CHAPTER 5

18 1 0
                                    

Kinagabihan nga ay nag tungo kami ng mga kaibigan ko sa Live Wire, iyong sinabi saakin ni Lane na Resto Bar na pagdadausan ng gig nila.

First time namin dito and I could say na maganda siya. Lively yung ambience at ang cool lang talaga.

Dinala kami ng isang waitress sa table malapit sa stage na may nakasaad na "reserved". Buti nalang at nireserve na kami ni Lane ng table dahil punuan talaga. As in sobrang daming tao, mostly girls. Buti nalang at malaki yung place.

"Four Blue Margaritas please" tawag ni Dione sa isang waitress.

"We should totally hang out here more often girls!Andaming gwapo my gosh" Ani Yessa habang pinapaypayan ang sarili

Nagpalinga linga ako ng tingin, and true enough andami ngang gwapo tsaka maraming foreigners. May na ispatan pa akong nakatingin saamin. Goodness! Ampogi!

"Franz! Diba yun yung crush mo noong highscool tayo" Ani Lorraine habang nginunguso ang isang lalaking nakatayo sa sulok at nakikipag usap sa isang girl,Rather nakikipag landian.

I examined him closely. I gasped ng makilala kung sino ito. It was Jacob De Vera. Ang tanging lalaki na pinagnasahan ko noong highschool. May banda rin si Jacob dati kasama ang mga hot friends niya and his equally hot brother Rom De Vera, pero nadisband ang Flame sa hindi malamang dahilan at bigla nalang umalis si Jake dito. Doon ang gig nila lagi sa Heat Lounge na pag mamay-ari ni Akio, isa sa band members. Madalas kami tumambay doon nung buhay pa ang Flame, siyempre para paglawayan si Jake na hindi man lang ako binigyan ng interes,Sabi sainyo mahilig ako sa mga guys na kumakanta. I can't believe that he's back.

"Girl, lapitan mo na dali" pag-uudyok saakin ni Yessa

"Naku, wag na. Halata naman na busy eh" pagdadahilan ko habang umiinom sa Margarita na kadarating lang. But still, I got my eyes on him

"Ano ba naman yan! Don't let the opportunity pass" Ani Lorraine

"Magsitigil nga kayo huy" pagsasaway sakanila ni Dione "Kitang nandito si Fran para kay Lane, tapos ipagtutulakan niyo naman sa iba"

Tumigil naman sila matapos sawayin ni Dione. Pero sayang nga, mas gu-mwapo kasi si Jake ngayon as in. I've always wondered kung bakit hindi niya ako pinapansin noon. Pag tingin ko ulit sa sulok kung saan naroon si Jake ay may isa pang girl na lumapit, and my gosh I think she's fuming mad. Must be the girlfriend? Tapos nahuling may kalandian na ibang babae kaya nag iiskandalo. Well hindi naman talaga nag-iiskandalo. Umiiyak lang naman

I just shrugged the thought off dahil napansin ko ang pagdating ng banda sa stage. Agad kong na ispatan si Lane na ubod ng gwapo. Kahit simpleng V-neck shirt ay talagang nabibigyan niya ng hustisya! He's so mouth-watering. Nahagip ako ng mata niya kaya ngumiti siya saakin at kumindat. I just melted!

"Live Wire! Are you ready to party?" Nabigla ako sa pagsigaw ni Lane. Kasabay nito ang biglang pag off ng mga ilaw at paghiyawan ng mga tao. Biglang nagbukas ang mga neon and strobe lights.

Nagsimulang tumugtog ang babaeng nasa keyboard.

I could've wrote down
Every thought i've been thinking to myself all this past year.
I would've said in doubt
Oh, I wanna make myself clear.

Paninula ni Lane. Ineexpect ko ay isang malamig na boses tulad nang aking nakasanayan sa mga kumakanta sa banda, ngunit yung sakanya ay ibang level! Pang international. Bagay na bagay sa itsura niya ang lively and upbeat niyang boses. Sobrang cool ni Lane, sinabayan pa ng ngiti niya

And baby - clearly
I need some balance in my ears right now
'Cause I've been freaking myself out
And I've been waking this whole town.

How To Lose A GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon