Totoo nga ang sinasabi nila..
Kapag iniiwasan mo, mas lalong nagpapakita sa'yo.
Marahas kong hinawi ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.
"I don't need your help" pagtataray ko sakanya.
"Come on Francine" pagsusumamo niya
"Bakit mo ba ako tinulungan ha?nagkaroon pa tuloy ako ng utang na loob sa'yo" I hissed
Parang gusto ko tuloy bumalik sa loob ng bar at magpakalasing.
Ngunit bago pa man ako makapasok ulit ay hinigit niya ako sa braso at hinalikan. Kung sana ay okay pa kami hanggang ngayon ay sobrang saya ko ngayon. Pero hindi, all I can feel is hatred.
Marahas ko siyang tinulak at sinampal.
"What the fck Elijah?" Halos sabunutan ko ang sarili ko sa inis
"Look, what happened before..I'm sorry. It was a mis.." I cut him off. I don't want any more of his bullsht
"Yeah! You should be sorry Elijah dahil ginago mo ako! Minahal kita pero ginago mo ako!" Hindi ko napigilan ang sarili ko. I hate him.
"Francine please hear me out. I.."
Hindi ko na siya pinatapos pa. Nag walk out na ako ng tuluyan. It's a good thing that he did not follow me. Pumara nalang ako ng taxi and decided to go home.
Ano ba ang problema niya? Bakit ngayon niya pa naisip na mag apologize sa'kin. Sawa narin ba siya sa bruhang Chloe na iyon. Hindi ko mapigilang umirap pag naalala ko iyong ginawa nila sa'kin.
Nang makarating ako sa bahay ay agad akong humiga sa kama. Nasira na ang gabi ko dahil sa lalaking iyon. Nagkaroon pa ako ng utang na loob sakanya.. Sana pala hindi nalang ako lumabas ngayong gabi. Okay na sana eh. Umalis na nga ako sa dati kong school para makalayo sa ex ko pero heto at nagkita parin kami. Gano'n ba kaliit ang lugar na ito? Maybe I should consider leaving this place. Siguro naman siguradong hindi ko na siya makakasalamuha pa diba? But that's too much.
Napabuntong hininga nalang ako. Ni hindi ko pa alam sa sarili ko kung nakapag move on na ba ako sakanya o hindi pa. Siguro hindi pa talaga. Kasi kung nakapag move on na ako, wala na sanag bitter feelings diba?
Natulog akong laman ng isipan ko si Elijah. End result: napanaginipan ko siya. Ang masama niyan, sa panaginip ko ay masaya parin kaming nagmamahalan.
Kung sana ay totoo iyon.
Sinabunutan ko ang sarili ko dahil sa naisip ko. Diretso ako sa bathroom para maghilamos. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon. Lalayas kaya ako o magmumukmok nalang dito sa bahay?
Nasagot ang katanungan ko nang tumunog ang cellphone ko.
Tawag iyon mula kay Lane
"Hello" pambungad ko
"Hey Francine, sorry to call you this early"
"Nako, wala iyon. Bakit ka napatawag?"
"Free ka ba today? Gusto sana kita iinvite sa gig namin. Sa isang resort yun. Balikan lang" Aniya.
Resort? Wow that sounds exciting!
"Oo, free ako today"
"Good. Would you like me to pick you up?"
"Okay lang ba?" Nahihiya kong tanong
"Why wouldn't it be?"
Oo nga naman diba? Ang shunga ko talaga
"I guess silence means yes then. I'll be there at 8. I guess 1hr would be enough to get ready. Right?"
"Ah. Yes, yes" natataranta kong sagot. Nako ang bagal ko pa naman kumilos.
I gave him my address tapos nagpaalam na kami sa isa't isa. Dali dali akong nag-ayos ng sarili ko pati ng mga gamit. Naka simpleng maong shorts lang ako at loose top. Since resort naman iyon ay hindi naman kailangan mag over dress. Nag baon rin ako ng panligo kung sakaling maisipan kong mag swimming. Nagpaalam narin ako kila mommy at daddy. Pumayag naman sila dahil hindi naman gano'n ka strict ang parents ko.
Sinoot ko ang flipflops ko at sakto ang pag ring ng doorbell namin. Excited ko itong binuksan pero nagulat ako sa tumambad sa'kin.

BINABASA MO ANG
How To Lose A Guy
RandomREVENGE mabenta sa mga bitter, mga iniwan, pinaglaruan at nasaktan. Pero anu nga ba ang nakukuha mo sa paghihiganti? happiness?satisfaction? or just another heartache?