"Thank you Sir Harrison." I said them walked towards my seat.Ash was staring at me with his look that says: why-did-it-took-you-so-damn-long-to- change? I mouthed 'later' to him and resumed listening to Sir Harrison. It turns out that he teaches History and that the students doesn't know him as the headmaster so we'll just play along with his act.
The day went in a blur and nothing interesting happened in class. Nakauwi kami ng bahay ng mga bandang ala sais ng gabi.
Nasa isang private subdivision ang bahay namin. Gray ang kulay ng pintura nito sa labas at may white trims. May apat na palapag ang bahay namin at malawak din ang espasyo nito.
Binati kami ng mga guards at maids pagpasok namin at simpleng ngiti lang ang tinugin ko dahil gutom na talaga ako.
"Ashhhhh...Oliviaaaa!" Mom screamed and hugged us tightly.
"Mom...c-can't breathe." I said and she released us from her bone marrow crushing hug.
"Hehehe, sorry." sabi niya habang nakapeace sign pa.
"Mom, gutom na ako!" sabi ko sabay pout.
"Sige, tara na. Madami akong niluto kasi alam ko na matatakaw ang babies ko." sabi ni Mom habang tumatawa pa.
"Mom, kakain na ba tayo o hihintayin ka pa naming matapos kakatawa?" sabi ko na medyo naiinis na.
"Ay hahaha wait." sabi ni Mom at hinintay pa nga namin siyang matapos tumawa.
"Come on, vámanos. Everybody let's go." kanta pa niya habang papunta kami sa dining table.
Hay, ewan ko ba talaga dyan kay Mom. Dinaig pa kami sa pagkanta ng Dora kahit nung mga bata pa kami pero kahit ganyan yan, mahal na mahal pa din namin ni Ash yan.
Pagpunta namin sa dining table, agad na nagwala ang mga demonyo sa tyan ko dahil sa mga pagkain na nasa harap ko.
"Oy Olivia, mukha kang tanga dyan. Isara mo nga yang bibig mo." sabi ni Ash.
I ignored him at umupo na ako at naghandang kumain.
"Magdasal muna tayo." sabi ni Dad.
Ay teka, nandito pala si Dad. Hindi ko siya napansin ah.
Pagkatapos naming magdasal ay nilantakan ko na agad ang mga pagkain sa harap ko.
May barbecue, steak, carbonara, mashed potato and gravy, roasted turkey, caesar salad at grilled salmon. Syempre lahat kinain ko para hindi masayang. Isipin mo din ang mga bata sa Africa na nagugutom, hindi ako pwedeng mag-aksaya ng pagkain.
Pagkatapos naming kumain at magkwentuhan ay pumunta na kami ni Ash sa mga kwarto namin.
"Night Ash." I said then kissed his cheeks.
"Goodnight din Liv." sabi ni Ash at humalik din sa pisgi ko.
Pagkatapos ay pumasok na siya sa kwarto niya. Pumasok na rin ako sa kwarto ko at naghalf-bath. Nang matapos at nakapagbihis na ako ay natulog na ako.
<------------>
Pumasok kami ni Ash sa University ng medyo maaga para na rin maiwasan yung kulto na balak akong patayin.
BINABASA MO ANG
Made To Be Perfect
Science FictionSiya si Olivia Iris Pendleton, may hindi pangkaraniwang itsura at lakas. Anak ng isang multi-billionaire at ng isang sikat na fashion designer. Upang hindi siya malagay sa panganib ay napilitan siyang mag-disguise bilang nerd kasama ang kanyang kuya...