Dance competition sa school. Hindi ka mapakali. Nanatili na naman na naka tungo ang ulo. Halata ang kaba sa muka mo kaya kinabahan na rin ako. Habang tinitingnan kita na paikot ikot sa backstage di ko maiwasan na lapitan ka. I tell you every soothing words that I know that time, ginawa ko lahat para lang ma-encourage ka kahit ako mismo, sa sarili ko, mas kinakabahan pa sayo. I was about to pat your back ng biglang tinawag ang pangalan mo. Isang ngiti at isang tango lang binigay ko sayo bago ka tuluyang tumalikod at humarap sa lahat. Sa bawat galaw mo, sa bawat pag sabay mo sa musika di ko inaasahan na madadama ko muli ang isang pakiramdam na pilit kong itinatago, isang munting damdamin na matagal ko ng itinatanggi ngunit sa oras na natapos ka at lumapit sa akin. Mukang di ko na kayang mag sinungaling pa, sa higpit ng yakap mo, sa saya ng muka mo na sumasabay sa bilis ng tibok ng puso ko...
Mahal na pala kita, noon pa.
To: Bae Jinyoung
Saved | Delete
BINABASA MO ANG
Twentitri || JinHwi
Fanfiction"Mag bebreyk din kayo. MAG BEBREYK DIN KAYO SA TWENTITRI KASI NGA LAMPOREBER!"- Daehwi Produce 101 Season 2 Series: ●WannaBangkaOne Series (Epistolary): #1 | Twentitri | JinHwi