CHAPTER 4

22 1 0
                                    

The whole time ba nagka klase kami ay hindi ko pinapansin si Alexander. Kapag nagpapapansin naman siya ay iniirapan ko nalang.

Minsan pinapasadahan ko siya ng tingin, at naaabutan kong nakangiti siyang umiiling. Hay naku, sayang talaga. Ang gwapo mo sana, manloloko ka naman.

Saklap lang nuh? ginagamit ang kagwapuhan para lang makuha ang gusto. Tsk!

Nang matapos ang klase, bigla akong nilapitan ni Xander.

"Number?" He asked

"Sorry, hindi ako basta-basta namimigay ng number sa mga taong di ko pa gaano kilala" Narinig ko siyang bumuntong-hininga. Ano ka ngayon? I'm really frustrating him haha

"Then how about we get to know more of each other over coffee?yes?" Tumingala ako sakanya and I saw his perfect smile. Haaaaay nakakatunaw

"Thanks, but I'll pass. See you around Mr. Ignacio" Tapos naglakad na ako palabas

"I won't stop Francine" Sigaw niya bago ako tuluyang nakaalis sa room.

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Okay then, chase all you want Xander.

Wala na akong class ngayon kaya nagpasya akong tumambay sa pinaka malapit na Starbucks para maghintay sa mga kaibigan kong mamaya pa ang uwian.

Habang naglalakad ako sa malawak na parking lot, ay nagulat ako ng may bumusina saakin.

"Coffee?" Ani Lane habang bumababa sa kotse niya

"Sure" Gusto ko din syempreng makilala pa ito si Lane ng husto. Besides, sino ba ako para tanggihan ang savior ko? pasasalamat ko narin ito sakanya

Pinagbuksan niya ako ng pinto at pumasok na ako. This time ay agad ko nang sinoot ang seatbelt para makaiwas sa awkward moment.

Nag drive siya sa pinaka malapit na mall since punuan sa Starbucks malapit sa school. Doon nalang kami nag tambay sa Coffee Bean.

Habang hinihintay namin yung order namin ay nag-usap muna kami.

"So tell me about yourself Francine" interesado niyang tanong

I don't know why but I feel very comfortable with him. Yun bang feeling na kayang kaya mo siyang pagkatiwalaan ng lahat ng mga sekreto mo.

"Well, I'm an only child. My dad works at a big company and yung mom ko naman sa isang bank. Hindi naman kami mayaman tulad ng iba diyan pero hindi rin naman kami mahirap." oh my gosh. Napaka boring ng story ko. I'm really not good at talking about myself.

"Oh, spoiled ka ba sa parents mo? I mean, you're an only child hindi ba? At babae pa" Aniya

"Well I could say that, hindi man kami ganoon kayaman at binibigay naman sakin nila ang lahat ng gusto ko" I don't know where this is going. Gusto ko nalang ito matapos

"Enough about me, ikaw naman magkwento Lane" pagpipilit ko sakanya para mawala ang spotlight saakin.

Mukhang na gets niya naman ang ginagawa ko kaya siya naman ang nagkwento.

"Well, I have two siblings. Isa yung hinatid ko sa airport, Ate Jasmine" napa tingin tuloy ako sa suot ko dahil sa kapatid niya ito dapat.

" Siya ang panganay, pangalawa ako. Yung bunso namin si Iofiel, highscool palang siya, First year. Unco ijo ako" tumawa siya pero nagpatuloy parin

"My family owns J&C corp. you know? yung sa mga processed food."

Sakanila pala ang J&C, isa iyon sa pinakamalaking corporasyon dito sa Pilipinas. He must be really wealthy.

How To Lose A GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon