Poem 2

1.5K 23 0
                                    


"Salamat mahal at pasensya"



Mahal, pasensya na kung ganito lamang akowala akong kayamanan at kagandahang ipagmamalaki sa iyotila isa lamang akong simpleng tao nabubuhay dito sa mundoAt alam kong kailan ma'y hindi mo ma-ipagmamalaki sa mga barkada mo.

Mahal, pasensya na kung bigla bigla na lamang akong hindi kikibo
Sa sobrang dami kasing tumatakbo sa isip ko
Hindi ko maipapaliwanag sa iyo dahil ako mismo,
Ako mismo hindi ko maintindihan ang nais ipabatid nito.

Mahal, pasensya na kung sa bawat araw ay nadadamay ka sa problema ko
Pasensya na mahal sapagkat nawawalan na ako ng pag asa't nanghihinaako 
Mahal, hindi ko na alam ang gagawin ko, nais ko ng sumuko para lamang matapos to
Gusto ko ng tumigil ang paghinga ko ng mawala ang bigat ng nararamdaman ko

Pero hindi maari.

Dahil nandiyan ka

Nandito ka

Mahal sa bawat oras ng kahinaan ko'y nasa tabi kita
Tila pinapawi mo ang mga luha sa aking mga mata
Ini-aalis mo ang mga sakit na aking nadarama
Pinaparamdam mo sa akin ang mga salitang "Mahal kita."

Lumalakas ang loob ko sa bawat yakap na ibinibigay mo
Sa bawat salitang binibigkas mo na magpakatatag ako
Sa bawat ngiting ipinapakita mo upang gumaan ang pakiramdam ko
Sa bawat halik na ibinibigay mo sa tuwing babagsak na ang mga luha ko

Salamat mahal,

Inintindi mo ako sa mga panahong hindi ko maunawaan ang sarili ko
Minahal mo ako sa mga panahong ikinahihiya ko ang sarili ko
Binibigyan mo ng kulay ang buhay ko sa panahong tanging kadiliman na lamang ang nakikita ko.

Salamat mahal,

Dahil ipinakita mong may silbi pa ang buhay ko,

Ipinaramdam mong kailangan kong lumaban kahit pa'y nais ko ng putulin ang buhay ko

Sinabi mong mahal mo ako

Mahalaga ako sayo

Salamat mahal

Dahil ipinaramdam mo

Pero

Pasensya mahal,


Dahil naiistorbo kita sa mga gawain mo upang lambingin lamang ako

Dahil inuuna mo ang nararamdaman ko kesa sa sarili mo

Dahil inuunawa mo at minahal mo ng tapat ang mahinang katulad ko

Katulad ko na mahirap mahalin ng isang katulad mo

Pasensya mahal

Sana'y 'wag mo akong sukuan at patuloy pa tayong lumaban

Salamat mahal,

At Pasensya

Dahil minahal mo ang isang katulad ko,

Katulad ko na nais ng sumuko sa ginagalawang mundo.  

Poems (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon