Poem 4

1K 10 0
                                    


 "TAPOS NA"


Di ko alam kung pano mag uumpisa. Kung paano uumpisahan ang bagay na tapos na.

Mahirap. Masakit. Di ko na alam kung bakit.

Habang natutulog ka di ko maiwasan ang tumitig sa'yo.

Ito ba? Ito ba yung lalaking nakilala at minahal ko noon?

Bakit kahit pareho ng mukha tila di ko na siya kilala ngayon?

Nakakatawang isipin at marinig na minsan iniisip ko

Baka di naman talaga ikaw yan. Baka may nagpapanggap lang.

Baka lahat to biro lang.

Pero pano? Bakit? Ang dami kong tanong.

Ano bang nangyari sa atin?

Nag umpisa sa malayuang distansya.

Ni hindi ko nga naisip na di pala yun uubra.

Mahirap. Sobrang hirap. Pero tinuloy pa rin natin diba?

Kasi naniwala tayong magiging ayos din yun.

Na darating din ang tamang panahon na di na natin kailangang maghiwalay

Na di na natin kailangang gawing magkalayo ang mga bagay bagay.

Pero di pala lahat maaayos sa ganung distansya.

Na sa panahon na may problema ibang tao pala satin ang pupunta

Oo, nandun siya. Oo, nandito yung isa. Sino ba?

Yung mga taong naghiwalay sating dalawa.

Natapos tayo ng ganun ganun lang.

Pinili natin ang buhay na magkahiwalay.

Ok na sana diba? Pero may mali sakanya. May mali din yung sakin.

Naging takbuhan natin ulit ang isa't isa.

Landian ba ang tawag dun?

O sadyang hinanap lang natin yung dating tayo noon?

Ah ewan ko. Di ko na rin namalayan.

Sa bilis ng pangyayari ang naisip at nasabi ko na lang.

"Mahal pa rin pala kita."

Kaya nung sinabing mong mahal mo pa rin ako.

Handa na akong bitawan ang lahat.

Oo, lahat.

Di ko na kailangang mamili. Bakit pa? Mahal ko at mahal mo ako diba?

"Di kita pababayaan. Mamahalin at aalagaan kita."

Malinaw pa sa isip ko ang mga salitang yan.

Pero bakit tila nalimutan mo na.

Inisip ko baka pagsubok lang to. Kakayanin ko pa rin.

Ginusto ko to. Paninindigan ko.

Ang dami ng galit sayo. Ang dami na ring galit sakin.

Bakit? Kasi ganito tayo.

Away Bati. Away Bati. Paulit ulit. Nakakahilo.

Halos araw araw na lang ako umiiyak.

Sabi mo "Ayan ka na naman para kang bata"

Bata? Yung umiyak dahil nasasaktan ka? para akong bata?

Tingin mo ba di ako makaintindi kaya umiiyak ako?

Hindi kaya naiiyak ako dahil naiintindihan ko?

Na wala akong kwenta sa buhay mo at may mas mga importante pa sa'yo?

Di mo ba naisip na baka kaya umiiyak ako kasi di mo maintindihan?

Na sa dami ng pinagdaanan natin

Sa dami ng paghihirap at sakripisyo

Sa dami ng rason para maghiwalay tayo

Nandito pa rin ako..

Nandito pa rin akong nagmamahal sayo kahit pagod na pagod na ko

Di naman to takbuhan pero hinahabol kita

Hinahabol ko yung distansyang nagkakaroon sa pagitan nating dalawa

Pero di ko kayang tumakbo ng tumakbo.

Dahil napapagod din ako

Nakakapagod din palang magmahal.

Nakakapagod din palang umintindi.

Nakakapagod din palang masaktan.

Nakakapagod din palang umasa.

Di na kita mahabol. Di ko na kaya.

Ang layo mo na.

Di ko na rin kailangang mag paalam.

Matagal ka na ring nawala.

Matagal akong kumapit.

Pero palalayain na kita.

Mahal kita pero

Di na ko ulit makakapag umpisa sa bagay na tapos na.  

Poems (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon