sabihin niya at letche Kinunan niya naman kami ng litrato.

"Ang cute niyo dito"- sabi niya at pinakita sa amin ang litrato. Yeah!  Parang ang dating namin mag asawang mag asawa o-- what did I say? Hindi ko na sila pinansin at kumain nalang. Pagkatapos naming kumaing apat dumeretso na kami sa school. Madami pa kaming aasikasuhin doon.

Hindi naman nagtagal nakarating na kami. Nagpaalam ako sa kanila na dederetso ako sa SCO

"Hatid na kita"- sabi ni kenneth

"Yun oh!  Duty of fiancé "- sabi ni kuya ivan

"Tsk"- sabi ni kenneth. Napangiti nalang ako at umalis na kami. Habang dumadaan kami sa corridor napapatingin sa amin ang ibang mga students.

Nagulat nalang ako ng hawakan ni kenneth ang kamay ko. Pinilit kong ilayo ang kamy niya sa akin pero hinigpitan niya pa
"Don't"- sabi niya

"Kenneth nakakahiya baka ma issue tayo "- bulong na sabi ko sa kanya

"I don't care "- bored na sabi niya at hinila na ako. Yumuko nalang ako habang naglalakad kami. Hindi naman nagtagal nakarating din kami sa SCO pagpasok namin nakita ko abg ibang officer na nandito din

"Pres. Oh may kasama ka po pala"- sabi ni grace sa akin

Ngumiti nalang ako ng pilit sa kanya

"Ituloy niyo nalang ang ginagawa niyo. Wag niyo nalang kaming pansinin"- sabi ko sa kanila. Nakita ko naman na tumango sila. Dinala ko naman si kenneth sa kwarto dito sa SCO.

"So may isa pa palang kwarto dito? "- tanong niya pagkapasok namin.

"Yeah "- ako.

Nakita kong pumunta siya sa glass window at napatingin sa baba kung saan ang field.

"Nice view"- siya" thanks"- sabi ko sa kanya

"Btw ilang years kanang SC president? "- biglang tanong niya. Napaisip naman ako

"Hmm maybe 3 years na"- sabi ko

Napatingin siya sa mga picture frame dito kung saan nandon ang mga litrato ng mga nagdaang mga SC officers noon

"Siya ba ang dating president? "- tanong niya sa akin at tinuro si kuya Daniel. Tumango naman ako

"He's Daniel George Mayton"- sabi ko

"Nasan na siya? "- tanong pa niya

"Graduate "- maikli kong sabi at umupo sa sofa. He nod at binalik na ang litrato

Tumabi siya sa akin at naramdaman ko naman na inakbayan niya ako.

"You want to sleep? "- he ask. I nod. Naramdaman ko naman na nilagay niya ang ulo ko sa balikat niya. Napangiti naman ako ng komportable na ako sa pagtulog

"Sleep well"- dinig kong sabi niya bago ako makatulog nh tuluyan

-------------------------------------------------------------

Carla POV

Naglalakad ako ngayon dito sa corridor papunta sa room namin dahil kukunin ko doon ang ilang gamit para sa booth namin. Iniwan naman ako ni kuya ivan kanina pagkarating namin dito sa school pati yung dalawa iniwan din ako.

At kung tinatanong niyo si jonathan?  Aba Malay ko sa taong yun. Di ko pa siya nakikita mula kanina ng dumating ako dito sa school.

Liliko na sana ako ng may biglang bumangga sa akin.

"Shit"

"Aww"

Napaatras ako dahil sa pagkakabangga niya.

"Carla? "- tinignan ko ang taong yun. O.O omo!  Si b-en

"Ben"- sabi ko. Ramdam ko na naman na bumilis ang tibok ng puso ko.

"Bakit kapag nagkikita tayo palagi nalang may nangyayari sayong masama,  ngayon muntik ka nang matumba dahil sa pagkakabangga ko sayo"- sabi niya.

"A-no kaba?  Ok ngayon"- sabi ko sa kanya

"Oo nga. Destiny na yata natin yun"- sabi niya. Yup!  Destiny talaga tayo.. Hehehe

"San ka pala pupunta? "- tanong niya

"Hmm.. Sa room. May kukunin lang ako,  babalik din ako sa field"- sabi ko sa kanya

"Tara  samahan na kita"- presenta niya.

"You sure baka nakakaabala na ako sayo? "- tanong ko. Nakakahiya kasi
"No!  Wala naman akong gagawin kakatapos lang din naming mag practice sa football"- sabi niya.

Wala na akong nagawa at pinasama na siya. Pipilitin niya pa din ako kahit hindi na ang sabihin ko sa kanya.

Pagkarating namin sa room. Hindi ko inaasahan ang madadatnan ko. Si jonathan seryosong nakatayo malapit sa pinto at nakatingin sa amin.

"Where have you been yesterday?"- he ask seriously

"Wala ka na don" - sabi ko at pinuntahan na ang mga box na kailangan kong dalhin tinulungan naman ako ni Ben

"Carla"- napatigil ako ng hawakan ni jonathan ang braso ko at pinaharap aa kanya.

Kita kong nasasaktan siya basi na din sa mga Sinasabi ng mga mata niya.

"Ano ba!  Bitawan mo nga ako jonathan. Kailangan na to sa field"- sabi ko sa kanya at pilit inaalis ang pagkakahawak niya.

"Bro bitawan mo na siya,  nasasaktan na si carla "- pagsingit ni Ben sabay hawak sa balikat ni jonathan

Nagulat naman ako ng iwaksi ni jonathan ang kamay ni ben

"ANO BA!  Wag kang makialam,  sino ba to? "- tanong ni jonathan sa akin at tinuro pa si ben

" siya ba ang dahilan kaya hindi mo na ako pinapansin? "- tanong pa niya

Nainis naman ako. Bakit dinadamay niya pa si ben ?

"Br-"" wag mo akong matawag tawag na bro di kita kilala! "- sigaw ni jonathan kay ben

"Jonathan stop it!  Kung naiinis ka dahil hindi kita pinapansin hindi kasalanan ni ben yun!  Ask your self kung bakit ako ganito sayo!  ...Tara na ben "- sabi ko at hinila na si ben palabas sa room.

-------------------------------------------------------------

2 Years, 5 Months, 17 Days LeftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon