Hinatid nga ako ni Alexander pauwi pero siyempre hindi naman ako tanga. Hindi ako nagpahatid mismo sa bahay. Doon lang sa may entrance ng subdivision namin. Kahit mahaba-haba pang lakarin ay hndi ko na ininda. Kesa naman malaman ng manyak na yun ang bahay ko.
Pero kahit nagpahatid ako sakanya ay hindi ko siya kinausap buong byahe namin. Todo buntong-hininga na lamang siya. Tuwing nagtatanong siya ay tango o iling lang ang sagot ko. Kahit pa yung mga tanong na hindi naman nasasagot ng Yes or No ay ganun parin ang sagot ko sakanya. The only time I spoke was when I told him where to drop me off.
I guess nakuha niya naman na ataw ko makipag-usap sakanya kaya he gave up eventually.
Sinigurado ko munang nakaalis na si Alexander bago ako pumasok sa subdivision at naglakad papunta sa street namin. Nang makapasok ako sa bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto.
I decided to open my FB account para lang icheck ang mga nangyayari sa mundo. Pagkabukas ko palang ng account ko ay agad ko naman itong nilog-out dahil sa pinaka unang tumambad sakin sa newsfeed ko. At that very moment, gusto kong magwala. Kung pwede nga ay binasag ko na ang screen ng laptop ko. But I knew better. He doesn't deserve my wrath. Elijah doesn't deserve any of my feelings. Heck he doesn't even deserve my insults! And I don't mean that in a positive way.
Binaha ako ng mga alaala namin noon ni Elijah. How happy we used to be. It was the perfect relationship. Or so I thought. One day I just found out na matagal na pala niya akong niloloko. What's up with that? I gave him all the love I could possibly give yet he still chose to break my heart.
Pinunasan ko ang mga luhang tumakas sa'king mga mata. After some time, ngayon lang ulit ako umiyak. But no, I won't ever beg for his love ever again. Tama na ang isang beses akong nagpakatanga. All there's left to do now is to move on. Pasalamat siya at hindi ko sila nahuling nagla-live show ng impaktang Chloe na yun, kundi nakalbo ko na ang babaeng yun.
I decided to go out for the night. Alone. Nasa isang business trip si Dad at sinama niya si Mommy so I'm basically alone. Boring sa bahay kaya gigimik na lang ako. I decided to go to Heat Lounge para mag unwind. Matagal na akong hindi nakakaupunta dun eh. I bet lagi na ulit tumutugtog doon ang Flame dahil nagbalik na si Jacob.
When I got there, malakas na sigawan at tilian ang sumalubong saakin. True enough, Flame is performing kaya naman kung makasigaw ang mga babaeng ito ay parang wala nang bukas. I sat on the bar and ordered a shot of tequila. With alot of things going through my mind right now, I really need a tequila.
Nakakailang shots na ako ng tequila kaya medyo nag-iiba na yung pakiramdam ko. I feel so lightheaded right now. Nevertheless, I liked it. Feeling like this is so much better than thinking about my bastard of an ex-boyfriend.
My feet made it's way to the dance floor. I found myself dancing to the beat of the music. I am enjoying myself.
"Whooooo" Sigaw ko while throwing my hands up in the air. I have really lost it.
I got really dizzy with all the dancing I was doing. Feeling ko ay maduduwal na ako anytime. Without looking, I just grabbed the first arm I got hold of.
"I need air. Please take me outside" Wala na akong pakialam kung sino man itong hinigit ko. Gusto ko nalang talagang makaalis dito at lumabas para magpahangin. Ayoko naman siyempreng magsuka dito sa loob and going to the comfort room will just worsen the feeling.
Walang pagaalinlangan niya akong inalalayan palabas. I didn't even bother looking up to see who it was. Nakatungo lang ako at nakapikit ang mga mata.
Sinalubong ako ng preskong hangin pagkalabas namin ng bar. Dinala niya ako sa may mga halaman para mailabas ang suka ko.
Sobrang hapdi nang lalamunan ko ng matapos kong ilabas ang lahat ng dapat na ilabas. The alcohol was partly washed out of my system. Medyo nahimasmasan na ako pero may kaunting pagkahilo parin.
"Are you okay now Francine?" Nabigla ako at biglang napatingin sa kasama ko.
Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung sino iyon.
Nooooooooo!It can't be.

BINABASA MO ANG
How To Lose A Guy
RandomREVENGE mabenta sa mga bitter, mga iniwan, pinaglaruan at nasaktan. Pero anu nga ba ang nakukuha mo sa paghihiganti? happiness?satisfaction? or just another heartache?