Chapter three

11 0 0
                                    

Madeleine's POV

"Bonjour! Maligayang pagbabalik Ms. Madisson. Kamusta ang biyahe nyo?" Bati ng maid nila mommy kay ate pagpasok namin sa bahay.

"Lumayas ka sa harap ko!" Singhal ni ate kaya napayuko na lang si tita jing. Tangina bastos.

"Hayaan mo na, tita. Mainit lang ulo nyan sa biyahe." pagpapagaan ko ng loob kay tita. Monggoloid talaga yun!

Pag akyat ko sa taas, narinig ko ang boses ni ate na sinisigawan ang mga pinsan naming bata.

Pati bata pinapatulan. Hay nako.

Nagpalit ako ng damit saka bumaba at dumiretso sa dining area lung nasaan sila mommy at mga tita ko nag uusap usap.

Nasa baba na rin si ate at nakatingin sa'kin ng  blanko ang ekspresyon.

"Sweety Madeleine dear! Good thing you're already here! Ikaw na lang tatanungin ko tungkol sa biyahe nyo. Ayaw sumagot ng ate mo eh." Pati ba naman si mommy! Dyusko. Nakangiwi lang si ate habang nakatingin sa'kin.

Napatingin ako sa katabing upuan ni ate at nakita ko si Su. Uhh, he's a family friend and he's my crush. Enebe!

"Hi Mads! Have a sit here!" Tinuro nya ang bakanteng upuan sa gilid nya na pinapagitnaan nila ni ate. Omooo! Katabi ko pa sya hakhak. Baka di ako makakain ng maayos neto. Iba kainin ko! Grr.. stop it  HAHAHAH.

So dahil I'm so masunurin, dun na ko uupo. Pero di pa man ako nakaka upo ay kinuha na ni ate ang bakanteng upuan at nilagay sa kaliwa nya saka umusod. Tinignan nya ng may pagbabanta si Su. Overprotective psh

Ngumiti na lang ako ng awkward at pasimpleng hinampas si ate sa braso.

Nag chikahan muna sila ng napakatagal pagtapos ay nag si uwi na rin sila. Babalik na lang daw sila mamaya sa lugar kung saan nakaburol si lolo.

Sya nga pala, aalis kami ni ate ngayon. Shopping. Dapat ako lang eh! Kaso di pumayag si mama na ako lang mag isa.

"Lumayo ka nga kay Su! Kahit family friend sya, di ka dapat naglala-lapit dun! Nakakadiri itsura mo pag katabi mo sya eh!" Sambit ni ate habang naghihintay kami ng taxi.

Nasa gitna kami ng paghihintay when suddenly a gorgeous car stopped in front of us.

Kinatok ni ate ang bintana ng kotse at bumukas ito. Say what?! J.han? What is he doing here?

"Excuse me? Hindi kami car wash girl so can please move your car away from us? Naghihintay kami ng taxi." Mataray na sambit ni ate.

He just chuckled.

"And why are these pretty girls standing here? Hindi bagay sa inyo ang pinaghihintay dito." He answered.

"And so?"

"Hop in! Ako na maghahatid sa inyo. Saan ba punta nyo?" He asked.

"Di na kailangan!" We said in chorus.

"Magkapatid nga talaga kayo!"

"Alam mo, j.han? Kung ginagawa mo lang 'to para pormahan ang kapatid ko, itigil mo na. Nakakarindi na kayo ah!" Sambit ni ate habang nasa gitna kami ng biyahe.

No choice, sumakay din kami.

"Oh talaga? Eh bakit ka sumakay dito?" Tanong ko kay ate. Wala namang problema sa'kin kung sumakay kami o hindi. Ako nga naa-awkward eh.

Matagal na kasi pumuporma si j.han sa'kin. Well, ayoko sa kanya pero dikit pa rin sya ng dikit.

Tsaka loyal ako kay Su!

"A gorgeous lady shouldn't wait for a long time. I don't want to waste even just a second." Sambit nya

"Mataray ka lang pero engot ka minsan." Sagot ko.

"Nakaka inip maghintay. Okay? So shut the fuck up." A monggoloyd indeed.

Seryosong nag d-drive si J.han habang umiiling iling. Maski sya suko sa kaabnormalan ng ate ko.

Pagdating namin sa tapat ng mall ay inihulog na nya kami sa sasakyan nya-- joke lang! Bumaba na kami.

Magpapasalamat pa sana ako kaso hinila na ako ni ate papasok sa loob. Walang pagpapakatao. Hay nako. How could this girl be so rude?

Hindi na rin naman na bago sa'min dito. Ilang beses na kami nagpabalik balik dito sa france. Kaya sanay na kami sa mga tao dito.

As usual, namili kami ng madadala sa pinas pag umuwi na kami. At as usual, ako ang nagbibitbit ng gamit na pinamili namin.

Punyetang punyeta na ako sa babaeng to! Bukod sa ang boring kasama, napakatamad at salbahe pa!

Matapos namin magmall, pumunta kami sa pinakamalapit na restaurant dito. Hindi ito masyadong sikat actually medyo tago nga ang kinalalagyan nito eh.

Ganunpaman, madaming dumadayo dito dahil sa hindi maitatangging napakasarap na lasa ng pasta nila.

At syempre dahil paborito namin ni ate yun. 'Yun lang bagay na nagkakasundo kami.

Hanggang sa pagkain wala kaming kibuan. Napakaboring na tao. So ang ginawa ko, bago ako kumain, ni-contact ko ang mga friends ko sa pinas.

Pero pinigilan nya 'ko.

"Kumakain ka." I just frowned and put my phone down.

Kumain na lang ako.

Nakauwi din kami sa wakas. Nakakapagod manahimik. I really enjoyed the silence between us. NAPAKASAYA NYA TALAGA KASAMA! insert sarcasm here!

CHANGKYUN's POV

"Bro! What's up!" Bati nila pagpasok sa bahay.

"Nagpabook na ako ng flight papuntang france." Sambit ko.

"ANO?! SERYOSO KA?!" Gulat na tanong ni Kihyun hyung.

"Tanginaaa." Dagdag din ni Jooheon hyung

"Bakit anong problema?" Para silang napasinghap sa realidad at nagbago ang ihip ng hangin.

"Hehe sama kami syempre." -Joo

"Kami din dude! I'm excited to meet new girls with their sophisticated fashion." Dagdag pa ni wonho.

"Kitam! Ang landi talaga eh!" -minhyuk

"Ang aga aga namang LQ!"-Kihyun

"Selos naman agad minmoongie ko!" -wonho

I really wanna see her. Kahit di ko sya maalala. Kahit di ko maalala ang lahat ng tungkol sa kanya.

Simula nung makita ko syang umiiyak, di na ako pinatahimik ng konsenya ko. Siguro masyado syang nasasaktan nung araw na 'yon.

Kaya kahit anong mangyari, babawi ako.



MADELEINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon