Poem 5

870 5 0
                                    


"Mahal kita, mahal mo siya" 


Mahal kita, mahal mo siya

May mangyayari ba kapag ipinaglaban kita

O patuloy lang aasa na magiging tayo pa


Mahal kita, mahal mo siya

Mapapasakin kaba kung ipaglaban kita

O lalaban Karin Pero Hindi para satin kundi para sa inyong dalawa


Mahal kita, Mahal mo siya

Ang laki Kong tanga 

Dahil ako pa ang nag-reto sa inyong dalawa

Kaya Eto ako ngayon nasasaktan na


Mahal kita, mahal mo siya

Kung ako ba siya mapapansin mo

Kung ako ba siya mamahalin mo

O sasaktan mo rin katulad ng ginawa mo sa dating ako


Mahal kita, Mahal mo siya

Mahal kita kahit ang sakit-sakit na 

Eto ba yung tinatawag nilang totoong pag-ibig

O ito Yung tinatawag nilang katangahan na


Mahal kita, mahal mo siya

Sabi nila kapag mahal ka babalikan ka 

Pero bakit ganun hanggang ngayon wala kapa

Mahal kita, mahal mo siya 

Hindi kaba nagsasawang mahalin siya

Kase kung oo nandito lang ako handang saluhin ka..  

Poems (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon