"Francine!!!" Tili ng pinsan kong galing probinsya sabay yakap saakin ng mahigpit.
Nahulog ang mga gamit niya dahil sa pagyakap pero hindi niya ininda iyon.
"Mia!kamusta na?kelan ka pa dumating?" Excited kong tanong sakanya.
Si Mia ang pinaka close kong pinsan. Taga probinsya siya, sa Bicol.
"Kakarating ko lang actually. Gusto kita I surprise kaya dito agad ako dumiretso" hinalikan niya ako sa pisngi at pinisil pa ng yakap. "My gosh Francine sobrang na miss kita! Lalo ka pang gumanda ngayon"
"Nako ikaw talaga! Tara pasok ka muna" tinulungan ko siya sa mga dala niyang pasalubong daw saakin at pina upo sa sofa.
"Ang dami kong dalang pasalubong para sa'yo Fran! Paborito mo yan diba?" Aniya habang excited na binubuksan ang mga dala niya at pinapa kita saakin.
"By the way Mia, may lakad ako ngayon. Sama ka sa'kin! May ipapakilala din ako"
Humilig siya pa lapit saakin at umaliwalas ang mukha.
" love life mo ba yan?" Interesado niyang tanong habang tinataas taas pa ang dalawang kilay.
"Kaibigan ko lang, si Lane Jimenez"
"Lane? Girl pala, akala ko pa naman boylet!bumusangot siya dahil akala niya babae si Lane.
"Baliw!lalaki 'yon noh and super hot!" Pagka sabi ko nun ay bumalik ang aliwalas ng kanyang mukha.
Ilang sandali lang ay nag ring ang doorbell. Sabay kaming nagka tinginan ni Mia sa isa't isa at nag unahan na bumukas ng pintuan.Tumambad saakin ang naka ngiting mukha ni Lane. Ang gwapo niya talaga. Si Mia naman hindi nagpatalo, talagang sumiksik pa saakin para makita kung sino ang nasa labas. nagulat si Lane kaya pina kilala ko sila sa isa't isa. Literal na nalaglag ang panga ni Mia ng makita niya si Lane.
"Nice to meet you Mia" ani Lane pero hindi parin bumibitaw sa pagkaka shake hands si Mia dahil tulala parin siya kay Lane.
"Ehem!" I fake-coughed. napa bitiw naman si Mia at mukhang dinalaw ng hiya.
"Lane okay lang ba kung isama natin si Mia? Kakarating niya lang kasi galing Bicol at gusto ko sana siya ipasyal." Pumayag naman si Lane kaya nag hintay pa siya ng 15mins para makapag-ayos si Mia ng dadalhin. Pakatapos nun ay dumiretso na kami sa sasakyan ni Lane.
Siguro kung kami lang ni Lane ang magkasama ay sa frontseat na ako dumiretso pero siyempre kasama ko si Mia kaya pareho kaming dalawa doon sa backseat. Gusto sana ni Mia na sariling sasakyan nalang niya ang dalhin para daw may alone time kami ni Lane pero being the gentleman that he is, hindi pumayag si Lane. Kaya ngayon mukha tuloy siyang driver namin.
"You can ride shot-gun Francine, I'll be fine here" Utas ni Mia kaya agad ko naman siyang siniko.
Ayoko nga, parang ang awkward kasi.
"Hindi na, okay lang para may kausap ka naman dito sa likod"
"Pero pwede nam..." Hindi na niya na tapos ang sasabihin dahil Pinang dilatan ko siya. Kaya ayun at natigil na rin sa wakas.
"Saan nga pala 'yong resort na pupuntahan natin?" Biglang tanong ni Mia.
Hindi ko din alam kaya wala akong masasagot sakanya. Buti nalang at sinagot ni Lane.
"Island Paradise. An hour by Land and 30mins by sea."
Biglang pumutla ang mukha ni Mia nang narinig iyon. Ayaw niya kasi nang nagta travel by sea. Matindi ang sea sickness niya.
"Wala na bang ibang way kundi sea travel?" Nag-a alala kasi ako kay Mia. Daig pa ang lasing kung mag suka.
"Wala na eh. Island kasi 'yon. Bakit? May problema ba" tanong ni Lane
BINABASA MO ANG
How To Lose A Guy
RandomREVENGE mabenta sa mga bitter, mga iniwan, pinaglaruan at nasaktan. Pero anu nga ba ang nakukuha mo sa paghihiganti? happiness?satisfaction? or just another heartache?