Chapter Five

28 1 0
                                    

I am currently making my way towards Headmaster's office dahil pagdating ko lang sa university ay bigla na lang siyang tumawag at pinapunta ako sa office niya.

Wala pa naman si Ash ngayon. Nalate ng gising.

"Good morning, Miss Dalton. The Headmaster is expecting you in his office." sabi ng secretary. I just nodded.

Kumatok muna ako sa pintuan bago pumasok ng office ni Tito.

"Bakit niyo po ako pinapunta dito?" tanong ko sa nakangiting si Tito Scott.

"Maupo ka muna." sabi naman nito na hindi inaalis ang kanyang ngiti.

Creepy!

"Tito, no offense ah pero mukha kang pedophile." sabi ko nang diretsuhan.

His booming laughter echoed in the whole room na naging sanhi ng pagtahimik ko.

"Sa gwapo kong ito, mukha pa akong pedophile?" at hindi pa rin siya tumigil sa pagtawa.

Psh, masyadong mayabang!

Napagdesisyunan kong umalis muna at patapusin ito sa pagtawa. I stood up and made my way to the door when he spoke.

"Okay, tapos na akong tumawa. Mag-usap na tayo." seryoso nitong saad.

Okay, bipolar rin ba siya? Sabihin ko na kaya kay Dad?

Tumigil ako sa paglakad at bumalik sa aking kinauupuan.

"So what is it that you want to tell me?" I asked.

"You will be the headmistress for a week and you will be facilitating the Foundation Day." he said, looking directly at me.

Aangal na sana ako pero naunahan ako nitong magsalita.

"This is your Father's order." sambit niya pa na nagpatahimik sa akin.

Hay, wala na akong magagawa kung si Dad na ang may gusto nito. Para naman siguro ito sa ikabubuti ko.

"Okay. I agree kung si Dad din ang may gusto nito but I still need to hide my identity." sabi ko.

"No. Maghihinala ang mga estudyante kung isang nerd ang magiging pansamantalang headmistress. Isa pa, kilala ka na ng iba dito dahil lagi kang nabubully." sabi nito.

"So what are you suggesting, Tito?" tanong ko at tinaasan ito ng kilay.

"You will reveal your true appearance." sabi nito na ikinagulat ko.

"Ha? Edi mas lalo nila akong mamumukaan!" sabi ko na may pagkairita.

"Baka nga may kumuha pa ng picture ko at kumalat pa na anak ako ng may ari ng university!" pahabol ko pa.

"Not if Ash will disable all their image capturing devices inside the university." sabi nito at ngumiti pa.

Ugh! Wala na talaga akong takas!

"Okay, fine. But I don't know what to do for the foundation day." inis ko namang saad.

Isang smirk naman ang kumawala sa mukha ng aking Tito.

"Simple lang ang solusyon diyan sa problema mo, si Clark. Siya ang magiging kasama mo sa pamamahala sa university. Sabihin na nating siya ang magiging secretary mo." sabi nito na hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi.

"Si Clark? Hmm, okay." pagsang-ayon ko.

"So, it's settled. Magbabakasyon muna ako nang isang linggo pero i-update mo pa rin ako sa mga nangyayari. Is that clear?"

"Yes, crystal clear. Are we done?" bored kong tanong.

"Yes, you may go. I will inform Ash and Clark later." sabi nito.

Tumayo na ako at lumakad patungo sa pintuaan at binuksan ito ngunit bago pa man ako makalabas ay may pahabol pa akong tanong.

"What name will I be using?" nakatalikod kong tanong.

"Iris, just Iris. No surname." sabi ni Tito at humarap ako sa kanya.

"Great! I miss that name." isang ngiti ang namutawi sa aking mukha dahil matagal-tagal na noong magamit ko ang pangalang ito.

Olivia Iris Pendleton

Finally!

<---------->

"Ano!? You'll just endanger yourself sa gagawin mo." kalmado ngunit may diin na sabi ni Clark.

"Bakit ba naman kasi naisipan ni Dad ang ganito." sabi ni Ash.

Nandito kami ngayon sa may cafe na malapit sa university dahil sinabi ko na sa kanila ang sabi sa akin ni Tito Scott. Hindi pa pala sila naiinform kaya naman nagulat sila ng sabihin ko ang tungkol dito. But wala na kaming magagawa dahil si Dad na ang nagsabi.

"You both know that we can't do anything about it. Let's just trust Dad." I said flatly.

"Pero kasi..."

"But..."

Sabay pa nilang sabi kaya naman sinamaan ko sila ng tingin.

Ang kulit, sabing wala na ngang magagawa eh.

"So, ano nang plano?" mahinang sambit ni Clark.

"We will do the tasks given to us by Tito. Alam niyo na naman yun, so let's focus sa mga gagawin sa mismong foundation week." sabi ko.

"By the way, hindi ako magsusuot ng disguise sa buong foundation week and dapat hindi nila ako makilala so call me Iris." sabi ko at muntik nang matawa dahil sa mga reaksyon nila.

"What!?" sabi ni Clark.

"What the fuck!?" sambit naman ni Ash.

Made To Be PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon