Chapter two

4 0 0
                                    

Madeleine's POV

"Ate ano?! Wala kang planong tulungan ako dito? Saya saya naman ng buhay mo!" Inis na singhal ko habang papasok kami ng airport. Dire-diretso lang syang naglakad at di ako pinansin.

Aalis kami papuntang france para sa burol ng lolo namin. Ilang weeks lang din naman kami dun.

At ang punyeta kong ate ay ayun nauunang maglakad sa'kin samantalang ako dito dala dala ang gamit naming dalawa! Tangina pakasaya diba? Kagigil eh!

Naghintay muna kami saglit. Buti na lang dahil napapagod na ko. Lumapit ako sa pwesto nya at naabutan ko syang nilalantakan ang chichirya.

Tinignan ko sya ng masama.

"Huehue. Gusto mo?" Alok nya. Kinuha ko ito pero.. Zjjwjdjdbdjxnej

"NAMIGAY KA PA TANGINAKA!" Hindi ko talaga kapatid 'to.

Maya maya pa ay inasikaso na ni ate ang mga kaek-ekan dito sa airport at sa wakas makalalayas na kami.

"Ate sana dinadala mo gamit mo dito! Tanginamo pasarap buhay ka?!"

Sa sobrang inis ko, binitawan ko ng mga dala ko at binato ko sa kanya yung cap ko. Sapul! Gigil ako eh.

Binitbit ko ulit ang mga gamit saka naglakad.

Tinignan nya ko ng masama at sa isang iglap namalayan ko na lang na may lumilipad ng pillow neck sapul sa mata ko!

At ayun sya humahalakhak. Tangina no?

"Bilisan mo na dyan! Maiiwan na tayo oh!"

Nagmadali na lang akong naglakad. Hinayaan ko na lang na maluha luha ang mata ko. Hindi ko makusot eh.

"Madeleine!" Hindi pa man ako nakakapasok may nang may tumawag sa 'kin.

Nilingon ko kung sino yun. Eh? Lalaki? Palinga linga sya na parang may hinahanap. Hanggang sa nagtama ang tingin naming dalawa.

Kaso putangina may panirang humila sa buhok ko. At ang monggoloyd ko lang naman na ate.

Pero sino yun? Kilala nya ko? Iba talaga pag magaganda! Madaming nakakakilala.

•••

Habang nasa gitna kami ng byahe ay tahimik lang si ate na nakatingin sa bintana.

"Sino yun?" Bigla nyang tanong.

"Ewan ko." Sagot ko.

"Eh bakit ka kilala?"

"Ganun talaga pag magaganda! Madaming nakakakilala! At yun ang wala ka." Inirapan lang nya 'ko.

Minsan monggoloyd. Minsan istrikto. Lalo na pag dating sa lalaki. Sobrang sungit. Palibhasa sawi! Pangit kasi. Hahahaha jok onle.

Pero paano kaya ako nun nakilala?
Bakit nya 'ko hinahanap?

Sa sobrang pag iisip ko, kahit feeling ko wala ako nun. Nakatulog ako.

CHANGKYUN's POV

Palabas na ako ng airport nang makita ko ang mga hyung ko na papalapit sa'kin.

"Maknae! Ano kamusta?" -hyungwon

"Nakaalis na sya, umiiyak." Walang gana kong sabi.

Kitang kita sa kanila ang gulat at pagtataka. Eh?

"Hayaan mo na muna, maknae. Okay lang 'yan. I-kape mo na lang. May alam akong malapit na coffee shop dito tara!" -wonho

"Salamat hyung! Alam mo talaga magpapakalma sa'kin!"

"Wala yun! Libre mo naman eh!" Tang-- sabi ko na ba eh!

"Joke lang!"

KIHYUN's POV

Nasa likod lang kami nakasunod kay maknae at kay wonho. Halos lahat kami dito tulala. Lalo na si Joo na pasimuno ng lahat.

"Damn!"

"Shit!"

"Paano?"

"Aish!"

Tamo! Parang tanga. Kanina nya pa 'yan paulit ulit sinasabi. Nakakagulat naman kasi. Yung mga sinabi ni maknae. So ibig sabihin.. May nag eexist talagang Madeleine? Ang galing!

On the second thought, magandang sign yun na atleast umaayon ang panahon sa plano. Para hindi mahirapan si maknae.

Kinabahan ako sa kung ano man ang mangyayari sa mga susunod pa. Gusto ko man pigilan, wala akong magagawa nangayari na eh.

Pumasok na kami sa coffee shop na sinasabi ni Wonho.

Humanap agad kami ng pwesto at si Shownu naman ang nag prisintang umorder ng kape namin.

"Kukungiieeeee~" ay puta! Tragis ba't andito si Ella?

Lumapit sya kay Changkyun at yumakap sa braso nito na parang koala.

"Namiss kita kukungie-yaaah~" anito.

"Ella anong ginagawa mo dito?!" -Joo

"Naradar ko kasi si Changkyun na nandito sya! Y'know! Duhh." Sagot nya. Baliw amputsa.

"Ang chaka mo duhh!" -Minhyuk

"Bakit ba?!" sagot nya kay Minhyuk.

"Kukungie namiss kitaaa!" Nilagay nya ang kamay nya sa batok ni maknae at akmang hahalikan ito. Nagulat na lang sya ng tinulak sya ni maknae.

"Ella, please! Lumayo ka na." -Changkyun

"B-bakit? M-may problema ba tayo?"

"May girlfriend ako." Diretsong sagot ni maknae.

"And who's that bitch?!" Umalingawngaw ang boses nya sa coffee at pinagtitinginan na kami ng mga tao. Papansin.

"CHANGKYUN HINDI AKO MAKAPAPAYAG NG GANITO!" Pilit na syang nilalayo nila Hyungwon at Minhyuk pero nagpupumiglas lang sya.

"Ella, wag kang mag eskandalo dito! Get the hell out of here!" -Joo

"Whoever is that whore, I will never let her happy! I swear!" Aniya at umalis na ng coffee shop.

Sakto namang dumating na si Shownu dala ang mga order namin. Buti naman at naiistress na ako sa mga nangyayari.

"Landi talaga ng impaktang yun! Sarap buhusan ng kape yung pagmumukha nyang mukhang lamang lupa!" -Minhyuk.


MADELEINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon