[A/N: Hello, gusto ko lang po mag thankyou sa nagcomment po sa story ko at sa tingin ko ikaw lang ang tanging nagbabasa nito hehe. Pero super thankful po ako and dahil po sa iyo ay naiinspire ako lalo na mag update. Kaya dedicated po sa iyo ito :D]
Nag paalam ako kay Lane nung nag lunch break na. Gusto niya sanang sabay kami pero tumanggi ako dahil makikipag chika muna ako sa mga kaibigan ko. Syempre hindi ko isasama si Lane dahil siya nga ang pag-uusapan namin.
Nag tungo akong Cafeteria at agad ko naman nakita sina Lorraine.
"Hey girls!" bati ko sakanila kaya binati rin nila ako at umupo na
"OMG!Ayun si Alexander oh!" sabay nguso ni Lorraine sa may right side. Indeed it was the great Alexander Ignacio. Napa irap nalang ako pagkakita ko sakanya.
"Why the sour face sis? Don't tell me hindi ka parin naglalaway kay Xander?" pagtatanong naman ni Yessa
"He's handsome, yes. But never, I mean never would I drool over him. Napaka gross! I get that he's a playboy, but I never expected na dadalhin niya ang kamanyakan niya sa room" I told them matter-of-factly.
"Whaaaat? you mean classmates kayo?" parang nag hysterica naman itong si Dione
"Yes, unfortunately"
"Sh8!Inggit ako!" seriously? mga kaibigan ko ba talaga ang mga ito?
"Ba't parang badtrip na badtrip ka ata kay Xander?Busted ka ba?By the way I love the dress, and the shoes" Sabi ni Yessa habang ineexamine ako.
As if mabubusted ako ni Xander. In his dreams
"Yun na nga eh. Badtrip talaga ako sa Xander na yun. He just made my first day here miserable" tapos kinuwento ko sakanila lahat ng nangyari, pati narin ang pagiging savior ni Lane Jimenez sakin. Siyempre kilig naman sila habang nagkekwento ako
"Wow Francine! I'm so totally jealous na talaga. Pero bakit naman hindi mo sinama si Lane dito? di tuloy namin nakilala
"Next time nalang nuh, pagpa-planuhan pa natin yung gagawin ko kay Xander. Ngayon mas lalo lang nadagdagan yung rason ko para gumanti sakanya" inis kong sabi
"Sigurado ka ba talaga Francine? mamaya mag back fire yan sayo, ikaw din." Ani Dione
"Dione is right Franz, hayaan mo na yun si Xander. Si Lane nalang ang pagtuonan mo ng pansin, tutal I could sense na He's into you" Pang-aasar ni Lorraine
"Backfire? Like how?" 'cos I'm pretty sure na hinding hindi ako maiinlove sa manyak na yun. Itinaga ko pa nga sa bato diba?
"What if you fall inlove with him? tapos ayun, saktan ka lang niya"
"That's IMPOSSIBLE" sabi ko sakanila. It's true. I would never fall inlove with Xander, all hell would break lose if ever ma inlove man ako dun, which will never happen by the way. Kung hindi nila ako tutulungan pwes kaya ko na ito mag-isa.
Nagpaalam ako sakanila because I needed some time alone. I have got to think this through and plan this very well. If I want to succeed that is.
"Don't make me say I told you so, Francine" sigaw ni Yessa habang naglalakad ako palayo.
Nagtambay ako sa may fountain since kaunti lang yung students ngayon. Next subject ay classmate ko si Alexander. Napag-isipan ko narin ang first move ko and I'm so excited to do it. Five minutes before mag time ay nag retouch muna ako sa comfort room para naman magmukha akong irresistable kay Alexander.
I went to my room at sakto andun na yung mokong, nakaupo na siya habang may kalandian na babae sa katabing upuan. I walked towards them.
"Ehem!' I fake-coughed para mapansin nila ako. Napatingala saakin yung babae na halatang iritado ang mukha. Haha, naistorbo ko ba ang paglalandian niyo?Good.
"What?" Irritadong tanong nung babae saakin
"I believe you're on my seat" pagtataray ko sakanya
bahagya niyang inexamine yung upuan ng parang tanga lang.
"I don't see your name on it, so what makes you say that it's your seat?" sabi niya saakin in the most irritating voice habang hine-head to foot ako. aba matapang ito ah
"I don't see your name on it either missy, so if I were you, I would leave before I break your ugly face" I said while mimicking her voice. Nanlaki ang mga mata niya at padabog na umalis sa upuan.
"Feisty girl, I like it" Singit ni Xander habanag dinidilaan ang lower lip niya. My gosh he looks so sexy
"Sorry to interrupt your little Flirt Fest" Sabi ko at nilapag ang bag ko sa arm chair at umupo narin.
"It's okay. Sawa narin naman ako sa babaeng yun. I'm actually glad you interrupted, that girl was making me sick" sabi niya tapos sinandal ang ulo niya sa back rest ng upuan at itinaas ang dalawang paa sa armchair.
Sawa?eh ilang minuto palang naman sila naglalandian dito eh, tapos sawa kaagad? Kung mag palit ito ng babae, daig pa ang nagpapalit ng damit.
"I'm Alexander Ignacio by the way" Inilahad niya ang kamay niya saakin ngunit hindi ko tinanggap
"So I've heard" I smirked at him which made his eyebrow raised. Binaba niya na rin yung kamay niyang nakalahad
"I'm Francine" Utas ko
"Lovely name, for a lovely girl" Aniya habang nakahawak ang mga daliri niya sa lower lip niya.
"Really? Ilang babae na ba ang napag sabihan mo niyan?" Sanay na talaga ako sa mga bulok na linya katulad nito.
Napatawa siya ng mahina
"Hmm, but seriously. You know.." tapos medyo lumapit siya saakin
"When I hear the name Francine, first thought that comes into my mind is sexy, beautiful and smart" Tapos kinindatan niya pa ako
"Ako naman, when I hear the name Alexander. Isa lang talaga ang punapasok sa utak ko.. wanna know what?"
"Uh-huh" aniya
I leaned closer to his ear and whispered
"Ass-hole"
Lumayo siya saakin at humalakhak
"You're not wrong about that" Aniya sa natatawa pang boses
"I like you Francine, you're...different" utas niya habang binibigyan ako ng nakakapangilabot na ngiti bago pumasok ang aming prof para mag lecture.
Well I gotta say, I think my plan is gonna work. Kaunting push pa.
Art of Seduction: Play hard to get
Don't let him feel like you're interested. Because the more you push him away, the more he's drawn to you.
Ganyan ang mga players eh. Mahilig sila sa challenge. Sanay sila na madaling nakukuha ang gusto, kaya pag ikaw na ang lumalayo sa kanila they won't stop till they get you.
Challenge Accepted

BINABASA MO ANG
How To Lose A Guy
RandomREVENGE mabenta sa mga bitter, mga iniwan, pinaglaruan at nasaktan. Pero anu nga ba ang nakukuha mo sa paghihiganti? happiness?satisfaction? or just another heartache?