Chapter Six

18 1 0
                                    

Ash's POV

Naiinis talaga ako ngayong araw! Pano ba naman! Ngayong araw magsisimula yung foundation week. Nag-aalala talaga ako kay Olivia eh. Baka may makakilala sa kanya!

Pero wait, hindi din naman alam ng iba na may anak sila Mom at Dad ah. Hehehe, tago din pala ang existence namin.

Teka nga, matawag na nga yung babaeng yun. Kailangan naming pumasok ng maaga para iwas gulo na.

Tok tok!

"Olivia, ano ba yan. Ba't ang tagal mo naman. Hindi mo na naman kailangan mag-ayos ah." sigaw ko dahil naka-lock yung pinto.

"Wait lang!" sigaw niya pabalik.

*10 minutes later*

Ahh! Ang tagal niya naman.

Kinuha ko sa wallet ko ang lock pick set na binili ko pa dati. Pagkatapos kong kalikutin ang doorknob ay sa wakas, bumukas rin ito.

*click*

"Wow! Gorgeous as evah, my sistah." mangha kong sabi.

"Tigilan mo nga ako sa kabaklaan mo, yuckerz."

"Hahahahaha, ang jeje mo." humagalpak ako ng tawa dahil sa bagong salita na sinabi ng kapatid ko.

Tiningnan niya ako ng masama kaya naman tumahimik na ako.

"Ayos na ba 'tong itsura ko? Hindi na naman nila siguro ako makikilala noh?" tanong ni Olivia.

"Oo naman, ang laki kaya ng pinagbago ng mukha mo. Eh mga tanga-tanga pa naman yung mga estudyante doon." at humagalpak na naman ako ng tawa.

"Shut up. 'Wag ka ngang mayabang." inis niyang sabi.

"Joke lang naman eh." mahina kong sambit.

Nagulat naman ako nang bigla niya akong yakapin at hilahin palabas.

"Tama na drama, kuya. Kain na muna tayo." masigla niyang sabi.

Bipolar talaga toh.

Pagkatapos naming kumain ay pumunta na kami sa university. Naging tahimik si Olivia habang nasa byahe kami.

"Ash, you turned off their camera, right?" bigla niyang tanong.

"Oo naman, yes." confident kong tugon.

"Kinakabahan ka ba?" pang-aasar ko sa kanya.

"Nope, why would I?" kalmado niyang sagot.

Sus, kunyare ka pa. Kinakabahan ka naman.

"You can't fool me." I smiled.

"Okay, fine. Kinakabahan nga ako." sabi niya.

"Halika dito, hug kita para di ka na kabahan." sabi ko.

"Salamat, kuya." sabi ni Olivia.

"Dito ka lang sa tabi ko ah. 'Wag mo 'kong iiwan." dagdag pa niya. I offered her a smile of assurance.

Kahit na medyo cold si Olivia na parng bipolar na ewan, may side pa rin siyang ganito. Yung takot maiwanan.

"Wait, I'm gonna call Clark first." sabi ni Olivia at tinawagan si Clark.

"We're at the parking lot, where are you?"

"Can you meet us here first?"

Made To Be PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon