056 | Narration

236 22 6
                                    

One week. Isang linggong wala si Daehwi. Hindi man nag sasalita ang mga kaibigan ni Jinyoung pero naaawa na sila sa binata. Walang oras ata na hindi tinatagtag ni Jinyoung ang mga mata niya sa upuan ni Daehwi.

Ilang beses na siyang nag baka sakali na makita ang nakababata sa pag punta punta niya sa bahay nito ngunit palagi siyang walang naaabutan. Palaging sara ang bahay ng mga Lee. Kinakabahan man mas nangingibabaw ang kalungkutan ng binata.

'Nasaan na ba si Daehwi?'

Iyan ang palaging nasa utak niya. Isang linggo na rin siyang walang gana sa lahat ng bagay at hindi siya masisisi ng mga kaibigan niya dahil kahit sila, nahihirapan para sa dalawa.

Walang ganang bumangon mula sa pagkakahiga si Jinyoung, ayaw niya man pumasok dahil alam niya wala na naman si Daehwi bumangon parin siya para pumasok dahil naiisip niya na baka magalit sakanya ang nakababata pag pinabayaan niya ang sarili niya.

He only eat one bread and drink his orange juice before leaving the house. Malapit lang naman ang bahay niya sa school laya nag lakad na lang siya. Nakaka ilang hakbang palang siya ay napatigil na ang binata sa paglalakad. Pinagmasdan niya ang bahay na katabi lang ng sa kanya. Lee Residence. Namuo ang lungkot sa muka niya ng makitang parang wala parin tao sa loob.

Napabuntong hininga na lang si Jinyoung at nag simula na ulit mag lakad.

Pag pasok ng room agad siyang napatigil sa pintuan. Hindi siya maka galaw. Hindi siya maka hinga. Ang mabagal na pag tibok ng puso niya ay biglang bumilis. Ang lungkot sa mga mata niya ay napalitan ng saya.

A tear escaped slowly from his right eye.

"Sabi nila pag lumuha daw ang isang tao at sa kanan ito unang lumabas totoo daw ito at sincere." The guy infront of him smiled soflty while wiping his tears.

"I missed you Bae Jinyoung..." bulong nito bago niyakap ang binata.

Napayakap nadin pabalik si Jinyoung bago kumalas at dahan dahan hinalikan sa noo ang nakakabata.

"I love you Lee Daehwi."

---

a/n: more on Narration na po tayo at Notes dahil malapit ng matapos ito. Thank you nga pala kay theuglygirl18 hehehe I appreciate your comments natawa talaga ako hahahhaha nagustuhan ko siya. Thank you rin sa mga votes. At sa mga nag babasa nito konting tiis na lang hahahahahah please support JinHwi! 💙💙💙

Twentitri || JinHwiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon