Changkyun's POV"Langit na ba 'to?" Tanong ko sa kawalan nang magising ako. Puro puti kasi ang nakikita.
Napalingon ako sa mga naghahagikhikan sa gilid ko. Wala pa pala ako sa langit. May mga demonyo eh. Base sa naaamoy ko, nasa hospital ako. Anong nangyari?
"Anong ginagawa ko dito?" tanong ko ulit.
"Tol, ano ba sa tingin mo ginagawa mo dyan? Sumasayaw? Malamang nakahiga diba?" Sagot ni Jooheon.
"Sino kayo?" 'Yun lang ang tinanong ko na naging dahilan ng pagpapanic nila. hehehe! Gusto ko silang asarin
"Maknae! Totoo nga talagang nawalan ka ng ala-ala!" Halos hindi magkanda-ugagang lumapit sa'kin si Wonho.
"Parang may mali! Sabi ng doctor yung mga short term memories lang ang nakalimutan nya diba?!" Singit ni Kihyun. Eh? May amnesia ako?!
Hindi nga?!
"Ano bang nangyari?" tanong ko sa kanila. I am totally clueless with what's happening.
"Ah kasi.. para sa kaalaman mo, naaksidente lang naman yung sinasakyan mong taxi habang papunta ka sa practice natin. Tapos ayun, ang findings ng doctor eh meron kang amnesia kaso.. yung short term memories lang naman daw ang nawala." Pagpapaliwanag ni hyungwon.
"So how come at nakalimutan mo kami?" Tanong ni Minhyuk.
"Hehe joke lang mga hyung! Naaalala ko kayo. Pero.. may amnesia talaga ako?" Tanong ko ulit. Parang okay lang naman. Parang wala naman akong kakaibang nararamdaman.
"Hala oo nga! Kulit naman!" Sagot ni Wonho.
"Eh ba't galit?"
Okay may amnesia na nga. Sabi ko nga eh.
Kihyun's POV
"Short term memories lang ang nawala. Wag kayong masyadong OA."
Pag ch-cheer ko sa mga nilalang na 'to na kasalukuyang nandito sa labas ng hospital, sa may garden. Nag-eemote akala mo naman namatayan eh. Ang o-OA eh. Pasalamat nga sila naalala pa kami ng maknae eh.
"Wag kang highblood, Ki. Hayaan mo sila. Di naman maiiwasan 'yan eh." sabat ni shownu saka lumapit sa'kin saka ako inakbayan.
Enebeeeeee "Leche! Landi mo!" Singhal ko saka lumayo sa tabi nya at lumipat ng ibang pwesto.
"Mga tol! Naiisip nyo ba ang naiisip ko?" Tanong bigla ni Jooheon.
"Syempre hindi hehehehe meron ka ba nun?" Sagot ni Minhyuk. Tinignan ng masama ni Joo si Minhyuk.
"Gago wala kang kwenta! Lumayas ka sa harap ko!"
"Sensya na ah!" Sagot ni Minhyuk habang humahalakhak. Tangina nag aaway na naman ang aso at tutubi.
"So ayun nga, eh diba wala pang girlpren si maknae natin." Sabi nya. Samantalang ako, andito nakatunganga lang at nakapangalumbaba dito. Ano na namang kabalbalang naiisip nitong bubuyog na 'to?!
"Pansin nga namin, pihikan kasi sa babae yun eh." Sabat ni Wonho.
"Di naman kasi sa malandi gaya mo!" Sabat ni Minhyuk.
"La? Kausap ka? Epal oh! Epal! Hanggang dito lang usapan, hindi kasali aso dito." Parang batang sambit ni Wonho. Kawawang Minhyuk, laging nabubully.
"So ano nga naiisip mo, Joo? Pag hindi kami natuwa dyan, ihahagis ka namin sa puno ng mangga!" -Hyungwon
"Ganito nga, para tuluyan na nga syang makahanap ng ka porn-eber nya-- este poreber nya, eh sabihin natin may girlpren sya. Bago sya mawalan ng ala-ala." -Joo
"Tapos?" -Wonho
"Bahala na syang humanap sa babae na 'yun."-Joo
"Nako, Jooheon! Tantanan mo kami." Saway ko sa kanya. Imbang to, kung ano ano naiisip.
"Gago ka! Pahihirapan mo pa yung maknae!" -Hyungwon
"Eh kesa naman sa pikutin sya ni Ella. Para kasing may masamang binabalak yung babaeng yun eh." -joo
Si Ella, yung pinsan ni Jooheon na patay na patay kay Changkyun. At halos lahat ng kaobssesan na bagay nagawa na nya.
Eh ayaw nga ng maknae dun, kasi ayaw nya mag girlpren. Minsan nga sinasabihan namin si Chang na kunwari may girlpren sya para layuan na sya ni Ella, ayun ayaw pa rin kasi ayaw nya talaga nung love love thingy na yun.
Kaya siguro pwede na rin yung naisip ni Joo kahit mukhang.. uhh.. hindi ako payag.
Maya maya, umakyat na kami para silipin kung nagising na si Chang. Namili na rin kami ng pagkain.
"Natulog lang ako saglit, nawala na kayo. Saan kayo galing?" Bungad nya agad sa'min.
"Namiss mo ba agad kami?" Tanong ni Minhyuk. Napangiwi na lang si Chang.
"Ah.. maknae, may sasabihin kami sa'yo." -wonho
"Ano yun?"
"Aalis na pala yung girlfriend mo papuntang france. Bago ka mawalan ng ala-ala, medyo may hindi kayo pagkaka intindihan. -joo
Gago ang dami daming lugar ba't sa france pa?! Edi sa france ng maknae hahanapin yung babae?! Abnormal amputek!
"Ngi! May girlfriend ako?" Di makapaniwalang tanong nya.
"Kakasabi lang namin diba?" -hyungwon
"B-bakit sya umalis? Sigurado kayo? May girlfriend ako?" Tanong nya ulit.
Ganyan ba epekto ng may amnesia? Tatanga tanga na? kakasabi lang lahat kanina eh.
"A-ano bang pangalan nya?"
Ayun patay! Di nila napag usapan yung tungkol dun. Hay tanga.Saglit silang natahimik.
"Madeleine?" biglang nagsalita si Minhyuk na nasa likod namin, nakaupo sa sofa at may binabasang magazine.
"Madeleine.." sambit ni Changkyun.
"Kailan alis nya?" -Changkyun
"Ah.. ngayon na hehehehe!" 'Yon lang ang pinakinggan nya kay Minhyuk at agad syang lumabas ng hospital. Hala puta di pa sya nadidischarge!
Sinundan namin sya sa palabas. Nakita namin syang pumara ng taxi at nakabihis na agad?! Ang bilis ah! Letse di namin ini-expect na ura-urada sya agad.
Pumara din kami ng taxi at sinundan sya. Sa airport ata 'to pupunta. Panigurado. Gago talagaaaaa, paano kung walang Madeleine dun? Tangina naman kasi ng mga 'to eh! Utak mani!
"Mga gago! Tarantado! Inutil! Mangmang! Kapag may mangyaring masama sa maknae dahil dyan sa trip nyo, sasampigain ko kayo isa isa!" Panenermon ko sa gitna ng byahe.
"Si Minhyuk kasi eh!"
"Wag kayong magturuan! Pare-pareho lang kayong mga pulboron ang utak!" Sigaw ko sa kanila.
Nanahimik na lang kami at wala nang umimik ni isa. Naiimbyerna ako sa mga 'to.